Forty Three

1.4K 22 0
                                    

  3 days after. Kay tita Claire ako nagstay. Umuwi ako ng sakto naroon si papa at tita Becca.
I can see the hatred in her eyes. We talked in the living room.
"You what?" tanong ni papa na parang hindi ako narinig.
"I'm going to State with tita Claire. Doon ako magka-college."
"I will not let you."
"It's for the best, dad. Alam mong hindi kami okay ni Pia. Tingnan mo na lang yung nangyari nung debut ko. At technically, I'm adult already. I can decide for myself. And I don't need your permission. Nagpapaalam lang ako. Gusto ko lang matuto sa sarili ko, pa. So I'm going."
..
Sa huling linggo na pasukan ay pumasok pa rin ako. Nalaman kong kilala pala ni Elaine si Charlie kaya umpisa palang ay alam na niyang may tinatago na si Charlie sa akin. Ayon sa kanya ay scholar si Charlie at hindi makaya sa buhay. Ngunit pakiramdam ko ay pati siya ay niloko ako.
Sa mga natitirang araw ko ay iisa lang ang nasa isip ko: ang makaalis na agad.
Si Migs ay hindi nagparamdam. Si Charlie, isang araw ay humingi ng sorry sa akin at nagpaliwanag ngunit hindi ko siya pinakinggan. Halos sampalin ko rin siya pero nakapagpigil ako.
Si Pia, may malay na siya at nakauwi na ng bahay. Gusto ko sana siyang kumustahin pero alam kong hindi iyon makabubuti.
Inisip ko nalang ang plano ko sa buhay ko. Kukuha ako ng kursong related sa Arts and Design. Alam ko na ang gusto ko sa buhay ko. At nasisiguro kong magagawa ko lang iyon kapag nakaalis na ako.
..
Nang dumating ang araw ng pag-alis ko ay si tita Ana at ang tatalo kong kaibigan lang ang naroon para ihatid kami ni tita Claire. Okay lang naman sa akin kahit wala si papa. Alam kong hindi niya tanggap ang pag-alis ko. Si Migs, sabi ni tita Ana, ay ilang araw nang walang imik at nakakulong sa kwarto.
Ang weird dahil nasaktan ako na wala siya. Pero muli kong pinaalala sa sarili ko na kailangan ko nang umpisan ang buhay ko nang wala sila.
"Kailan ka babalik, Nel?" tanong ni tita Ana.
Sa totoo lang ay hindi ko alam ang isasagot ko. Sa katunayan, hindi ko na iniisip ang bumalik.
"We will see, tita," I answered as I look back for the last time before leaving.  

The Evil QueenNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ