Chapter 21: Coffee and Garlic

Magsimula sa umpisa
                                    

Kailangan kong umuwi.
Gusto kong makausap si Thunder.
Kailangan namin mag-usap.

"Aki, dito ka muna? Baka mapano ka pa" nag-aalalang sagot sakin ni Cloud.

"Pero okay na ko, promise! Gusto ko ng umuwi dahil mas makakapagpahinga ako sa bahay" sabi ko.

Cloud looked at me with so much hesitation and then he sighed.

"Okay sige. Ipagpapaalam ka muna namin sa doktor ha?" sabi ni Cloud.

Kaya ngumiti na ko. Hindi nya talaga ako kayang tiisin, nabaling ang tingin ko sa bestfriend ko na parang niluluto ako ng buhay.

"Hay naku! Pag ikaw napano Akira, jusko! Saan ba gawa ang ulo mo at napakatigas? Hampas ko na lang kaya sa pader ng mamamatay ka na?" sabi sakin ni Sanya na mukhang konsimidong konsimido.

Nag puppy eyes na lang ako sa kanya pero nag roll eyes lang ito sakin.

Luckily pinayagan naman ako ng doktor kaya later that night ay umuwi na ko. Si Cloud na ang naghatid sakin sa bahay.

Bumaba na ko ng sasakyan nya at humarap sa kanya, nasa driver's seat ito, hindi ko na sya pinababa dahil nakakapaglakad naman ako.

"Bye Cloud! Thank you!" sabi ko habang nagwi wave.

Binigyan nya lang ako ng ngiti.

"Basta pag may problema or you're feeling unwell just call me, kahit anong oras pupuntahan kita" sabi nito.

"Yep master, ingat ka po" sagot ko.

Tumango sya kaya sinarado ko na ang pinto ng sasakyan at pinaandar nya na ito. Pumasok na ko ng mawala na sa paningin ko ang sinasakyan nya.

Mukhang wala pa si Thunder dahil wala pa kasi ang sasakyan nya.

Tsk. Mag se 7pm na pero wala pa din, uwi ba ng matinong asawa yan?

Pumasok ako sa loob.

"Akira! Hala bat umuwi ka agad hija?! Ang sabi sakin ni Thunder ay nasa ospital ka, nagpahanda na nga ng mga damit nya at damit mo dahil alam ko mananatili kayo ng ilang araw doon" bungad sakin ni Yaya Minda.

Napatigil ako dahil sa sinabi nya, so may balak naman pala syang bumalik? Anong cause ng delay?

"Ayoko doon yaya, alam mo namang hindi ako fan ng ospital kahit favorite ako ng accidents, at mas makakapagpahinga ako dito"

"Pero okay ka na ba talaga anak?" worried nyang tanong.

"Yes yaya, ayos na po ako, pahanda na lang po ng hapunan dahil nagugutom na po kasi ako" sabi ko.

"Ay sya sige, ikaw ay maghintay na lang sa kwarto mo o dito sa sala" sabi nito sakin at umalis na.

I love her so much, she is like a mom to me.

Naupo na lang ako sa sala at nanood ng TV.

Pinapanood ko si Chowder. Tuwang tuwa ako sa cartoons na to dahil favorite ko yun ng biglang makaramdam ako ng hilo dahil sa kakaibang amoy.

Tumayo ako at sinundan ang masangsang na amoy na yun and it routed me to the kitchen.

"Yaya, ano po ba yang niluluto nyo? Ang baho naman po, nakakasuka" sabi ko habang tinatakpan ang ilong ko.

"Aki, naggigisa pa lang ako ng bawang" sagot nito kaya lumapit ako sa niluluto nya at nanlaki ang mata ko ng makitang bawang nga ito.

"Yaya bawang yan? Ang baho naman!Nakakahilo yung amoy" sabi ko dahil pakiramdam ko ay masusuka na talaga ako pero wala akong maisuka dahil hindi pa ko kumakain. "Ayoko ng magluluto na may bawang yaya, please?" sabi ko.

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon