Thirty Nine

1.3K 17 0
                                    


  Nang makauwi ako sa amin, hindi ko mapigilan ang mapangiti. I had a great time... With Migs.
I still hate him and love him at the same time. Pero hindi dapat dahil kay Charlie. I like that guy, and if ever na bukas ay manalo ako sa pustahan kay Migs, sasagutin ko na siya.
Pero ang isipin ang bet ay kinabahan ako. May something sa puso ko na sana manalo si Migs sa pustahan dahil I want him for my birthday. Pero hindi ko naman kayang isuko nalang si Charlie.
I texted Charlie telling him what happened (minus the pool moment).
Iba si Charlie kapag ka-text. He is so sweet and funny. Hindi pwedeng matapos ang conversation namin nang hindi niya ako napapangiti.
So bukas... Bahala na si Batman.
..
Kinabukasan nagtaka ako dahil sumabay na sa sundo ko si Pia, hindi na kay Migs. Nakasimangot siya at tinrato akong parang hangin. Siguro nag-aaway sila ni Migs. Tahimik akong napangiti habang ini-imagine na kunwari ay pinatatawanan ko siya.
Nakarating kami ng school. Tulad ng dati, naka-abang na si Charlie sa akin. Medyo nag-expect ako na may pasabog siya pero wala. Hinatid niya lang ako hanggang classroom.
Matatalo yata ako sa pustahan.
Oh well.
Wala akong ibang pinagsabihan tungkol sa bet. Kahit ang mga kaibigan ko ay hindi alam, at wala akong balak ipaalam.
Nang breaktime ay hindi na ako nagulat nang bigla na namang lumitaw si Migs. He's smirking na ikinairita ko. "Seems like I'm winning, again," sabi niya. Naalala ko na naman ang nangyari sa pool. I blushed.
"Nakalimutan na tayo, tara na nga girls," parinig ni Paola habang paalis sila ng iba kong kaibigan. Iniwan na naman nila ako kay Migs.
"I like your friends, marunong makisama," sabi pa ni Migs.
"May oras pa ako Migs kaya wag kang mayabang" sabi ko sa kanya.
"Just yield, Nel. He's not in-love with you."
"Kung nandito ko para mang-asar, utang na loob umalis ka nalang."
"I'm just telling the--"
Naputol ang sasabihin niya nang may biglang magsalita.
"Hi, Nel!"
Pereho kaming napalingon ni Migs kay Charlie. Automatic akong napangiti.
May dala-dalang malaking box si Charlie. Na-excite ako agad.
"Hi," bati ko sa kanya. I can't take my eyes off the box. Ano kaya yon?
Nagkatinginan sina Migs at Charlie.
"Hi, Migs. Pwede ko bang makausap si Nel nang mag-isa?"
"I want to be here whatever you're going to say to her," sagot ni Migs.
Gusto ko siyang sigawan nang mga sandaling iyon pero mukhang walang problema si Charlie.
"Dapat kanina ko pa naibigay ang gift na ito pero... Uhm never mind. Just open it."
Agad kong kinuha ang malaking box kay Charlie. Ramdam ko naman ang mga mata ni Migs sa akin. Hmp! Wala akong pake.
Nang masilip ko ang laman ng box ay nanlaki ang mga mata ko.
"Oh my god! He's so cute!" Gustong-gusto kong yakapin ang cute na cute na puppy na color white as snow pero hindi ko magawa dahil nasa school kami.
"Nanganak kasi yung aso namin, at naisip kong bigyan ka. He's yours."
Hindi ko mapigilan ang sobrang tuwa ko non.
"Hindi ka talaga nabibigong sorpresahin ako!"
"Well, I like surprising you. Because I love you."
Nagkatinginan kami ni Migs. Ako kinikilig. Si Migs parang papatay.
"You love me?" dahan-dahan kong tanong.
"Yes. I thought it was clear na simula nang magparamdam ako?"
"Yes. Nagulat lang ako kasi, first time mong actually na sinabi ang words na yon."
"Really? Well, at least nasabi ko na." sabi ni Charlie na mataman na nakatingin sa akin. Then he smiled.
"I love you, Nel."
Hindi na ako nagpakipot pa. Niyakap ko agad siya, ignoring Migs.
Sobrang saya ko, sinabi niya ang words na yon. Akala ko hindi niya sasabihin. But he did.
Bago ko pa mapigilan ang sarili ko, sinagot ko siya.
"Yes, Charlie. Tayo na! I'm yours now!"
Kumalas sa yakap si Charlie. Medyo namumula.
"Really, Nel?"
"Yes!"
Ngumiti siya. "well. So I'm lucky!"
siya naman ang yumakap sa akin.
Naalala ko lang na naroon pa pala si Migs nang marinig kong tumayo siya sa upuan at lumakad palayo.
I felt something sa pag-alis niya. But for now, I'll savor the moment with my boyfriend.  

The Evil QueenWhere stories live. Discover now