Ang ganda! Siguro mahal to! Grabe kumikinang pa yung bato. Namangha rin ako sa bigat nito. Ngayon lang ako tatanggap mula sa iba ng ganitong klase na kwintas.

"Hindi ko po kaya tanggapin yan baka mahal," Choosy na sabi ko.

"I didn't say you that need to pay it and it's not that expensive as you think. And this is a number one requirement for your first day tomorrow." sabi ni Kevin. So sa mga divisora at baclaran lang nila to nabili?

Kinuha ko ito at tinitigan ng mabuti. Kumikinang pa.

"Magkano po ito?" tanong ko.

"Its not expensive, it's only 980,700 if you convert into peso. Mahal na yata yan para sa inyo mga tao." sabi ni Blake.

"A-ano?! Malapit na ito sa milyon at sa tingin niyo mura lang ito? "
Hindi ko mawari kung nagyayabang sila o ano.

Napakamahal naman neto. Kayang kaya ko na to isangla--yayaman pa ako! Pero baka mapatay pa ako ng mga bampira pag ginawa ko iyon.

"Yeah! Piso lang para sa amin yun."

Nanliit ako sa sarili ko dahil sa sinabi niya. Hindi niya naman kailangan ipamukha saakin eh no?

Bumaba na kami sa limousine at ginala ang aking paningin sa paligid. Sinuot ko ang necklace at balak mapagpa-salamat sa prinsipe.

"Young master, thank you po pala sa necklace." nahihiya na sabi ko.

"You're welcome just keep it okay?" Sabi niya. Atsaka ginulo ang buhok ko.

"Opo." sabi ko.

Habang naglalakad sumalubong saakin ang mga nakakamatay na mga mata ng bampira gusto ko bumaon sa lupa dahil sa takot at hindi na napigilan nagsalita.

"Young master, wala po ba mag aaway saakin baka maisip nila--"

"Don't worry Kira as long as you're with us, you are safe." sabi niya tumango nalang ako. Naniniguro lang.

Pumasok kami sa isang castle marami yumuyuko. Yung iba tumitingin saakin na masama.

"Let's go." sabi ni Kevin. Agad ako tumango at sumunod.

"Bakit kasama niya ang mga prinsipe?"

"Kaya nga girl,subukan niya kunin si prince Ace uubusan ko siya ng dugo."

"Hmph! Sigurado aakitin niya ang mga yan."

"Kaya nga huhuhu si prince Andrew"

Nakarating agad kami sa dapat na lugar. Isang malaking silid tila ito ay salas at may mga pinto sa gilid at parang kuwarto na ata mga iyon. Taray pwede ka pala manirahan dito? Dinaig pa nila ang Hotel sa sobrang ganda dito.

Nakakahiya naman kung matulog ako sa isang malaking kuwarto, ako na ang alipin tapos bibigyan pa ako ng malaking kuwarto.

"Uh... mga young master okay lang po sa akin kung maliit na room." nahihiya na sabi ko. Napatingin sila sa akin.

"Maliit? We don't have any small rooms here, you can sleep in bigger room don't worry about it." sabi ni Kevin.

May bigla pumasok sa silid at mga kalalakihan nanaman at isang batang lalaki.

"Nandito na pala kayo, siya na ba yan?" Sabi ng lalaki at nginuso ako. Yumuko na lang ako.

"Interesting, I can smell something unfamiliar coming from her," sabi naman nung isa. Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko at hindi mapakali.

"Stop it, you're making her uncomfortable." Sabi ni Jacob. Gusto ko sana sabihin na okay lang pero inunahan na ako.

"She is a slave, Jacob so stop being like a worried parent to her." Malamig na sabi ni Ace na ngayon nakaupo sa single sofa. Kumirot ang dibdib ko. Tama naman siya yun ang realidad na dapat ko isipin.

"But still need to respect her as a person." Sagot naman ni Kevin kaya napatingala ako. Naramdaman ko ang tensyon pagitan sa kanilang dalawa ni Ace. Masamang tinitigan ni Ace si Kevin kaya mas lalo ako kinabahan.

Awkward na tumawa yung isa.

"Stop with the dispute you two." sabi ni James, nabasa ko ang kaniyang pangalan sa pin na nasa uniporme niya. Ang pinag kaiba niya sa iba, mas matured siya tignan at seryoso pero parang madali rin pakisamahan kahit papano hindi tulad ni Ace.

Ace na naman Kira? Ano nangyayari sa'yo? Argh!

Nailang ako sa katitig nung bata kaya ngumiti ako sa kaniya at bahagya yumuko para bumati.

"Good afternoon, young master." Sabi ko sa bata. He's around 7 I think pero ang cute niya tignan! Inosente at baby face pero nanlumo ako nang maalala ko na bampira pala siya.

Nanlaki ang kaniyang mata at namula ang pisngi kaya iniwas ang tingin. Hindi siya makapaniwala na binati ko siya. Napangiti ako ng todo sa inakto niya pero nakita ko si Ace na nanonood sa akin at nakataas ang kilay kaya unting unti nawala ang ngiti sa aking labi.

"I-I like her kuya, she's beautiful and kind." Sabi nung bata at pa simpleng sumulyap sa akin, I waved my hand and smiled to him kaya mas lalo siya namula at ngumiti sa akin.

"Oh crush mo na?" Pag aasar ni Blake sa bata. Umubo si Ace kaya natahimik kami, napatayo ako ng tuwid.

"Are you going to introduce yourselves or what?" Malamig na sabi ni Ace. Gusto ko siya irapan, wala na ba kasiyahan sa buhay niya kaya nagiging ganyan siya?

"Oh right! I'm Prince Dylan Finn Winston at your service." Sabi ng lalaki na magulo ang uniporme. At your service my ass, ako nga maglilingkod sa inyo diba?

"Ako naman po si Kira Rhianne Alvadez. You can call me Kira or Rhianne." Sabi ko. Ngumiti siya sa akin at tumango nakipag harutan sa ibang kasama niya.

"Hi beautiful lady, I am Andrew Ven Winston maingay ako pero hindi ako kasing ingay ng isa diyan." sabi niya sabay tingin kay Blake. Tumawa siya bago tumakbo.

"Gago ka ah!" sigaw ni Blake bago habulin si Andrew.

"Tama na 'yan, hayaan niyo na siya mag pahinga." sabi ni Jacob. Ngumiti ako sa kaniya at tumango. Nakaramdam na rin ako ng pagod dahil sa biyahe.

Tumango ang lahat at isa isa nagpaalam saakin bago umalis. Nakita ko si Daniel na kumaway sa akin bago tumakbo. Natawa ako.

"Tss." Agad ko tinigilan ang pagtawa dahil kay Ace. Tinignan niya ako ng masama. Hmph! Kahit gwapo ka kung ganyan ka naman ka sungit nakaka turn off!

"See you tomorrow!" Sabi naman ni Dylan ngumiti naman ako at kumaway. Naka alis na ang lahat except kay Ace. Tinaasan ko siya ng kilay. Nanatili siya nakaupo at pinagmamasdan ako tila nag hihintay kung ano susunod na gagawin ko.

"U-uhh.. Hindi ka po ba aalis young master?" Sabi ko. Tumayo siya at lumapit sa akin kaya nanigas ako sa kinatatayuan ko.

"I'll wait until you go inside of your bedroom. So, go ahead." Sabi niya habang naka pamulsa na hinihintay ako na pumasok sa aking kwarto.

Tumango na lang ako at dali dali pumasok sa magiging kwarto ko. Habol ang aking hininga at pilit pinapakalma ang puso ko.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa laki at ganda ng aking magiging kwarto. Pinaghandaan talaga nila ata ang pagdating ko ah, wala naman masama umasa kaya wag na kayo tumutol.

Inayos ko na aking mga gamit bago ako tuluyang dinalaw ng antok.

~~••~~

DON'T FORGET TO VOTE!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

DON'T FORGET TO VOTE!

The Royal Vampires Academy ✔Where stories live. Discover now