Sixteen

1.4K 32 0
                                    

Tapos na ang dinner ngunit ang mga matatanda ay gusto pa yatang mag-inuman. Wala kaming pansinan ni Pia habang nasa living room. Nanonood kami ng movie. Nung una ay gusto ni Pia ng rom-com pero pinilit ko na horror ang panoorin namin. Ako naman ang nasunod dahil ako ang bida ngayon.
Nakakatakot nga yung palabas. Tatlo lang kaming nanonood. Sa sofa ay napapagitnaan namin ni Pia si Migs.
Napapansin ko ang paghawak at pagsandal ni Pia kay Migs tuwing may kagulat-gulat na eksena. Sa inis ko ay pinatay ko ang ilaw para di ko sila makita (at para mas creepy. Feel na feel ang pinapanood). Di nagtagal ay nanlalaki na ang mata ko kay Pia dahil yumayakap na siya kay Migs sa sobrang tako (sa takot nga ba?). Naiinis na talaga ako lalo na at itong si Migs ay hayaan lang ang kalandian ng step sister ko. So tumayo ako at nagsabing magsi-cr lang ako. Pumunta ako sa kusina at binuksan ang refrigerator. Sa freezer ay naghawak ako ng yelo habang nangingiti sa masamang plano ko.
Bumalik ako nang dahan-dahan at tahimik. Hindi nila ako pansin hangga't sa makapwesto ako sa likuran nila.
Sakto ang eksena sa movie ay tahimik na ang bida ay hindi alam kung may bubulaga sa kanya.
Bigla kong pinatong ang malamig kong kamay sa gilid ng leeg ni Pia at nagproduce ng sound sa bibig ko.
Napatayo si Pia at napatili ng malakas na rinig na rinig sa buong bahay (o hanggang kapitbahay).

Hinanda ko ang sarili ko sa sermon mula kay Papa, tita Becca at Migs. Dahil sa ginawa ko ay pinaakyat na kami sa kwarto ni papa. Ngingitingiti pa ako habang si Pia ay napakasama ng tingin sa akin. Hinatid kami ni Migs sa room namin (o si Pia lang dahil sumabay lang ako sa kanila). Nakasimangot akong pumusok ng kwarto ko para iwan ang dalawang iyon. Sigurado iiyak na naman si Pia at magpapaawa at kukumbinsihin si Migs na pagsabihan ako.
Hindi pa ako nakakahiga ay may kumatok na. Nang buksan ko iyon ay si Migs. Pumasok siya ng room at nag-umpisa na naman ang bibig niya. Una ay about sa pagtapon ko ng tubig kay Pia tapos ay yung pananakot ko.
Hindi ako sumagot sa kanya habang nagmimisa siya sa harap ko. Nang maytapos na siya ay tahimik lang kaming nagtitigan.
Parehas yata kami ng iniisip at namalayan ko nalang ay nagtatawanan na kami. Pinuri niya ako sa talent ko sa pananakot. ''Pigil na pigil ko yung tawa ko kanina dahil nakakaawa si Pia sa itsura niya,'' sabi niya habang tumatawa. ''Ako rin eh. Nakakatawa talaga yung high pitch niyang tili habang tatalon-talon sa takot!'' sabi ko naman.
Nang matapos kaming magtawanan ay nagtitigan ulit kami. ''Pero hindi ibig sabihin non ay maganda na yung ginawa mo,'' sabi ni Migs na kunwari ay seryoso na pero nakikita ko pa ring natatawa pa. ''But it was fun. At bored ako,'' sabi ko na akala ko ay ikaiinis niya at sasabihing tantanan ko na si Pia pero hindi. ''That's what you are, Nel. Wild. And I like you being that way,'' sabi niya. Kinabig niya ako papalapit. He kissed me sa top head, sa forehead at sa nose (the traditional kiss). Bigla ko tuloy naalala ang first kiss namin na napaka-epic na nagsimula rin sa traditional kiss. Nang tingnan ko si Migs ay namumula rin siya, naalala niya rin.
We said 'goodnight' to each other.

The Evil QueenWhere stories live. Discover now