"I missed you more papa! You didn't face time me that you'll be coming home today, late na tuloy ako naayusan ni mommy" sabi ng anak ko sabay pout.

Ginulo ni Cloud ang buhok ni Celestine.

"Sorry na princess, papa is just busy. Hindi na mauulit. Hindi mo naman siguro ipagpapalit si papa no?" sabi ni Cloud pero nakatingin sya sakin ng diretso. There is coldness in his stares and it's fcking making me uncomfortable.

Anong ibig nyang sabihin?
Ano ka ba Akira? Baka paranoid ka lang. Masyado ka lang stress dahil sa Thunder na yun.

"Of course not, your my only papa" sabi ni Celestine. Nginitian naman sya ni Cloud.

"Ate, Kuya. Kain na ho tayo" sabi ni Wendy kaya nabaling ang atensyon namin sa kanya.

Umupo na kami sa dining table.
Pakiramdam ko ay nakatitig samin si Cloud habang kumakain ako kaya nag angat ako ng ulo at tama nga ako.

"Why?" I asked him.

"What did you do while I was gone?" tanong nya.

Kumabog ang dibdib ko, I don't like where this is going. Tiningnan ko si Wendy na kasalukuyang pinapakain si Celestine. Buti na lang wala samin ang atensyon nila dahil kung hindi ay mararamdaman din nila ang tensyon sa pagitan namin ni Cloud.

Uminom ako ng tubig dahil pakiramdam ko ay natuyuan ako ng lalamunan.

"Work. I worked" simpleng sagot ko.

"Okay" bored nyang sagot.

Natapos ang pagkain namin na hindi na kami nag uusap ni Cloud pero alam kong may dapat kaming pag usapan.

"Wendy, ikaw na ang bahala kay Celestine" sabi ko.

"Goodnight baby, sweet dreams" sabi ko sa anak ko bago sya hinalikan sa pisngi.

Nag yawn sya.

"Goodnight mommy, I love you. Goodnight papa, I love you" sabi nya kay Cloud.

"We love you too princess" sabi ni Cloud bago hinalikan sa ulo ang anak ko.

Antok na antok na sya dahil naglakad na agad sya papasok sa kwarto nya, sinundan naman sya ni Wendy to tuck her in.

"Let's talk" seryosong sabi ni Cloud.
Pumasok sya sa kwarto ko at nag diretso sa balcony doon.

Kinakabahan man ay nakasunod pa din ako.

"Ano bang problema Cloud?" I asked him.

Hindi sya sumagot, sa halip ay may nilapag syang mga litrato sa mini table ko.

At halos manlaki ang mata ko dahil ito yung mga picture namin ni Thunder nung nag company outing, may picture din na naghahalikan kami. Fvck! Where did he get this?

"Pinapasundan mo ba ko Cloud?" pinipilit kong kumalma dahil ayokong magsalubong ang galit naming dalawa.

"The fvck Akira! I am busy handling our business in the US and here you are flirting with that ex husband of yours!" galit na galit nyang sabi.

First time nya kong sigawan, first time syang magalit ng ganito sakin. Naiiyak ako. Natatakot din ako sa itsura nya. My body is literally shaking.

"Cloud, sorry" I can't defend myself dahil tama sya at may pruweba sya.

"Sorry?! Bakit hindi mo na lang ako hiniwalayan?! Bakit ginagamit mo pa din ako!"

Hindi ko napigilan at nasampal ko sya. Umiiyak na ko.

"Hindi ginamit! I am doing my best to avoid Thunder, alam mo yan! Iniisip kita sa bawat desisyon ko dahil ayokong masaktan ka!"

"Nasasaktan na ko Akira, I never knew you can be like this!" sabi nya at nag walk out.

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now