"Wala," Iniwasan ko ang mga mata nila. "Bestfriend ko siya."

"Ha? 'Di ko gets." Sabi ni Ethel at nanalangin ako na sana i-let go nalang niya. Pero ayaw yata ako pakinggan ni Lord ngayon dahil nagpatuloy sila sa pagtatanong. "Anong ibig mong sabihin na alam ko?"

"Wala 'yun."

"Ano 'yun?" Naglagay siya ng kamay sa binti ko at nginitian ako. "Crush mo siya?"

Naramdaman kong nag-init ang pisngi ko. "Hindi!"

"Hindi nga?"

Napahawak ako sa batok ko at napa iwas ng tingin. Hindi naman kami ganun ka-close para sabihin sakanila ang pinaka malaking sikreto ko. Ni hindi ko nga alam kung bakit sinabi ko kay Jared.

"Hindi naman namin ipagsasabi e." Sabi ni Beatrice. "Promise."

Tinignan ko sila. Nagdududa. Kinakabahan. Mapagkakatiwalaan ko ba talaga sila? Si Hannah nga na bestfriend ko, hindi pa alam. Napakagat ako sa ibabang labi ko.

"Promise niyo hindi niyo sasabihin?"

"Promise!" Sabay nila sagot.

"...Oo. Gusto ko siya."

Sabay silang tumili at nabigla ako nang yakapin ako ni Ethel. "Oh my gosh, Adrianna!"

"Kinikilig ako!" Inabot ni Beatrice ang kamay ko at sinubukan din akong yakapin kahit nasa pagitan namin si Ethel.

Kinikilig din ako at namumula. Ang sarap sa pakiramdam ng may mga babae kang napagsabihan tapos tuwang tuwa sila para sa'yo.

"Wag kayong maingay!" Suway ko sakanila, pero naka ngiti ako. Nang mapatingin ako sa gawi ni Asher, nakita ko siyang nakatigil at nakatingin. "Wag kayong maingay nakatingin na siya!"

Kumalma na sila pero kitang kita parin sa mga ngiti nila na kinikilig sila. "Matagal mo na siyang gusto?" Tanong ni Ethel.

"Hindi pa naman," Sagot ko. "Nitong summer lang."

"Pano mo nalaman na gusto mo siya?"

"Ewan ko. Nung ano kasi, 'yung kay Enrico. Nung nawala 'yung kami, syempre kahit papano nalungkot ako. Na-down. Tapos si Asher 'yung nandun. Siya 'yung nag comfort sakin. Pinapangiti tapos chini-cheer up. Dun ko siya parang ano..."

"Nag-iba tingin mo sakanya?" Tanong ni Beatrice.

"Oo. Parang ganun. Biglang hindi na tropa lang tingin ko. Nagka malisya na 'yung mga kilos niya hanggang sa nahulog na ako." Pare-pareho kaming parang mga tanga na nagpipigil ng kilig. "Inaasar pa nga niya ako kay Enrico e. Sabi niya gusto ko pa din daw. Nakaka bwisit. Hindi niya pa nakikita na siya ang gusto ko? Haler. Kung ano anong pagpapapansin na ginagawa ko."

"Gumanda ka nga e," Sabi ni Ethel. Hinawi niya 'yung buhok ko na nakaharang sa mata ko. "Parang nag blooming ka. Bumagay sa'yo 'yung ayos mo."

"Talaga?"

"Oo! Noon kasi sisiga siga ka tapos laging sabog buhok mo."

"Wala pang kilay," Sabi ni Beatrice na ikinatawa namin.

"Grabe siya oh. Hindi ba makapal? Feeling ko nakapalan ko e."

A & AWhere stories live. Discover now