TwentyThree

1.4K 20 0
                                    


  A week later. Hindi nalaman ni papa ang nangyari. Mabuti at hindi nagdaldal si Pia kundi lagot talaga siya sa akin. Pero nakakaasar siya. Hindi man lang niya ako kinumusta kung okay lang ba ako sa dinulot niya. Anyway, tonight is big night. Makakalimutan ko ba naman ang 20th anniversay nina tita Ana at tito Jun, at ang 20th birthday ni Migs? Oo sabay sila dahil parang fairy tale ang story ng parents niya (hindi ko na ikukwento baka mainggit lang ako.) Buntis na si tita Ana nang ikasal at sa di-inaasahan ay nag-labor siya kahit hindi pa niya due. So hayun, ipinanganak na si Miguel Lazaro.
.
Pinag-isipan ko nang mabuti ang gift ko. Cross-stitch ang para sa mag-asawa na ako mismo ang gumawa. Necktie naman kay Migs na ako rin mismo ang gumawa. And disenyo ay mismong initials niya at nagandahan talaga ako. Business Administration ang course niya kaya alam kong kailangan niya ng tie. Isa pa, mas maappreciate ang gift kapag pinaghirapan.
Naunang umalis sina tita Becca, Pia at papa papunta sa mga Lazaro. Paano ba naman ay nag-try akong magmakeup at natagalan dahil paulit-ulit akong naglalagay.
Pagbaba ko sa living room ay sakto namang litaw ni manang at kasama si Matt. Gusto raw niya akong makausap kaya pinabigyan ko ng ilang minuto. Humingi siya ng tawad sa di-sinasadyang pagsapak sa akin. Ayaw daw niyang pagalitan siya ng papa ko. Okay naman sa akin basta sasabihin niya ang talagang nangyari (may suspetsa kasi akong nagsisinungaling si Pia).
''You won't believe me lalo na at kapatid mo si Pia.''
''Step sister. Just tell me your side.'' Sabi ko.
''You're underage.''
lalo lang akong na-curious sa sinabi niya. ''Tell me Matt or isusumbong kita sa papa ko!''
Natakot naman siya sa banta ko at nagsalita.
May sekretong relasyon daw sila ni Pia. Sila lang ang may alam. Ayaw daw ni Pia na ipaalam kahit kanino, kahit kay Migs. Palagi daw silang magkausap tuwing gabi at nagsosolo sa school kapag vacant. Minsan pa ay tumatakas sa klase si Matt para lang makatagpo si Pia (college na rin si Matt at ka-block si Migs). Nang araw daw na nag-away sila ni Migs ay nagtagpo sila ni Pia. Sa likod ng college campus. Hindi sa akin sinabi ni Matt ang detalye kung ano ang ginagawa nila (dahil nga daw bata pa ako) but I got the idea. Sakto raw ay dumating si Migs sa di nila malaman ang dahilan. Mabilis na tumayo raw si Pia at nag-iiyak na lumapit kay Migs. Sinabing pinilit daw siyang dalhin doon ni Matt at hinipuan. Agad naman daw naniwala si Migs dahil ang naabutan niyang makita ay nakapasok sa palda ni Pia ang kamay ni Matt.
Hindi ako agad nakapagsalita nang matapos magkwento si Matt. Nang titigan ko siya ay nakikita kong di siya nagsisinungaling.
''She said she loved me. Hindi ko alam kung paano niya nagawa sa akin iyon,'' turan ni Matt na halatang broken hearted. ''I know unbelievable, Nel. But I swear to you, totoo lahat iyon. Eto tingnan mo pa,'' pinakita niya pa sa akin ang wallpaper ng cellphone niya. Silang dalawa ni Pia na nakayakap sa kanya at di mapagkakamalang magdyowa sila. Hindi naman iyon mukhang photoshop.
''I don' care kung maniniwala ko. Gusto ko lang mapatawad mo ako, Nel.''
Tumango lang ako sa kanya. Shocked pa rin ako.
Nagpaalam na si Matt dahil napansin niyang nakabihis ako.
''You look gorgeous,'' sabi niya bago umalis. Hindi niya tono ang nakikipag- flirt or anything. I believe he meant it. Pati ang confession niya.  

The Evil QueenWhere stories live. Discover now