Chapter 25: Empty Room

Beginne am Anfang
                                    

He was pertaining to Thunder.

Tumango ako at ngumiti.

"I don't know, pero sobrang naging maalaga sakin ni Thunder" sabi ko.

His face turned serious.

"That's good then" sabi ni Cloud.

"Sorry Cloud"

Nawala sa isip ko ang naging sagot ko.

"No, okay lang. He's still your husband, so wala naman akong magagawa if kayo talaga ang magkakatuluyan"

"Cloud"

"And I am just thankful you let me love you, I am more than happy pero hindi pa rin magbabago ang isip ko sa sinabi ko. Once na saktan ka ulit ni Thunder at yang si baby. I am more than glad to catch you. I can be a better father than him, that is one thing I can assure you aside from I can love you better, unfortunately you love him" sabi nya. I can sense sadness in his voice.

At nalungkot ako sa katotohanang masasaktan ko na naman sya.

"If I could just take all the pain" I said to him.

"Then you are also taking away my happiness. I know from the start na masasaktan lang ako sayo pero I wanted to risk it because you're worth it. When you said na tatanggaling mo ang sakit, it means I should forget you and why would I do that  to someone I really love?"

"Thank you Cloud"

I smiled at him. I am lucky to have a guy who loves me so much. If I could just return the love he is giving me, why wouldn't I do that.

Tumambay muna kami ni Cloud hanggang sa nagbell na hudyat na magsisimula na ang klase.

Dumaan ang mga subject na parang hangin lang sakin dahil hindi naman ako nakikinig at naka headset lang ako buong umaga.

At last! Lunch break na, nagugutom na din ako dahil dalawa kaya kaming kumakain.

Baby, anong gusto mong kainin today? Sana may dalang Mac N Cheese si Cloud.

Grabe ang cravings ko.

Lalapit na sana ako kay Sanya ng may lumapit saking classmate ko.

"Akira, pinapatawag ka pala ni Sir Thunder" lumapit sakin si Gail. "Sabay yata kayong maglalunch" sabi nito sakin na nakapagpagulat sakin.

Niyayaya ako ni Thunder kumain ng lunch?Is this for real? Pero bakit kay Gail nya pa sinabi? Baka anong isipin nito at mabuko kami!

"Ow! Baka pag uusapan na namin yung mga gagawin ko since 1 week akong absent, salamat Gail" nagdahilan na lang ako para hindi na mag isip pa tong si Gail. Nag smirk lang sya sakin at naglakad palayo.

Lumapit sakin si Sanya.

"Anong sinabi sayo ng maldita? Inaway ka ba?" tanong nito sakin.

"Hindi naman. Hindi muna ako sasabay sa inyo ngayong lunch Sanya, pupuntahan ko kasi si Thunder sa office. Sorry, pasabi na lang."

"Okay lang"

"Alis na ko, alam mo namang bugnutin yung lalaking yun" sabi ko. Tumawa lang sya bago naunang lumabas. Dumaan ako ng locker ko at nilagay doon yung gamit ko.

Akala siguro ng mga nakakakita sakin ay baliw ako. Dahil ngiting-ngiti ako ngayon. Bakit ba? Masaya ako! Niyaya lang naman ako ng pogi kong asawang mag lunch.

Baby, mukhang matutuwa ka sa kakainin mo ngayon dahil family date natin to. Let's eat well anak!

Inayos ko muna ang sarili ko ng makarating ako sa pintuan ng opisina ni Thunder at dali dali kong binuksan ang pinto nito since alam ko namang nandyan sya, waiting for me.

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt