Chapter 13: Holding Hands

Start from the beginning
                                    

Triny kong pumikit, triny kong umidlip pero no work dahil after 10 minutes ay dumilat na ko, I can't sleep! I am so excited!

"Hindi ako inaantok" sabi ko kay Thunder.

"Hmm fine" maikling nyang sagot.

"Thunder?" tawag ko sa kanya.

"What?" nilingon nya ko ulit.

"Can we, can we?" hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil baka magalit sya.

"Can we what?" lumingon sya sakin at maya-mayang binabalik sa daan ang tingin.

"Uhm, I am just thinking if you know, if we can we hold hands?" whoo! Buti nasabi ko din. Grabe kanina ko pa talaga gusto yung ilabas.

Hinihintay kong sumagot sya pero wala. Hala! Baka nagalit na sya sakin.

"Joke lang, wag ka ng magalit, napanood ko lang kasi sa isang kdrama na ganoon" yun na lang sabi ko.

Patay ako, nasira ko na ang mood. Grabe ka naman kasi Akira! Masyado mong pinapahalata kung gano ka kapatay na patay sa kanya.

I sighed at tumingin na lamang ako sa labas.

Magbibilang na lang ako ng color red na sasakyan.

Pero halos mapatalon ako sa upuan ng hinila ni Thunder ang kamay ko and held it.

He is driving using his left hand at hawak naman ng kanang kamay nya ang kamay ko.

Hindi pa masyadong nagsisink in sakin pero totoo ba to? Magkaholding hands kami? Hawak nya ang kamay ko habang nagmamaneho sya? Totoo lahat ito diba?

"Don't say anything or I'll let go of it" sabi ni Thunder kaya sinign ko pang sini zipper ko ang bibig ko.

Okay lang kahit habang buhay na kong hindi magsalita kung habang buhay naman syang nandyan para hawakan ang kamay ko.

Yung puso ko parang sasabog kahit sa simpleng holding hands lang namin. I feel so electrified. Does he feel it too? Ramdam nya kayang kinikilig ako?

Damn! Sana nag holding hands kami ng tanghaling tapat at sa Edsa kami nagdaaan para traffic, para matagal nyang hawak ang kamay ko diba?

Pakiramdam ko mawawasak na ata ang bibig ko kakangiti.

Makalipas ang isang oras ay nagpark na kami malapit sa airlines at ayun na nga binitawan na ni Thunder ang pagkakaholding hands namin pero binuhat nya pa din naman ang mga gamit ko kaya ayos lang.

May sumalubong saming lalaki, inabot ni Thunder ang susi ng sasakyan. He will take home the car for him.

Papasok pa lang kami sa entrance ay halos mabalian ng leeg ang mga babaeng nadadaanan namin kakatingin kay Thunder.

Humanap nga kayo ng sarili nyong asawa!

Minsan di rin okay na may sobrang gwapong asawa, baka mapaaway ka.

Hindi ko namalayan ang oras kaya tuwang-tuwa ako ng makasakay na kami sa eroplano.

Naayos na ni Thunder ang gamit namin at nakaupo na kami ngayon.

Hindi ko napigilang humikab, jusko ngayon pa ko inantok. Ano ba naman yan!Nakakantok kasi yung paligid at hindi nga ako nakatulog kaya ganito ang ending.

Napahikab na naman ako, kaya naisipan ko ng pumikit para matulog. Sumandal na ko sa bintana dahil pumayag si Thunder na ako ang umupo dito.

Kaso bigla naman akong nauntog ng magsimulang umandar na ang eroplano. Napahawak ako sa noo ko, kamalasan naman talaga.

Nagulat ako ng hawakan ni Thunder ang ulo ko at ihilig iyon sa balikat nya.

"I told you, dapat kasi natulog ka kanina" sabi nya.

"Thun--"

"Sshhh sleep" sabi nya at naramdaman kong hinawakan nya ang mga kamay ko.

I fell asleep while our hands are clasped together.

If this is a dream, papatayin ko kung sino man ang gigising sakin.

I don't understand why Thunder is doing this but I don't care. It makes my heart flutter.

Sana talaga maging maganda ang bakasyon naming ito.

-------
To be continued.

Pinagbigyan ko lang kayo haha bukas pa dapat talaga ako mag a update.

Thank you talaga sa mga nagko comment at vote. Dahil sa inyo tumataas ang rank ng MPMH
Please continue and do recommend it.

Mag a update agad ako pag madaming comments at vote. Hahaha.

So what can you say?
Dumadamoves na ba si Thunder?
Is this for reeeeeaaaaaalllll?
Sinong kinilig? Suggestions?

- Noona KayeEinstein

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now