Twenty Six

1.4K 22 0
                                    

  Tulala akong nakauwi sa amin, sa kwarto ko. Nang maisara ko ang pinto ay napadako agad ang mata ko sa picture ni mama sa side table. Nag-agusan ang mga luha ko habang lumalapit sa picture at hinawakan iyon, niyakap.
''Mama...'' iyon lang ay humihikbi na akong napaupu sa kama.
Kung buhay lang siya ngayon, yayakapin niya ako ng mahigpit at patatahanin. Kung buhay siya, hindi niya papayagang saktan ako ng kahit na sino, kahit si papa. Kung buhay lang sana ngayon si mama, may kakampi ako.
I miss her. She was the best mom para sa akin. She cared for me. She dressed me like a princess. But for now, I am the witch in everyone's eyes.
Naramdaman ko ang vibration ang cellphone ko sa purse ko. Nang tingnan ko ang tumatawag ay si Migs.
Si Migs na walang ginawa kundi hindi maniwala sa akin.
Sa galit ko ay pinatay ko ang cellphone ko.
I made up my mind. From now on, I will only care for myself and for those who cared... Which are only my friends.
I heard knocks on my door. Pero wala akong balak harapin kung sino man iyon kaya nilabas ko ang radyo ko at speaker. Nagpatugtog ako ng malakas.
..
Hindi ako nakatulog pero may pasok ako kinabukasan. Maaga akong naghanda dahil ayokong maabutan ang sino man. Sa school nalang din ako kakain. Pati ang maid naming busy sa kusina ay iniwasan ko. Sobrang aga pa kaya wala pang driver na maghahatid sa school. Wala rin naman akong balak magpahatid dahil ibig sabihin non ay kailangan kong hintayin si Pia at makasabay. Iiwas nalang talaga ako dahil baka masapak ko siya ulit.
Dahan-dahan akong lumabas ng gate para walang makapansin. Pero nang makalabas na ako ng tuluyan ay napahinto ako.
Si Migs nasa tapat ko mismo. Napakaseryoso ng mukha niya habang inaaral ang itsura ko. Tinitigan ko rin siya dahil pati siya, mukhang wala ring tulog. Messy pa ang buhok niya, lukot ang damit at medyo may itim sa ibaba ng mga mata niya.
Mabuti at hindi ako ngayon tinablan sa kagwapuhan niya dahil unti-unting nabuhay ang galit ko.
Iniwasan ko siya at nagsimula akong maglakad papuntang school. Maaga pa naman kaya kahit maglakad ako ay hindi ako male-late.
''Alam kong gagawin mo ito kaya sinadya kong maghintay sa tapat niyo,'' narinig kong sabi ni Migs. Sinasabayan niya ako! Lalo kong binilisan ang paglalakad. Wala akong balak kausapin siya, kahit kailan!
Sa malas ko naman, mas mahaba ang mga binti niya kaya nahahabol niya ako.
''Alam kong sobra ang galit mo sa akin. I understand. But that doesn't mean na hahayaan na kitang maglakad mag-isa. I won't stop caring for you. Marami akong gustong ipaliwanag sa'yo but I know you wont listen. But I am not giving up. Pia maybe needs me, but for now, you need me more.''
Gusto ko siyang pagtawanan. Huli na siya. Hindi ko na siya kailangan, kahit kailan.
Hindi ko pa rin siya pinansin. Kahit tingnan siya ay di ko ginawa. Hindi na rin ako nagmadali dahil alam kong hindi niya rin ako tatantanan. Sa paglalakad namin ay napapansin ko ang panakanakang tingin niya sa akin at pagbuntong hininga. Sa kabila ng pagwawalang bahala sa kanya ay mukhang kuntento na siya.
Nakarating kami ng school. Pero sinusundan niya pa rin ako. Siguro sa cr titigilan na niya ako.
Nang papasok na ako sa comfort room ay naramdaman ko ang pagpigil niya sa braso ko.
''I'm sorry, Nel.'' sabi niya bago ako kabigin at halikan sa noo.
Then he's gone.  

The Evil QueenМесто, где живут истории. Откройте их для себя