Mamaya-maya ay nabigla na lamang ako nung biglang natumba si Emy. Wala akong naiintindihan. Bigla lang siyang natumba sa hindi ko inaasahan. Napalingon-lingon naman ako sa paligid. Nawala si Camille bigla pagkatapos nung natumba si Emy.


"Aubrey!", sigaw ni Mai at tumakbo siya patungo sa akin. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang bakas na pag-alala habang tumatakbo siya patungo sa akin. Pilit kong kinalma yung sarili ko. Wala na akong naiintindihan. Ano ba ang nangyayari?


"Mai! Anong nangyari?! Bakit nawala si Camille?! Anong nangyari kay Emy? B-Bat siya natumba?", pagtatanong ko sa kanya nung nakalapit na siya sa akin. Kitang-kita ko ang pagkakatarantar ni Mai habang hawak-hawak niya yung braso ko.


"H-Hindi ko alam. Ang bilis ng kilos ni Camille, hindi ko makikita tsaka, h-hindi ako makagamit ng mahika. Mukhang dinispell ni Camille iyun.", hinahabol ng hiningang pagsasalita ni Mai at napatingin-tingin ako sa paligid.


"Camille! Lumabas ka!", matapang kong sigaw.


"Teka lang Aubrey. Wag mo siyang tawagin, kailangan nating tumakas.", mas lalong humigpit ang kapit ni Mai sa aking braso.


"Alam kong andyan ka, lumabas ka!", sigaw ko nanaman habang hindi ako nakinig sa kanya.


Napahinga ako ng malalim habang inipikit ko yung mga mata ko, inilibot ko aking paningin sa madilim na gubat at nakita ko na siya. Walang kadudang-duda akong nagsummon ng staff at itinapat iyun at nagcast ako ng fire ball patungo sa direksyon na iyun.


"Aubrey! Bakit gumamit ka ng mahika?! Hindi ka pa pwede--"


"Shut it, Mai. Tulungan mo si Emy. Hindi natin kaibigan ang babaeng iyun. Yun ang tingin niya sa atin. We don't need to hold back.", pagputol ko sa sinasabi niya at napalunok naman siya sa sinabi ko. Agad naman siyang pumunta dun kay Emy at inaalalayan iyun.


"Acting tough, eh?", biglang sumulpot si Camille sa harapan ko at hahampasin sana niya ako gamit yung itim niyang staff ngunit agad ko naman itong itinakwil at umatras ako.


"Camille, tigilan mo na ito.", matabang pagsasalita ko habang nakakunot ang aking noo. Gusto ko siyang yakapin man lang ngunit kailangan kong tanggapin na isa siyang kalaban at kahit kailan ay hindi siya namin naging kaibigan.


"Ayoko. I need to get you, Aubrey", nakangisi niyang pananalita at susuntukin nanaman niya ako habang inihagis niya yung staff niya sa ere. May nagform na maitim na bubble sa kanyang kamao habang pilit niya akong suntukin. Agad akong umiwas.


"What the hell do you want from me?!", sigaw ko at hinampas ko yung staff ko. Agad naman siyang umiwas.


"We  need you. The Kuro Tribe needs you, Hara.", sabi niya nung umatras ako at sumugod nanaman.


"I don't know what you're talking about.", sabi ko naman at sinipa ko yung kiliran niya ngunit tumalon siya ng mataas at nasa ibabaw na niya ako.

Leam University : School for Mages | REVISINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon