Sinilip ko naman si Cloud na karga si Celestine, kamukha daw?

"Gwapo ko no?" mapang asar na sabi sakin ni Cloud.

"Asa!" sabi ko. Naglakad na kami papunta dun sa bilihan ng ticket.

Tuwang tuwa si Celestine ng makita nya na ang iba't ibang rides.
Medyo nalulungkot lang sya dahil may mga rides na hindi sya pwede dahil sa edad at height nya.

Hanggang magdilim ay sakay lang kami ng sakay ng rides. Hindi naman ako bininitawan ni Cloud na animo'y bata rin akong mawawala.

"Hindi kaya ako bata" sabi ko kay Cloud.

"Baka kasi mawala ka, ayokong may makakaagaw sayo sakin" sabi nya at tinitigan ako sa mata.

Nakasakay kasi si Celestine ngayon sa kiddie train kaya kaming dalawa lang ang magkasama ngayon ni Cloud habang nakatingin sa anak kong enjoy na enjoy.

"Malaki na ko, di na ko mawawala" sabi ko. I tried to laugh para mawala ang pagka seryoso nya.

"You know what I mean Akira, I won't easily give you up to Thunder, unless ikaw mismo ang magsabi saking sumuko na" nabakas ko ang lungkot sa boses nya.

How can I hurt this man?

"A-ano ka ba Cloud? Hindi mangyayari yun. Tapos na kami ni Thunder, boyfriend na kita diba?" I said.

"Then, kaya mo bang pilitin si Thunder na ipa annul na ng tuluyan ang kasal nyo at pakasalan mo ko?"

Parang na estatwa ako sa sinabi nya. Ano? Mapipilit ko ba si Thunder?
Pero hindi yun ang tanong talaga dito. Ang tanong is
Gusto ko pa rin ba talagang ma annul kay Thunder?

Fvck! What am I saying. Dapat lang na ma annul na kami dahil nandito na si Cloud sa buhay ko.

Hindi agad ako nakasagot.

"No need to answer now, think about it. Hinintay nga kita ng 5 taon e. Basta anytime na um-oo ka. Ready na ko mag propose" sabi nya.

Niyakap ko si Cloud.
Hinalikan nya naman ang ulo ko.

"Thank you for always understanding me Cloud" sabi ko.

"Ikaw pa ba? You know I love you" sabi nya.

Natigilan ako ng ilang segundo. Dati naman, nasasabi ko agad ang I love you too pero parang ngayon naipit ang dila ko.

"I-I love you too" I finally said.
But when I said that a picture of Thunder flashed into my mind.

Sigurado ka bang yang I love you na yan ay para kay Cloud o dun sa isa.

Yan lang naman ang sinisigaw ng taksil kong puso.

Maya maya lang ay natapos na ang ride ni Celestine at lumapit sya samin.

"Mommy I'm so tired. I want to eat" sabi nya kaya kinarga na agad sya ni Cloud.

"Okay, daan na lang tayo sa restaurant tas take out na lang then uwi na. Pagod na ang princess natin e" sabi ni Cloud.

Hinalikan naman sya sa pisngi ni Celestine.

"Thank you papa" sabi ng anak ko bago humilig sa balikat ni Cloud. Pagod na nga ito.

Nung nasa sasakyan na kami ay nagsabi si Celestine na ang gusto nyang dinner is yung chicken and spaghetti sa favorite nyang italian restaurant.

Papunta doon ay nanonood lang si Celestine ng offline videos nya sa youtube na cartoons habang naka headset.

Bumaba ako ng sasakyan pagkarating namin sa tapat ng restaurant. Nagulat ako ng bumaba din si Cloud. Ako na kasi ang dapat oorder.

"Ako na lang ang bibili, ikaw na lang ang maghintay dito kasama si Celestine" nakangiti nyang sabi.

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now