"Diba siya yung pinsan mo?" Bulong sa akin ni Rachel tumango ako. Ang sobra kong mabait na pinsan.

"Oh Rachel Winston nice to see you, naku wag ka diyan mga cheap yan." mataray pang dagdag niya. Kinuyom ko ang palad ko.

"Sumusobra ka na ah?!" umuusok ang ilong ni Bea sa galit at susugod na sana pero napigilan na namin siya ni Tyler.

"Oh ano gagawin mo? Barney?" sabi ni Sarah. Nag sitawanan ang mga alipores niya.

"Excuse me?!" nagigigil na sabi ni Bea.

"Kailangan nito ng leksyon." sabi ni Rachel pipigilan ko sana siya pero huli na. Ang bilis niya.

"You know what? You're the cheap one. And you should check your necklace, mukhang fake gold eh." Pang-aasar niya kay Sarah.

"W-what did you just say? Do you want me to scratch your face, huh?!" Sigaw ni Sarah at tinulak sa balikat si Rachel. Napayuko si Rachel at nag tagis bagang habang pinupunasan ang kaniyang umiporme na hinawakan ni Sarah. Oh shit, this is bad.

"One more touch, filthy human and you'll regret it." Banta na sabi ni Rachel at napanganga ako dahil may pamilyar ako na naalala sa kaniya. Natigilan ako ng naalala ko si Ace, para siyang si Ace magsalita.

"Are you threatening me? Excuse me--" nahinto yung sasabihin ni Sarah ng humakbang patagilid si Rachel at tinignan siya with her usual bitch face.

"What do you think you're doing?" tinaasan siya ng kilay ni Sarah. Gusto ko sana pigilan si Sarah pero pinigilan ako ni Bea at sinabing manood na lang.

"You said excuse me right? So I'm giving you space." mataray na sabi ni Rachel. Napatawa kami tatlo ng mahina at sinamaan kami ng tingin ni Sarah kaya umiwas kami ng tingin at pinipilit na hindi matawa.

Pumadyak na parang bata si Sarah dahil sa inis saka umalis. Tsaka kami nag tawanan. Ngayon lang may gumanon sa kanya.

"Sus, ang hina naman non." pagyayabang ni Rachel habang papunta sa hallway na maraming tao.

"You're so cool back there, Rachel!" Sabi ni Bea at nag-hair flip si Rachel kaya pareho sila natawa habang si Tyler ay nanahimik sa tabi at sumusulyap kay Rachel. Ngumisi na lang ako.

Maya maya pa ay sumalubong sa amin ang napaka-daming tao sa daanan at tila nag-sisiksikan.

"Kyahhhh Winston!!"

"Dylan!! Marry me!"

"Gosh! First time ko silang makita!"

"They are the guys in Forbes Magazine right?"

"Yes Girl! We are so lucky to have them here gosh!"

Nanlaki ang mga mata ko sa naririnig ko. Alam kong ganon rin si Rachel. Nag tinginan kami ni Rachel. I have a bad feeling for this.

Mas lalo dumami ang mga tao kaya napadapa ako pati na rin si Bea at narinig ko ang tawag ni Rachel pero hindi ko siya makita. Hindi makalapit si Tyler kasi may tumutulak sakanya ganon rin si Rachel. Parang kahit anong oras sasabog na siya sa galit.

At bigla may tumapak sa paa ko kaya napasigaw ako sa isip sa sakit.

"Stop!" Sigaw ni Rachel wala parin nakikinig sa kanya hanggang makita nila kami. Pinigilan ng mga security guards ang mga estudyante.

"What's with these humans? Tsk." Ang pamilyar na boses ni Jacob. Nagulat sila na makita kaming dalawa ni Bea sa sahig kaya hindi sila nag-dalawang isip na tulungan kami.

"Are you okay?" nag aalala na sabi ni Kevin. Pilit ko siyang nginitian.

"O-Oo." sabi ko kahit masakit paa ko pero sa tingin ko gagaling rin naman ito ng mabilis.

The Royal Vampires Academy ✔Место, где живут истории. Откройте их для себя