Part 66

1.2K 16 0
                                    

  Habang papauwi ako sa amin ay nag-iisip ako. Kaya ko na nga bang harapin si Pia? Kung totoo ngang nagso-sorry siya, matatanggap ko kaya.
Pero sa ngayon iisang tao lang ang iniisip ko para sa gagawin ko. Sa muli naming pagkikita ni papa ay masasabi kong masaya siya, ngunit nahuhuli ko pa rin ang lungkot sa mga mata niya. Alam ko labis siyang nasaktan sa ginawa ni Becca. At ang makita kong nasasaktan pa rin ang aking ama ay ang dahilan kaya gusto kong pasakitan ang babaeng iyon. Dumeretso ako sa room ni dad. Naabutan ko siyang nagbabasa ng libro.
"Nel. Kadarating mo lang?"
"Yes, dad." sabi ko at hinagkan siya sa pisngi.
"Nagkaayos na kayo ni Migs?"
tumango ako. "Good. Dahil pag hindi kayo magkatuluyan, mabuti pa at di nalang din ako nabuhay."
I smiled. Minsan na kasing nabanggit ni dad kung gaano niya kagustong si Migs ang makatuluyan ko.
"Don't worry dad. We totally love each other."
"But sometimes, love is not enough."
"I also know that. Dad, I want to ask you something. It's about Becca. Hahayaan mo nalang ba siya? I mean, after all the things that she has done? Ayaw mo bang bawian siya?"
Hinawakan niya ang kamay ko. "I know what you are up to, Nel. But please, wag mo nang ituloy. Yes, nasaktan ako ni Becca. But you know what, inalis mo lahat ng sakit na iyon nang bumalik ka. Pakiramdam ko ay kahit paulit ulit pa akong saktan ni Becca, okay lang dahil nandiyan ka. Minsan, anak, ang pinakamasarap na paghihiganti ay maging masaya sa piling ng mga mahal mo at pagkalimot sa taong nanakit sa iyo. Ikaw ba Nel, hindi pa ba sapat si Migs para makalimot ka?"
"He is more than enough dad. Thank you" I hugged my dad tight. I know now what to do.
--
"Are you sure ayaw mong samahan kita?" tanong nI migs. Nasa loob kami ng kotse at nakatanaw sa apartment ni Pia. Today is the day.
"Yes. I think kailangan kaming dalawa lang ang mag-usap."
He smiled. "Or baka naman takot kang maagaw niya ako sayo?"
Tinampal ko siya sa braso. Tumawa lang siya.
Sinabihan ko siyang balikan nalang ako after 1 hour. Then naglakad na ako palapit sa building.
I don't know if I am ready. Pero alam kong pag nagawa ko ito, mababawasan ang bigat na dinadala ko.
(to be continued)  

The Evil QueenWhere stories live. Discover now