Pumikit si Bryl at ngumiti. "Ask Aubrey."


Sabog. Sabog na sabog.


Ayoko naaaaaa!


HUHUHUHU


Tumingin silang lahat sa akin at napalunok na lamang ako sa kaba. Sheyte ka Bryl!


"Mamaya na yang kwentuhan ninyo. Nandito na tayo.", sabi ni Ma'am Michi nang tumigil na ang carriage. Napahinga naman ako ng maluwag dun. Salamat po Ma'am!


Hindi na ako nagsalita at una-una akong bumaba sa carriage. Ayokong sabihin sa kanila yun! Nakakahiya kaya! Waaaah.


"Students and teachers of Leam University. I am Ella and I will be guiding you to the palace.", nabigla na lamang kami nung biglang may sumulpot na isang morenang babae sa aming harapan. Napatingin ako sa mukha niya. Ang ganda niya!


"Hey there Ella, long time no see. Please lead the way.", sabi naman ni Ma'am Michi habang nakangiti. Yumuko bahagya si Ella at nakita kong tumingin siya sa akin. Ningitian ko naman siya at umiwas siya ng tingin. Nabigla ako dun.


Ayaw niya ba sa akin?


Napatingin na lamang ako sa gate na nasa harapan ko at napabugtong hininga. Ang laki nito. Napakalaki. Kinakabahan ako na ewan. This will be my first time here in Leam Empire.


Dito... Dito lumaki ang aking ina.


Namangha akong napatingin sa kabubuohan ng gate. Ang laki talaga nito. Basta. Yung feeling na parang may spark kang mafefeel. Parang ang magical na ewan? Oo nga, parang ganun.


Sumunod kami sa babaeng nakaroyal red cloak na pinangalang Ella. Ipinikit ni Ella yung mga mata niya habang initaas niya yung dalawa niyang kamay sa kiliran. May sinabi siya pero hindi yun gaano narinig at biglang bumukas yung malaking gate. Tumingin siya sa amin at sinenyasan na pumasok na.


"Tara na.", ani niya.


H-How did she do that?


"As expected from a Royal Servant.", bulong ni Dranreb nung naglakad na kami patungo sa gate. Napatingin ako sa kanya.


"Royal Servant?", tanong ko sa kanya at napatingin siya sa akin.


"Oo, royal servant. Madame Ella is a royal servant. Siya yung right hand ni Haring Solomon. Malakas siya. She is as powerful as Sir Roi or Ma'am Michi.", explain ni Dranreb.


"Nga pala, Ma'am Michi? Asan po sina Camille at yung mga kasamahan niya?", bigla namang singit ni Mairym. 


Speaking of Camille, asan nga siya?


Leam University : School for Mages | REVISINGUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum