Fourteen

1.4K 29 0
                                    

  ''Anong ginagawa mo rito?'' tanong ni Migs habang inaayos ang pagkakaupo niya. Ako naman ay hindi agad makasagot dahil may after shock pa sa nakita ko. Na-manage ko naman masabi ang pasasalamat ko sa ginawa niya kagabi. Doon niya lang ata naalala ang nangyari at nag-umpisa na si Migs na pagsabihan ako. Kinwento niya lahat. Mula nang malaman niyang sumama ako sa isang lalake ayon kay Pia, pinuntahan pa raw nila ni papa si Joshua at nalamang pumunta raw ako kay Paola. Nang mapuntahan raw ang tirahan ng kaibigan ko ay nalaman naman nilang nasa bahay naman daw ako ni Joy. Nai-describe pa ni Migs kung gaano raw ako kalasing nang madatnan nila, sayang daw ang ayos ko. Tapos 2 beses ko pa raw siyang sinukaan. Pagod na pagod daw sila ni papa sa akin, etc. at narindi lang ako sa pambubunganga niya. ''Tinakot mo ako. Akala ko may ginawa nang di-maganda ang lalaking 'yon sayo,'' tukoy niya kay Joshua. ''May pangalan ang lalaking iyon at iyon ay 'Joshua' at wag kang mag-alala dahil never niya akong sinaktan (di tulad mo, bwiset ka),'' irita kong sagot. Daig niya pa ang nanay niya sa pambubunganga.
''At nasaan ang cellphone mo? Nakailang tawag kami sayo!'' ''naka-silent kagabi kaya hindi ko alam na tumatawag kayo!''
Nagtitigan kami ng masama. Asar siya sa akin dahil pinag-alala ko siya, asar naman ako sa kanya dahil dinaig pa niya sa pagiging strict si papa.
Hinawakan niya ako sa kamay at hinila paupo sa tabi niya. Inakbayan niya ako. ''Pinag-alala mo talaga kami kagabi. Ang sabi mo kasi hanggang 8 ka lang. Ready na kaming i-surprise ka kaso hindi mo sinasagot ang tawag namin hanggat sa magpassed 10 na. Umuwi na ang mga bisita nang maiuwi ka namin. But what matters most is safe ka.'' unti-unti na rin humupa ang inis ko. Nagayuma na naman ako ng boses niya.
''Oo nga pala, sa inyo kami magdi-dinner mamaya. Post-celebration ng birthday mo.''
Tumango ako at ngumiti na. Alam kong ideya iyon ni tita Ana dahil alam kong hindi siya papayag na hindi mai-celebrate ang kaarawan ko. Isa yata iyon sa ipinangako niya sa mama ko nang mamatay siya.  

The Evil QueenWhere stories live. Discover now