Nag smirk sya.

"Bakit bawal ba? Isa pa. I am a co owner so pwede akong sumama sa outing na to"

Nag roll eyes na lang ako. Ito na naman sya using his position.

"Ma'am Akira, bagay talaga kayo ni Sir Thunder" mapanuksong sabi ni Danna.

Hindi kasi nila alam na itong sinasabi nilang bagay sakin e asawa ko talaga. Nakita kong ngumisi si Thunder. Aso ba to?

"Sayang nga lang at may boyfriend na tong si Ma'am Akira" sabi ni Ken

"Oo. Si Sir Cloud" sagot naman ni Danna.

"Di bale ma'am, pag ayaw nyo na kay Sir Cloud akin na lang sya" makulit na sabi ni Cynthia.

Nagtawanan naman kami dahil sa pagbibiro nya.

"Sige na. Sakay na sa bus para maaga tayong makarating sa pupuntahan" sabi ko.

Nagsisakayan naman sila. Nakita ko namang kulang na sa upuan sa loob dahil may dalawa na lang na nakisiksik at halos kumandong na.

I sighed. No choice. Pinaglalaruan talaga ako ng tadhana.

Hinarap ko si Thunder.

"Sasabay ako sayo" sabi ko sa kanya habang nakasimangot.

"Did I agree on that?" sabi nya kaya tumaas ang kilay ko.

"Ayaw mo?" tanong ko.

Tumawa sya.

"I'm just kidding. Hop in Mrs. Montenegro"

Pinanlakihan ko sya ng mata. Nilingon ko yung mga empleyado ko at buti na lang ay nagkukulitan sila dahil kung hindi ay narinig nila tong hinayupak na to.

I signalled the bus driver na umandar na at sinunod naman nya yun.

Sumakay na ko sa loob ng sasakyan ni Thunder at ganun din sya. Nag start na syang mag drive. Naka sunod lang kami sa bus.

Tahimik lang kaming dalawa. Nakakapagtaka dahil hindi nya ko dinadaldal marahil alam nyang asar pa din ako sa kanya.

Idagdag mo pa yung huling pagkikita namin ay kasama nya ang impaktang Ella.

"Why so quiet Akira? It's not like you" sa wakas binasag nya din ang katahimikan. Why so quiet pala ha?

"It's not like me talaga. Naiinis ako sayo kaya tumahimik ka na dyan. Bakit ba kasi nandito ka ha?! Dun ka dapat kay Ella!" sabi ko sabay humalukipkip.

I heard him chuckle kaya tiningnan ko sya ng masama.

"Stop that, nagmumukha kang nagseselos" sabi nya.

"Aba ang kapal naman ng mukha mo! Ako? Magseselos? In your dreams"

Mukha ba kong defensive masyado dahil tinawanan nya lang ako.

"As I said before, purely business meeting lang iyon. Daniella and I are just friends"

"Siguro ikaw friends ang tingin mo sa kanya pero sya hindi ganun"

"But she is to me. No need to be jealous. Ikaw lang ang mahal ko"

He said. Pakiramdam ko ay nag akyatan lahat ng dugo ko sa mukha dahil sa sinabi nya.

"Stop kidding Thunder" sabi ko.

Binuksan ko na lang ang radyo nitong sasakyan.

At sa kamalas malasan ang tugtog e yung lagi kong kinakanta sa kanya noong panahong patay na patay

Ililipat ko na sana kaso tinapik ni Thunder ang kamay ko. Tiningnan ko sya ng masama pero nginitian nya lang ako. Bwisit! Dapat pala nakisiksik na lang ako sa bus.

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now