Thirteen

1.4K 25 0
                                    

  Nagising ako sa matinding sakit ng ulo. Nang idilit ko mga mata ko ay umikot ang mundo ko bago ko maalala ang lahat.
Iyakan...
Tawanan...
May dumating...
May bumuhat sa akin...
Sumuka ako...
May kotse...
Suka...
Sumakit lalo ang ulo ko sa pilit na pag-alala. Naitayo ko rin ang sarili ko at napansing nasa kwarto ko ako. Dumating si manang, may dalang kape. Sigurado daw masama ang pakiramdam ko. Tinanong ko siya anong nangyari.
''Hay naku ikaw bata ka. Alalang alala kami sayo kagabi. Halos tumirik mga mata namin kakahintay sayo. Dalawang oras kang hinanap ni Migs at ng papa mo. Tapos dumataing sila kasama kang lasing na lasing. Nakakahinayang ang surprise party mo!''
nabuhay ako sa sinabi niya. Surprise party. Naghanda sila ng surprise party na hindi natuloy dahil sa pagpapabaya ko? Nakaramdam ako ng panghihinayang lalo na nang sabihin ni manang na halos lahat ng kapit-bahay ay naroon. Pinaggastusan daw ni papa ang lahat at pinagplanuhan daw ng mabuti ng tita Ana.
Yari ako.
Nang makapag ayos ako ay nakita ko pa ang mga lamesa at upuan sa garden namin na halatang may handaang naganap kagabi.
Naisip kong puntahan si papa at siguradong galit ito. Naabutan ko siya sa library na may kausap sa phone. Ang mga pinagsasabi niya sa kausap ay hindi ko maintindihan dahil puro business terms. Kahit kailan ay hindi ako naging interesado sa business namin. May taniman kami ng mais at palay sa di kalayuang probinsiya na minana pa ni papa sa magulang niya. Isa iyon sa dahilan kung bakit hindi ko pa nararanasang magutom. Idagdag pa na isa kami sa may-ari ng isang hotel and restaurant sa lugar na ito, na pamilya ni Migs ang nangangasiwa.
Hindi ko na nahintay si papa kaya lumabas ako at pinuntahan ang bahay nina Migs. Tuwang-tuwa si tita Ana nang makita ako. Kinumusta niya ako at nag kwentuhan. Nabanggit niya nga na sina Migs at papa ang sumundo sa akin kina Joy. Nakakapanghinayang rin daw ang surprise party ko. Lalo akong na-guilty dahil sa napalpak nilang surprise birthday party para sa akin. Nagsorry ako sa kanya pero sabi niya, kay Migs daw ako humingi ng tawad dahil literal daw na sinukaan ko siya kagabi at napagod sa paghahanda ng party at paghahanap sa akin.
Umakyat ako sa room ni Migs (dati ko nang ginagawa iyon tulad ng pagpasok niya sa room ko). Kaso ngayon lang ulit ko nagawa dahil nga sa issue ko sa kanila ni Pia. Bukas ang room niya kaya pumasok ako. Nadatnan ko siyang tulog.
Ngayon ko lang ulit siya natitigan. Lalaki na talaga si Migs, hindi na siya binatilyo. Lalo na at iba na ang katawan niyang puro muscles. Wala siyang suot na shirt kaya malaya ko siyang namamanyak. May kumot siya mula bewang pababa hindi ko tuloy alam kung may pangbaba siya. (may lalaki ba talagang natutulog ng hubad?) Ang tagal ko siyang tinitigan nang bigla siyang magising. Tumayo siya agad nang hindi napapansin na naroon ako sa kwarto niya. Bago pa ako makatalikod ay bumagsak na ang kumot niya at... may nakita ako! Nang marinig niya ang singhap ko ay doon niya lang ako napansin at dali dali siyang umupo at nagtakip ng kumot. Nanlalaki ang mga mata niya sa akin. Ako naman ay siguradong pulang-pula ang mukha.
Ganito na ba talaga? Tuwing magkikita kami palaging may epic na mangyayari?

The Evil QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon