Twelve

1.4K 28 0
                                    

  Inabot ako ng 1pm kina Joshua. Ihahatid niya raw ako at pumayag naman ako, hindi nga alng sa bahay kundi sa bahay ni Paola. Naitext ko na siya na dadaan ako kasi ayoko nang bumalik ng bahay tutal may isa pa akong lakad with my friends. Bago ako iwan ni Joshua ay pinaalalahanan ko siya na mas gusto ko na pinaghihirapan ang binibigay sa aking manliligaw kaysa sa mga materyal na bagay. Naunawaan naman niya.
Baliw na babae si Paola. Nang papasukin niya ako sa kanila ay dinala niya agad ako sa room niya. Ayon sa kanya ay pagkakataon na raw niyang ayusan ako at hindi raw ako makakatakas. Dati wala akong pakealam sa itsura ko pero dahil nakaka-insecure talaga si Pia, pumayag ako sa kalokohan ni Paola. Binigyan niya ako ng tips habang nilalagyan ako ng kolorete sa mukha. Ayun sa kanya ay dapat maganda raw ako ngayong birthday ko. Nang malapit na ang oras para pumunta kina Joy, pinagbihis niya ako ng dress.
Sabay na nga kaming pumunta sa bahay ni Joy habang ako ay gandang-ganda sa ayos ko (parang fairy-god mother lang siya). Pagpasok palang namin sa bahay ay nakakabinging ''Happy Birthday!'' ang narinig ko at mga pambatang torotot. Naroon sina Joy at Elaine. Ang living room ng bahay ay puro balloons at lettering ng ''Happy Birthday Nel!'' Idagdag pa ang isang tarp ng mukha ko sa gitna.
Masaya nila akong pinaghahalikan isa't isa at pinuri ang ayos ko. Masayang-masaya naman ako sa effort nila. Lalo na nang makita kong puro pagkain rin at isang malaking cake, na ayon sa kanila ay personal na niluto ni Elaine. Nakaka-touch ang mga kaibigan ko. Samantalang sa bahay... Para akong invisible.
Matapos ang konting laro, kainan at bigayan ng regalo, ikinagulat ko nang ilabas nila ang ilang bote ng alak. Nagsabi akong minor pa kami pero lahat sila ay sinabing umiinom na sila dati pa. Kailangan ko rin daw ma-experience ang ganon. Pumayag na rin akong uminom dahil sa curiosity ko at wala naman ang parents ni Joy, kami lang apat ang nasa bahay.
Nagkwentuhan kami, mas madalas ang love life. Alam nilang nililigawan ako ni Joshua kaya naging open ako about don. Hangga't sa nauwi kay Migs ang usapan. ''Akala ko dati ay kayo,'' sabi ni Elaine nang sabihin kong childhood friend ko lang siya. ''Tapos inagaw siya ng step sis mo,'' dugtong ni Paola. Doon umasim ang mukha ko at napansin nila iyon, hangga't sa sabihin nila ang tingin nila kay Pia. Maharot daw si Pia, balat-kayo at iba pa na hindi ko mapigilang sumang-ayon. It turns out na pareho naming ayaw sa kapatid ko. At dahil na rin sa kapangyarihan ng alak, naibuhos ko sa kanila ang hinanakit, inis at tampo na nararamdaman ko. Sinabi ko mula sa pagbabago ni Migs, ni Papa at ang panget na ugali ni Pia. Lahat sinabi ko hangga't sa umiyak na ako. Noo ko rin narealize na masakit pa rin yung sinabi ni Migs na mas kailangan siya ni Pia kesa sa kailangan ko siya. Pinaramdam niya lang sa akin na mas importante si Pia kaysa sa akin!
Sobrang busy ko sa paglalasing at pagda-drama nalimutan ko na ang oras at ang cellphone kong nagba-vibrate dahil may tumatawag.
Hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari. Basta high ako nang gabing ito...  

The Evil QueenWhere stories live. Discover now