Chapter 19: Rain and Headlights

Start from the beginning
                                    

"Ako? Ano bang ginawa ko sa inyo?"

"Yeah you are, bakit ka sumakay sa kotse ni Cloud! Ang landi mo para akitin yung Campus Crush dito! Layuan mo si Cloud!" angil sakin ni Gail.

"Ang dudumi ng isip nyo, magkaibigan lang kami ni Cloud"

"Talaga lang huh? Mukhang hindi yun ang nakikita namin. Malandi ka! Lahat ng lalaki gusto mo sayo!" sigaw ni Venus sakin.

Lahat? Isa lang naman ang gusto ko. Yun pang taong ayaw na ayaw sakin.

"Kung ayaw nyo maniwala, wala na kong pake" sabi ko at papasok na sana ako ng idikit ako sa pader ni Athena.

"Tandaan mo to, isa pa Akira at malilintikan ka na samin" sabi nya.

"Hoy! Anong ginagawa nyo kay Akira!" binitawan naman ako ni Athena ng marinig nya ang sumisigaw na papalapit.

Thank goodness! Sanya is here.

Nag alisan ang mean girls at pumasok na sa classroom.

"Tsk! Okay ka lang ba? Dapat pinagsasampal mo yung mga yun para natauhan" sabi nito na galit.

"I'm not like you, ayokong nakikipag away" saad ko dito.

"Yeah right! Masyado kang mabait, tara na nga" sabi nito.

Pagpasok namin ay ang sama ng tingin sakin ng mean girls pero sinamaan din sila ng tingin ni Sanya.

"Hoy kayong tatlo, tandaan nyo to ha? Isa pang makita kong binubully nyo si Akira, kayo ang makakatikim sakin. Baka hindi nyo kilala yang binabangga nyo?" sabi ni Sanya bago umupo. Natahimik naman yung tatlo.

Umupo na din ako.

Sino nga bang binabangga nila? Ako lang naman ang asawa ni Thunder na may ari ng eskwelahan na to na pwede silang patalsikin pero imposible dahil wala ngang pake yun sakin.

Naisip ko na naman yung nangyari kagabi. Ayokong makita si Thunder ngayon. Mag i skip na lang sana ako ng class pero baka kuwestiyunin ako ni Sanya kaya wag na nga lang.

Titiisin ko na lang kesa saluhin ko lahat ng tanong ni Sanya.

Nakaka tatlong subjects na kami pero ako? Ito nakatingin lang sa labas at wala ng pake.

"Good afternoon class"

Mabilis na tumibok ang puso ko. Narinig ko pa lang ang boses nya ganyan na ang epekto sakin.

Klase na pala ni Thunder.

Tiningnan ko sya, mukhang okay na din naman sya kaya umiwas na ko ng tingin.

Nagsimula na ang klase, nag attendance muna sya at kasalukuyang nagtututuro na. Kunyaring nakikinig na lang ako para hindi nya ko masigawan.

Buti na lang ng matapos ang discussion ah umupo na sya at may pinakopya na lang samin sa board.

Lahat kami napahinto dahil may kumakatok.

"Come in" sabi ni Thunder.

Ang lalim ng boses nya.

Kaya bumukas na ang pinto at pumasok doon si Ella na nakangiti. May hawak syang starbucks coffeee. Inikot nya ang paningin nya at nagtama ang paningin namin kaya ngumiti sya at nag wave pa sakin.

I smiled at her. Alam nya bang bawal mag visit ng student like me kahit na teacher pa sya dahil magbi-beastmode si Thunder?

I felt uneasiness in me. Ano tong nararamdaman ko?

Bakit pakiramdam ko ay hindi para sakin ang pagbisita nya?

"Hi Thunder!" bati ni Ella sa asawa ko.

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now