"Kailangan ko puntahan si Kevin." sabi ko sa kaniya. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Umamin na ako lahat siya pa rin ang iniisip mo?" malumanay na sabi ko. Napasinghap ako. Lumapit ako sa kaniya.

"It's now what you think okay? Maybe kailangan lang ako malaman mula sa kaniya..." halos bumulong ako. Tinitigan niya ako bago siya bumuntong hininga.

"Go," napangiti ako sa sinabi niya. Agad ako tumakbo para hanapin si Kevin. Pumunta ako sa likod ng building namin para tignan kung nandoon siya.

"Kevin!" I knew it! Nandito siya!

"I'm totally messed up, shit." sinandal niya ang ulo niya pader habang nakaupo.

"A-Ano?" tanong ko. Tinignan niya ako gamit ng mapupula niyang mata.

"May gusto ako sayo Kira, oo parehas kami ni Ace pero huli na ako." mapait na sabi niya. Nagulat ako nang sinira niya ang cellphone na hawak niya.

What!?

"I'm sorry, I... I just can't express it." narinig kong bulong niya.

Napaatras ako sa gulat. May dalawang bampira nakakagusto sa akin? At ang mas malala pa sa lahat ay mga prinsipe pa! Matutuwa na ba ako? Shit.

"Bakit ako?" wala sa sarili na sabi ko.

"Are you seriously asking me that?" napaiwas ako ng tingin. Aba malay ko! Ni hindi ko nga alam na ang ganda ko pala! Ngayon ko lang nga nalaman.

"I want to fight him." napalingon ako sa kaniya. "I want to fight my brother, Kira." napanganga ako sa sinabi niya.

"Its not too late right? I still have a chance." tumayo siya at tinignan ako ng diresto sa mata. Hindi ko siya magawang sagutin! Si Ace hindi ko nga nasagot kanina sa pag amin niya siya pa kaya!?

Nagulat ako nang hinalikan niya ako sa aking noo at bumulong. "Sorry, but i will not just give you up so easily. "

Iyon ang huli kong narinig mula sa kaniya bago siya nawala na parang bula sa aking harapan. Napahawak ako puso ko habang hinihingal.

Natagpuan ko nalang ang sarili ko sa library ng school. Nais ko sana makapag isip ng mag isa pero hindi ko inaasahan nandito sila Rachel, Bea at mga ibang prinsipe.

"Hala bes, ano nangyari?" nag aalala na sabi ni Bea.

"I think I already know what happened." natatawa na sabi ni Blake. Seryoso ang iba niyang kapatid.

"Tell us what happened!" sabi ni Rachel. Tinakpan ko ang mukha ko kasi alam ko namumula ako!

"Si Ace at Kevin may gusto sa akin..." nahihiya na sabi ko. I think it's a good sign naman diba? Ibig sabihin hindi magiging maaga ang kamatayan ko dahil gusto ako ng dalawa?

Gaga ka Kira! Iyon pa rin iniisip mo?

"WHAT?!" Sigaw ni Rachel at Bea. Nagecho pa ang boses nila sa loob ng library.

Narinig kong pumito pa si Blake at Andrew kaya sinamaan ko sila ng tingin. Sa tingin yata nila biro lang ata nangyayari.

"Ang haba naman ng buhok mo." asar pa sa akin ni Dylan kaya binatuhan ko siya ng libro.

Napahilamos ako gamit ng dalawang kamay ko. "Ayoko mag away sila dahil sa akin! Sa daming babae diyan at bampira bakit ako na tao lang?"

"Choosy mo gaga." hinila ni Bea ang buhok kaya napanguso ako. That's not the point! Mag away sila! Nakakasira ako ng relasyon ng magkapatid.

"Naku, Kira humanda ka bawat oras nandiyan sila sa tabi mo!" tumatawa na sabi ni Dylan. Siniko naman siya ni James.

"Ayaw mo yun? Pinag aagawan ka? Minsan lang 'yan Kira sulitin mo na." binato ko siya ng libro sa tabi ko pero agad iyon sinalo ni Blake saka nilagay ulit sa shelf.

"Hindi ko alam ang gagawin ko." sumandal ako sa upuan at pumikit ng mariin.

"Wala tayo magagawa kundi hintayin namin kung sino ang pipiliin mo sa kanila." sabi ni James.

"Bakit kasi ako?" nakanguso na sabi ko. Paano kung wala ako pinili sa kanila? Pwede ba iyon eh parang tinamaan na rin ako doon sa isa?

"Alangan na kami? Kami ba ang pinag aagawan?" sarkastiko na sabi ni Rachel.

"Alam mo Kira dati may gusto rin ako sayo pero tumatagal nahahalataan ko sina Ace at Kevin ay may gusto sayo. Dahil mabait ako, nag paraya ako." nakangiti na sabi ni Dylan kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Mabait ka, matalino, marunong sa gawaing bahay, mahilig sa bata, matulungin ,at hindi maarte yan ang mga hinahanap namin. Inaamin ko naka crush ako sa'yo pero wala ako laban sa dalawang yun." tumatawa na sabi ni Andrew.

"Sana all pinag aagawan." sabay pang sabi ng dalawang babae wala magawa kundi mag salita ng mga walang kwentang bagay.

"Ano ba dapat gawin ko?" paghihingi ko ng tulong. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko! Minsan lang nangyari sa akin uto.

"Pipili ka sa kanila para mapangasawa mo." sabi ni Andrew. Asawa agad? Hindi ba ligaw muna? Advance talaga sila mag isip.

"I think your friend Tyler has crush on Rachel." napaka random kung magsalita si James! "And of course napansin ko rin si Blake nahuhulog na kay Bea." dagdag niya pa.

"What!?" sabay naming sabi nila Rachel at Bea.

"Gago ka! Ang daldal mo! Humanda ka sa akin tangina ka!" galit na sabi ni Blake. Ginamit nila ang speed nila at nag takbuhan sila.

"Oh please let me get out of here." tumayo si Rachel. Sawang sawa na sa kakulitan ng mga pinsan niya.

"Humanda ka wala ka na kawala!" asar sa akin ni Jacob habang nasa bintana. Gago!

~~••~~

Follow me on my social media accounts!Twitter: yeshrheyyFb: Yeshrheyy Tiktok: yeshrheyy__

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Follow me on my social media accounts!
Twitter: yeshrheyy
Fb: Yeshrheyy
Tiktok: yeshrheyy__

Thank you for reading! ❤

The Royal Vampires Academy ✔Where stories live. Discover now