"Taga-Korea ka ba Miss?" Sabi naman niya.

"Ha? Hindi. Bakit?--- A-aah!" Nabigla ako kasi bigla niyang inilapit ang mukha niya sa may tenga ko.

"Kasi ramdam ko na ikaw ang Seoul-mate ko." Bulong niya.

Mas gusto ko yung pick-up line niya! Mas bago!

"Langya naman tol! Umeeksena ka na naman eh!" Sabi ni Papa 1. Haha! Papa talaga eh.

"Pakialam mo ba? May girlfriend ka na bumabanat ka pa sa ibang babae." Sabi naman ni Papa 2.

"Langya! Kailan pa ako nagkagirlfriend? Wala akong girlfriend oy!" Papa 1

"Diba girlfriend mo yung si Janna?" Papa 2

"Friends lang kami nun! Langya naman tol! Ni di ko pa nga yun sinagot eh!" Papa 1

Bakit langya nang langya itong si Papa 1? Favorite mura niya ba yan?

"Mga pre, tumigil na nga kayo! Nagbabangayan na naman kayo diyan eh!" Sabi sa kanila ng isang pang lalaki na super gwapo! I'm so lucky today! Napapalibutan ako ng mga naggagwapuhang lalaki!

Binalingan naman ako ni Mandy. "Naku BF, pagpasensyahan mo na yang dalawang yan. Ganun lang talaga sil--"

"Teka BF! Kilala mo sila? Bakit di mo sinabi sa akin na may mga gwapo ka palang friends? Andaya-daya mo!"

"H-hindi! Ngayon ko lang yan sila nakilala. Ay teka, ipapakilala na nga lang kita sa kanila." Lumapit naman kami sa kinaroroonan ng mga papables. Anlade.

"Eto nga pala ang bestfriend ko na si Trina. Trina, this is Calvin.." Turo niya dun kay Papa 1 / "Langya" boy.

Hinawakan naman bigla ni Calvin ang kamay ko. "Ikinagagalak kong makilala ka napakagandang binibini." Hinalikan niya ang kamay ko.

"Napakabolero mo naman Calvin.." Sabi ko sa kanya.

"Hindi ako mahilig mambola Trina.. sadyang nagsasabi lang ako ng toto--" Calvin

"Tol, tama na yan! Hi Trina, I'm Klein. Alam mo, bagay sa'yo ang damit mo ngayon." Sabi ni Papa 2 sa akin. So Klein pala ang pangalan niya.

"Talaga? Thank yo---" Ako

"Pero..." Klein

"Huh?"

"Pero...... mas bagay tayo." Klein

Weeee! I'm lovin' these boys! Ang dami nilang banat! I'm so lucky today!

"Aah BF, so siya nga si Klein. Tapos eto naman si kuya Charles. Yung boyfriend ni ate." Tinuro ni BF yung si Papa na super gwapo. So siya pala si Charles. Ang swerte ng ate ni Mandy! Ang gwapo ng boyfriend! At ang super swerte ni Mandy dahil magkasama sila sa iisang bahay! Gusto ko tuloy lumipat dun sa bahay nila!

"Hi! So ikaw pala si Charles! Palagi kang kinukwento sa akin ni Mandy. Di ka naman mukhang mayaba--- aray!" Bigla akong kinurot ni BF sa tagiliran! Ansakit nun ah!

"Mag-ingat ka sa mga pinagsasabi mo. Nadudulas ka eh. -___-" Bulong ni BF sa akin.

Hinarap ko naman ulit si Charles. "Nga pala, pwede ba kitang tawaging Prince Charles? Sa kagwapuhan mo naman kasi, ka-level mo na ang isang prince eh!" Nagshakehands kami. "Ang lambot ng kamay mo! Sana ganito tayo lagi!"

"Huy! Ano bang mga pinagsasabi mo diyan? Sinasaniban ka na naman ng kalandian eh." Saway ni Mandy sa akin.

Tumawa lang si Prince Charles. Bakit ganun? Sobrang gwapo niya! *o*

"Pagpasensyahan mo yang si Trina Kuya Charles. Ganyan lang talaga yan." Sabi niya kay Prince Charles. "Huy! Bitiwan mo na yang kamay niya! Nakakahiya ka!" Pinaghiwalay niya ang mga kamay namin ni Prince Charles! Aish! Ang KJ KJ talaga kahit kailan!

"Selos ka naman." Sabi ni Prince Charles kay Mandy

"A-ano? B-bakit naman ako m-magseselos? Kapal nito!" Mandy

Eh bakit siya nagsta-stutter? Hmmm... I smell something..... fishy...... *singhot singhot* Fish nga yung naamoy ko!

"BF, nagugutom na ako. May naamoy akong grilled fish!"

"Tara, samahan na kitang mag-order--"

"Huwag na Mandy! Ako na lang ang sasama sa kanya mag-order--" Klein

"Langya pre! Ako na sasama sa kanya!" Calvin

Ayyy!? Pinag-aagawan ako!

"O sige kayo na lang dalawa! Basta ililibre niyo ako ah!" Sabi ko.

"Sure!" Sabay nilang sabi.

"Tara na!" Nagpunta na kami sa mga stalls para umorder ng pagkain.

Mandy's POV

Umalis na sila Trina at ang CK brothers para umorder ng pagkain. Naiwan kami ni Yabang dito sa table.

A W K W A R D~

Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagkain. Bakit ganun? Nako-conscious ako! Feeling ko may tumititig sa akin. T___T

Tumingin ako kay Yabang.

Nakatingin nga siya sa'kin!

Tss. Makakain na nga lang. -__-

"Mandy." Biglang sabi niya.

"O--" o__O

Imbes na sagutin ako, kumuha siya ng tissue at pinunasan niya bigla ang bibig ko.

"Para kang bata kumain." Natawang saad niya. 

Hindi pa siya nakontento, inayos-ayos niya pa ang buhok ko. Medyo nagulo kasi.

Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. Hindi ako makagalaw. Lumakas din ang pintig ng puso ko. Waaaah! Hindi hindi hindi!

"A-ah.." Iniwas ko ang mukha ko sa kanya.

"Ang sweet naman nila..."

"Ang gwapo nung guy! Ang sarap landiin!"

"Hindi naman kagandahan si girl. Hindi sila bagay. Mas bagay kami!"

"Oo nga! Hahahaha!"

O____o

Napatingin ako dun sa isang grupo ng kababaihan. Tss. Ang lalandi. At anong sabi nila? Hindi ako maganda? Eh mas lamang naman ako ng isang libong paligo sa kanila no! Ang kakapal ng mukha. Maharot, malandi, hoping! Eh mas bagay naman kami ni Yab--- I mean, mas bagay sila ng ate ko!

Naramdaman ko na lang na biglang kinurot ni Yabang ang pisngi ko. "Hayaan mo na sila LOVES."

O_____o A-ano daw? L-LOVES?

"Pinaparinggan ko lang yung mga babaeng nang-aaway sayo." bulong ni Yabang sa akin.

A-ah.. o-okay.. aayy? Bakit nadisappoint yata ako? Hindi hindi..

Pinat niya ang ulo ko. Tssss.

"WHATISTHEMEANINGOFTHIZZZZ?"

O_______O

x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x

 Mukhang magkakalovelife na si Trina ah! 

Vote and react na! Follow me also!

Slowding ♥

I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon