Eight

1.6K 29 0
                                    

  Mabuti nalang at binago ko ang lifestyle ko dahil kung hindi, nakahawak pa rin ako sa pag-asang mapapansin ulit ako ni Migs at ni papa. Pero attention na ni Joshua at ng teammates ko sa volleyball ang nagpapatawa sa akin ngayon. Palagi akong sumasama kina Paola tuwing may gala (dahil boring sa bahay at wala akong gustong kausapin sa kanila) at palagi ko na ring katawagan si Joshua.
Lumipas ang mga araw, walang bago. Iwas pa rin ako kay Migs at sa pamilya ko. Ilang araw bago ko na-realize na malapit na akong mag-Seventeen kung hindi pa ni-mention ng mga kaibigan ko. Tinanong ako nina Paola, Elaine at Joy kung ano bang balak ko. Wala akong plano dahil mukhang limot din ng pamilya ko na nagbibirthday din pala ako. Nag-suggest yung tatlo kami-kami nalang ang mag-celebrate. Nagdecide kami na 5pm ay magkita-kita kami sa bahay ni Joy. Hindi ko maiwasang malungkot dahil dati, pag birthday ko ay si mama lagi ang nag-aayos ng lahat: mapa-handa, celebration at gifts man, asikaso niya. Nang mawala siya, si Migs at tita Ana (mommy ni Migs) na palagi ang nakakaalala ng birthday. Si papa masyadong abala sa work para maalala. Ngayon, mga kaibigan ko na lang yata ang may pakealam. Si Tita Ana ay hindi ko na nakakausap dahil nga hindi na ako bumibisita sa bahay nila.
Isang gabi bago ang kaarawan ko, mga ilang minuto bago mag-12 midnight, nag-ring ang phone ko. May video call, si Joshua. Nahiya pa ako sagutin dahil kagigising ko lang. Wala na akong choice kundi ayusin ang buhok ko at punasan ang mukha ko ng kumot. Sa screen, ang pogi ni Joshua at nakaporma pa. Binati nya ako ng happy birthday. Nagsimula siyang kumanta at don ko lang napansin na ang tinutogtog niya ay gitara. Mahahati na yata ang mukha ko sa luwang ng ngiti ko. ''Talagang hinintay mo ang magMidnight para lang i-surprise ako?'' tanong ko nang matapos siya. ''Oo syempre. Ikaw pa ba? So nagustuhan mo ba?'' ''OO naman! Anong kanta iyon?'' ''original ko yon para sayo,'' ngumiti pa siya talaga na lalong nagpapangisay sa akin. ''thank you.'' ''Wag ka munang mag-thank you. Wala pa yung gift ko. Kailan kita pwedeng ma-meet ngayon?'' na-excite ako. Meron pang gift sa akin si Joshua. Nakakakilig talaga. ''Ngayong umaga, free ako!'' ''ayos! Sige susunduin kita.'' Hayun lang ay natapos na ang usapan namin. Napapangiti ako sa kawalan. Natauhan lang ako nang mapansin kong may tumatamang ilaw sa bintana ko. Tinitigan ko muna iyon ngunit panay ang galaw ng ilaw at nagpatay-sindi pa. Tumayo ako at lumapit sa bintana. Nasa second floor ang kwarto ko kaya kitang-kita ko kung anong mayroon sa may kalsada sa tapat ng bahay namin. May tao sa labas. Nang buksan ko iyon ay tumambad ang lalaking may hawak na malaking ''HAPPY 17th BIRTHDAY NEL ROSARIO!''
Ang banner ay hawak-hawak ni Migs. Sa leeg niya ay may naka-kwintas na flashlight. May mga floating balloons na nakatali sa braso niya at isang malaking teddy bear na nakasakay sa balikat niya. Kitang-kita ko ang matamis niyang ngiti sa liwanag ng buwan at ilaw sa poste ng bahay namin. ''Nangangawit na ako, Nel. Ano bababa ka ba dyan?''  

The Evil QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon