Chapter 8: Cloud's Confession

Start from the beginning
                                    

"Why?" tanong nya.

And he just dropped the one million question to me. Hindi ako makapagbigay ng rason dahil hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na may asawa akong tao diba?

I was biting my lips thinking of a lame lie or something.

"Is it because of Sir Thunder?"

Halos mapatalon ako sa upuan ko ng banggitin nya ang pangalan ni Thunder.

Napakalakas ng kabog ng dibdib ko na pakiramdam ko sasabog ito. Teka? May alam ba sya samin? Nagkwento ba si Sanya?

Alam nya ba na hindi nagwo work out ang pagiging mag asawa namin ni Thunder kaya ngayon nililigawan nya ko ngayon?

Naaawa ba sya sakin?

"Pano naman nasama si Sir Thunder dito?" I faked a laugh to deny it pero pakiramdam ko ay iiyak ako.

Pumasok kasi sa isipan ko ang pagtatalo namin ni Thunder kagabi at kung gaano ka dead-end ang relationship na meron kami.

Asawa lamang ako sa papel.

Grabe ang mixed emotions ko ngayon. Marahil sa puyat at pagod na dala ng matinding pag-iisip.

"Hindi ba si Sir Thunder ang sumundo sayo kagabi? Don't tell me he's your dad?" bumaling ng tingin sakin si Cloud at tinitigan ako ng diretso na animong binabasa ang katotohanan sa mata ko.

"Ano ba Cloud? Paanong si Thunder, I mean Sir Thunder ang nagsundo sakin kagabi?umalis na kayo nun"

"Bago kami umuwi napagdesisyunan ni Josh na mag stop-by muna kami sa isang kainan dahil nagugutom daw sya. Hindi pa kami nakakalayo noon sa mall, kaya naisipan kong balikan ka to check if nasundo ka na. Nag aalala kasi ako na baka mapano ka. Sanya tried to stopped me which I don't get the reason why pero nagpatuloy pa din ako, binalikan kita. Nakita kita sa entrance ng mall nakatayo, mag u-u-turn na sana ako ng may humintong sasakyan sa harapan mo at bumaba mula dun si Sir Thunder, I even saw that you are in a tensed situation. He even opened the door for you, so tell me Akira, what is your relationship with him?"

Nabigla ako sa lahat ng sinabi nya, hindi ko alam na nakita nya pala kami ni Thunder kagabi. Hindi ko alam anong sasabihin ko.

Pakiramdam ko iiyak na talaga ko dahil sa halu-halong kaba at takot. Kinakabahan ako sa pwedeng gawin ni Cloud pag nalaman nya kung ano ang relasyon ko kay Thunder at natatakot ako na pag nalaman ni Thunder na may nakaalam tungkol sa kasal namin ay baka hiwalayan nya na talaga ako.

"Don't worry Akira, your secret is safe with me. Wag kang mag alala dahil wala akong gagawin na makakasakit sayo dahil ganoon kita kamahal" sabi ni Cloud.

I looked at him. He tried to give me a smile. He is so sincere at nako konsensya ako dahil napakabait nya pa din sakin.

Tumulo na ang luha ko.

"I'm sorry Cloud" I started.

"Don't be, it's okay. Please don't cry" pinunasan nya ang mga luha ko.

"Si Thunder kasi" I tried to calm myself down. "Si Thunder, he is my husband. We're married"

Hindi na ko nagdalawang isip pa na sabihin sa kanya, alam ko naman na mapapagkatiwalaan sya tulad ni Sanya.

Nabakas ko ang matinding gulat sa mukha nya, hindi nya siguro ini expect na asawa ko si Thunder. Sino ba namang hindi mabibigla doon diba?

"I-I thought that you guys are just in a relationship or something, hindi ko alam na kasal na pala kayo"

"Pasensya na talaga Cloud. Hindi ko kasi talaga alam kung paano ko rin sasabihin sayo"

"Ano ka ba wag ka ngang mag sorry kasi wala ka namang kasalanan, ako ang nagkakagusto sayo." he said. "But answer this one question, Bakit tinatago nyong kasal kayo sa isa't-isa?"

Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin ang tanong nya dahil bukod kay Sanya may iba ng makakaalam ng tunay na nangyayari sa relasyon namin ni Thunder.

"Dahil din sa school, alam mo naman kung gano kadami ang fan girl ni Thunder, tsama diba bawal ang student-prof relationship pero as if naman ganoon talaga kami kasi to be honest our marriage is not working like I hope it to be"



Buti na lang bago magsimula ang klase ay nakabalik na kami sa school. Nag decide na lang akong pumasok dahil ayokong magmukmok sa bahay. Naglalakad na kami ng sabay ni Cloud ngayon papunta sa building ko. He insisted na ihatid ako.

Nakwento ko na din sa kanya kung gaano kagulo ang married life ko at kung paano ang relasyon na meron kami ni Thunder.

Alam kong nasasaktan sya pero mas pinili nya pa ring manatili sa tabi ko at pakinggam ako, to be honest parang nakahinga ako ng maluwag na nasabi ko kay Cloud lahat pati yung pagtato namin ni Thunder kagabi. I also told him na pwede nya kong layuan or iwasan but he disagreed.

I even remembered what he said.

"I will always be here for you Akira, I am willing to take care of you and to catch you over and over again. I will be just here hanggang marealize mo ba you don't deserve this"

"Cloud, you don't need to do that"

"Please Aki, let me. Kahit hindi mo na ko mahalin as long as hayaan mo kong mahalin kita. I would rather keep on loving you that just stood idly by and live with regrets kaya sana maniwala ka pag sinasabi kong mahal kita kasi sa pagmamahal hindi naman laging masaya, kasama ang sakit"

Hindi ko na sya sinagot, sobrang sakit na nga ang binibigay ko sa kanya pati ba naman ang turing kong kaibigan sa kanya aalisin ko pa din.

I am just thankful to have Cloud around.
Hindi ko alam kung anong mangyayari sa future pero kahit papaano ay hopeful ako dahil sa mga sinabi ni Cloud sakin.

-------
To be continued!

Comment and vote agad guys para post agad next chapter. Ayiiee. I love you all!

Sino na ang mga lilipat sa Team Cloud?
Sino naman ang mananatili sa Team Thunder?

Si Ulap o Si Kulog?

- Noona
Ps. Kinda sound jeje on this old AN hoho.

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now