"Ah ano ah" gosh! Wala akong masabi.

"Nahatid ko na si Celestine sa condo mo, is that why you're here?" tanong nya sakin.

Umiling ako.

"Okay" weird nya kong tiningnan. "Whatever brought you here, let's talk about it later, maliligo lang ako" sabi nya at nginitian ako. Bago ako nilagpasan at umakyat na sa taas.

At nung mawala lang sya sa paningin ko, doon lang ako nakahinga ng maluwag.

Kita nyo na? Kita nyo na ang epekto sakin? What else can I say?

Thunder is damn perfect.

Nung matauhan na ko ay naglakad na ko papuntang sala at naupo sa couch.
Actually, aside from pinagpapantasyahan ko sya ay kinakabahan ako. I don't know how he will react kapag brinought up ko na ang topic about sa family nya.

Halos 30 minutes din akong nakatunganga sa flower vase dito sa center table ng marinig ko ang yabag ni Thunder na pababa kaya napatingin ako sa kanya.

Hindi na sya naka topless pero ang gwapo gwapo pa din nya.

Naka white hoodie at tokong shorts sya, nakababa din ang buhok nya hindi katulad ng usual na ayos nito. Ngumiti sya ng makita ako.

"So? What brought my beautiful wife here?" sabi nya at inayos pa ang ilang hibla ng buhok ko at inilagay iyon sa gilid ng tenga ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"So? What brought my beautiful wife here?" sabi nya at inayos pa ang ilang hibla ng buhok ko at inilagay iyon sa gilid ng tenga ko.

At para akong nakuryente ng dumampi pa lang ang kamay nya sa tenga ko. Thunder effect is so dangerous.

"Thunder" tawag ko dito, nginitian nya lamang ako. Huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy. "Alam ko na ang totoo, alam kong kapatid mo si Cloud"

Mabilis na napalis ang ngiti sa labi nya ng marinig ako.

Umupo sya sa couch at pinagsaklop ang mga palad nya. 

Narinig ko ang paghinga nya ng malalim at tumingin sya sakin.

"So you know, tell me, have you met my parents? Malamang oo, matagal na kayong magkakilala ni Cloud" cold na sabi nito.

"Thunder, gusto ka nilang makita at makausap, they missed you and they love you"

"Love me?! If they really love me, they should have come back for me! I waited for fvcking 12 years Akira for them to find me and yet they failed!" galit na sabi ni Thunder.

"I know, alam kong galit ka dahil hindi ka nila binalikan agad pero maniwala ka, hinanap ka nila kaya nga nila nalaman na ikaw si Skyler" sabi ko, hindi ko alam kung pano ko nagagawang sumagot, ngayong alam kong galit na galit sya.

"Skyler" mapait nyang sabi. "That man is long dead, I'm not him! Nabuhay ako ng 22 years ng wala sila, pinabayaan nila ako, and then out of sudden, babalikan nila ako na parang walang nangyari?!"

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now