Lumapit kami sa gitna, may mga sumigaw,nag tilian pero may iba naman na nakasimangot at sinasamaan kami ng tingin.

"Hmm, Our mates are supposed to be respected right Ace?" nakangisi na sabi ni Blake habang nakaakbay kay Bea. Alam ko na dinadaan niya lang sa biro ang galit niya at halata na alam rin ni Bea na galit na galit ito.

"Starting today, That rule is already repealed upon my name. I don't want to hear any complaints from you. If ever I heard some nasty word against our girl..." malamig na sabi ni Ace na nasa tabi ko ngayon. Napalunok ako kasi maski ako natatakot sa susunod na sasabihin niya.

"I will rip your heads off like I did to your President." He said while staring all of them.

Gulat, Galit at iba naiinis ng narinig nila ang sinabi ni Ace. Sinamaan nila kami ng tingin pero hindi ko rin inaasahan ang susunid na nangayari.

Pinagbabatuhan kami ng mga bampira ng mga Itlog at mga matatalim na punyal, muntik tumama ang punyal sa harap mismo ng mukha ko at mabuti nasalo ito ni Ace at agad rin nilagay ni Blake sa likuran si Bea.

Naging pula ang mata ni Ace ganon din si Blake handang-handa na makapatay. Ang mga punyal na iyon ay isang tama lang sa puso namin siguradong patay na kami. Takot ang nararamdaman ko dahil ang mga bampira ay may sapat na lakas para patayin kami agad.

Bigla lumamig yung buong auditorium tumingin ako sa taas may yelo na matutulis tapos meron rin yelo nakalibot sa mga estudyante. Gusto ko pigilan si Ace pero hindi ako makagalaw dahil sa mga estudyante na bumabato.

"KASALANAN NIYO KAYA NAMATAY ANG PRESIDENT!"

"THAT MORTAL MUST DIE!"

"DAPAT KAYO NAMATAY HINDI SI PRESIDENT!"

"This is bad." sabi ni Rachel. Tulad niya ay hindi nagugustuhan ng ibang prinsipe ang nangyayari.

"Who the fuck told you that you can hurt them?!" malakas na sigaw ni Blake. Umiiyak ngayon si Bea na nasa likod ni Blake.

"Answer!" malakas na sigaw ni Ace. Umusok ang auditorium dahil sa yelo at mas dumami ang mga matutulis na yelo.

Napayuko nalang yung mga estudyante yung iba nanginginig yung tuhod. Agad ko hinawakan sa braso si Ace.

"Ace, Sa tingin ko madadaan naman ito sa usapan wag mo idaan sa galit at baka mapatay mo pa sila, please." pilit ko na pinapakalma si Ace. Natagumpay naman ako kasi nawala ang makapal na usok pero nanatili ang sama ng tingin niya sa lahat.

"They tried to kill you," madiin na sabi niya. Nanginginig ang kamao niya. Hinarap ko siya at hinabol ang kaniyang tingin.

"Ayos lang ako at sigurado ako na ayos lang ang kaibigan ko. You saved me and that's really matters right now." Sabi ko at pinipilit na pakalmahin siya. Nakita ko na gumalaw ang mga prinsipe sa mga puwesto nila at huli narinig ko ay ang sigawan ng mga estudyante. Napapikit ako at muling humarap kay Ace.

"No you're not okay... Ipapahatid kita kay Rachel, I'm sorry baby." hinawakan ko ang pisnge ni Ace saka nginitian siya. Nanlambot ang mukha niya at tinignan ang buong mukha ko.

"Please wag mo na lang silang saktan, alam ko hindi nila sinasadya nadala lang sila sa galit nila. Nasaktan lang talaga sila sa pagkawala ng president nila. So calm down okay?" sabi ko. Tumango siya at hinalikan ako sa noo.

"Go, wait for me in the hallway." sabi niya. Lumapit saamin si Rachel at inalayan niya si Bea. Muntik na daw dumaplis sa braso niya amg punyal at mabuti nasalo iyon ni Blake dahil may lason daw ito.

Nakapunta na kami sa clinic, iniwan kami ni Rachel, sasabihin niya nalang daw sa kuya niya na sa clinic kami. Nandito si Tyler nakaupo. Nag alala ang loko.

The Royal Vampires Academy ✔Where stories live. Discover now