Forty Four

1.4K 23 0
                                    

  I am Miguel Lazaro, but I prefer to be called Migs.
Only son ako ng isang may kayang pamilya. I was never lonely being the only child, because I had a sister from other family.
Kilala ko na si Nelmirya habang buhay. Since childhood, alam kong kapamilya ko siya, not by blood but by heart.
I was her big brother (so I thought) lalo na nang mamatay ang mama niya. Doon kami lalong nagkalapit at doon nag-umpisa ang pagiging maingat ko sa kanya. Palagi akong nagaalala para sa kanya. Lagi ko siyang pinagtatanggol at sinasaisip ang kapakanan niya.
Until one day, nagbago siya. She became stubborn at wild. Siguro kasi sabi niya dalaga na daw siya at hindi na kailangan bantayan. I accepted her reason. Pero ang Nel na nakasanayan ko na palaging nakadikit at nanganagilangan sa akin ay wala na. Close pa rin naman kami. Talagang hindi na tulad ng dati. Noon kasi, walang malisya sa amin, I mean, natural lang. Pero may dumating na pagkakataon na naiilang na siya sa akin at ako naman ay napapadalas ang pagtitig sa kanya. I know what is happening. Hindi na kami bata. Pero may part sa akin na ayaw pakawalan ang kung anong meron sa amin dati.
Then one day, I met her step sister Pia. Bilang lalake ay hindi ako pwede magsinungaling sa kagandahan niya. Napakaganda niya na sunod-sunod ang paglunok ko. I was glad na bakasyon siya tumira sa bahay nina Nel dahil nagkaroon kami ng time magbond, kasama si Nel syempre. Lalo akong naging malapit kay Pia nang malaman ko ang pinagdadaanan niya. Muling nabuhay ang heroic instinct ko. Pia was so sweet at vulnerable na para bang konting kanti lang ay mababasag na. I remembered Nel in her. So as long as I can, I played the hero again, kay Pia naman. It felt good saving her and caring for her na na-miss ko kay Nel.
But that doesn't mean na mapapalitan na niya si Nel. Nel was still my baby girl, kahit ilang beses pa niyang ipamukha sa akin na masyado akong pakealamera sa buhay niya. Well, I could not just let her do something na alam kong bawal. I still care for her, I will always do.
Then Nel started to be really really wild. Dati kapag pinagsasabihan ko siya ay tinatanggap niya. Pero lately tumitigas ang ulo. Palagi siyang may sagot sa akin at madalas na may sisisihing iba. Madalas niyang puntirya si Pia tapos kapag sasawayin ko ay ako ang lumalabas na masama.
I still love her, though. Tinanggap ko na lang na baka hirap pa siyang mag-adjust sa bagong pamilya niya.
Pero habang tumatagal, she was getting far from us, from me. Nasabi niyang kaya ganon dahil ayaw na niyang masaktan si Pia, but I knew there is something else. I knew she was jealous and I could not do anything about it. Hindi naman pwede na isantabi ko si Pia para lang mapalapit ulit si Nel sa akin. So I made a balance. I made sure na nababantayan ko siya, lalo na nang ligawan siya ni Joshua. That kid was nothing at ayaw na ayaw ko siya para kay Nel. Yes, he was nice pero hindi sapat para i-handle ang kababata ko. Ako nga ay hindi ma-take si Nel, siya pa kaya? So I made a move na dahilan para lalo akong kamuhian ni Nel.
The only thing that I couldn't bear was seeing her hating everyone around her. She hated her father, Pia and me. I knew Nel was suffering from something, I didn't knew before she totally shut me off.
I almost beg her not to do it when she told me she was planning to leave to states. Doon ko narealize na hindi ako handa sa tuluyan niyang pag-alis sa buhay ko. It was painful just thinking I wouldn't see her for years. Hindi ko alam ang nangyari sa akin at basta nalang gumawa ng isang kilos. Bago ko napag-isipang mabuti ay naumpisan ko na so there was no turning back. I was desperate to not lose her kaya kahit bayaran ang taong tulad ni Charlie ay ginawa ko.
During those days, I realized na hindi na ako kailangan ni Nel. Ako na ang may kailangan sa kanya. Ni hindi ko na napansin si Pia noon na girlfriend ko na. Napabayaan ko ang tungkulin ko sa kanya pero di man lang ako naguilty. Nang mga panahong iyon, Nel was the only one mattered to me. But I failed to keep her. She went on. She left.
Humabol ako sa airport nang araw na iyon. I saw her bidding goodbye to my mother. It hurt like hell pero hindi na ako nagpakita. Kasi alam ko na kailangan niyang umalis. Alam ko na nang mga sandali na iyon na ako ang dahilan. Alam ko na na mahal niya ako and I was too blind to see it and too numb to feel it. Kung may huling bagay man akong maibibigay sa kanya, iyon ay ang pakawalan siya... pansamatala.
After few years, kapag alam kong handa na siya, ako na mismo ang pupunta sa kinaroroonan niya.  

The Evil QueenWhere stories live. Discover now