"Mukhang gusto nilang magsimula na ang digmaan dahil kailangan na nila ang kapangyarihan ng aking pamangkin na si Aubrey. Kinidnap nila ang aking anak upang kapalit sa buhay ng anak ng aking kapatid.", sagot ng Hari. "Hindi ko hahayaang masaktan ang dalawa."


"Mahal na Hari, ano po ang kailangan naming gawin upang maging ligtas ang prinsipe at si Aubrey?", nabigla na lang ako nung nagsalita si Bryl. Seryoso ang kanyang mukha habang nakatitig sa mukha ng Hari.


"I need you, Class E to go to Kuro Tribe and retrieve the forbidden books written by Lady Clara. And for the teachers, Mister Roi, Mister Arman and Miss Michi, I need you to facilitate the students during the war.", seryosong pagsasalita ng Hari. Muli siyang tumingin sa amin. "Kailangan niyong kunin ang mga librong iyun, andun lang ang kasagutan ng mga tanong kung paano natin maibubura ang Dungeon of Doom. If you want to save the world, you have to do it. I'm counting on you, people".


Napatiim bagang ako dahil sa kaba. Bago pa ako nakabalik sa aking tahanan ay aalis nanaman ako at sasali sa mga mapanganib na mission.


"Your Highness", biglang singit ni Bryl. "Pwede po bang hindi nalang sasama si Aubrey? Masyadong mapanganib ang pupuntahan namin at siya ang target ng ating mga kalaban"


Natigilan ako sa sinabi ni Bryl, napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Sumulyap muna ako sa kanya bago tumingin sa mahal na Hari. "Sasama po ako! Hindi pwedeng hindi ako sasama.", giit ko at sinamaan ako ng tingin ng lalake. Umiling ako sa kanya ngunit tumayo siya sa kanyang kinaluluhudan.


"Can't you understand the situation, Aubrey? Mapapahamak ka kung sasama ka sa amin.", malaawtoridad niyang pananalita sa akin habang seryoso pa rin ang kanyang mukha. Bahagya akong napalunok sa kanyang sinabi.


Alam kong mapapahamak ako ngunit hindi ko hahayaan ang sarili ko na walang ginagawa!


"Pero Bryl, kailangan kong sumama sa inyo--"


"No--"


"Pero--"


"Silence!", biglang sigaw ng Hari at natigilan kami. Napayuko ako sa kahihiyan at napaiwas ng tingin. "Mister Fernandez, I know you care for my niece yet we need her for this mission", mahinahong pagsasalita ni King Solomon.


Nanlaki ang mga mata. Kailangan nila ako?


Bahagyang umiwas ng tingin si Bryl at napabugtong hininga. Nakatitig naman ako sa Hari dahil naguguluhan pa rin ang sa sinasabi niya.


"Aubrey is the chosen mage in the prophecy of Amah Lalica. She is the first half-blooded Mage and Witch in history so it's not really surprising. I know all of you already know about this, except for you my niece.", sabi ng Hari.


Napakunot muli ang noo ko at napatingin sa aking mga kaklase at guro. Nakatingin sila sa akin at bigla silang umiwas ng tingin. Alam nila? Kilala nila ako? Paano?

Leam University : School for Mages | REVISINGWhere stories live. Discover now