"Magagawa natin ito!", sigaw naman ni Mai at napangiti naman ako.


Napatingin ako kay Kuya Khervee na nakatingin sa akin at ngumiti. "Can you facilitate them? Please?", pagsasalita ko sa kanyang isipan at agad namang tumango si Kuya Khervee at ngumiti.


"Okay. Boys, pupunta tayo sa bodega upang manghiram ng table at chairs. Kayo naman girls ay lilinisin niyo ang kalat dito. We need to do this!", pagsasalita ni Kuya Khervee.


"Yes sir!", sigaw naming lahat.


"Ilang minuto nalang ang natitira?", biglang tanong ni Camille.


"45 minutes.", sabi ni Miles.


"Double time people! Double time!", sigaw ni Kuya Khervee at nagsingtakbuhan na kami sa mga gawain namin.


At bago pa man akong tumakbo sa aking gawain ay nabigla nalang ako nung may nagpat sa aking ulo. Agad naman akong napalingon dun at laking gulat ko ay nakangiti ito sa akin. "B-Bryl.", banggit ko sa pangalan niya.


"You did well, Aubrey. Thank you for giving us some hope", sabi niya habang nakangiti.

N-Ngumiti siya.


Parang sasabog na yung dibdib ko sa bilis ng tibok ng puso ko. Nanigas ako sa aking kinatatayuan habang nakatingin sa mga mata ni Bryl na nakatingin sa akin.


Tinap niya yung ulo ko at tumakbo patungo sa mga kasamahan niya. Ang init ng mukha ko, shemay!


Kumalma ka, Aubrey! Kalma!


"OH MY GHAD?! What was that?!", biglang sigaw ni Emy at lumapit sa akin.


"What the hell?! Did he just patted you?!", hindi makapaniwalang pagtatanong ni Mai at napatingin ako sa kanya.


"Did he just smiled at you?", biglang sumulpot si Camille sa aking harapan na may dalang walis at dust pan. "Ang pula ng mukha mo, may lagnat ka ba?", dagdag niyang tanong sa akin at agad akong umiling.


"Okay lang ako. It's just that... Nabigla lang ako sa ginawa niya kanina.", pagsasalita ko at napatingin naman ako kay Emy na nakangiti na parang may binabalak sa akin.


"Ehem ehem. Pero in fairness! Ang gwapo ni Bryl ngumiti!", sigaw naman ni Emy.


Kayrami ko naman siyang nakitang ngumiti, bakit ganun ang nararamdaman ko kanina? T-That smile was different. Di ko alam pero ganun nga.


Napatingin ako sa tatlo at nakatulala silang nakatitig sa akin. Nagblink blink yung mga mata nila.


Teka, narinig ba nila ang sinabi ko sa isipan ko?!

"What the hell, Aubrey?!", sigaw ni Emy at hinawakan niya yung balikat ko at niyugyog ako. "Bat di mo sinabi sa amin na nakita mo na siyang ngumiti?! At ilang beses na pala?!", dagdag niya habang niyugyog pa rin ako.


"T-Teka Emy! Nasasakal na si Aubrey sa ginagawa mo!", sigaw naman ni Mai at pilit namang kinalma ni Emy yung sarili niya.


"Seryoso? Ilang beses mo na siyang nakitang ngumiti?", pagsasalita ni Emy sa akin at napakamot naman ako sa aking ulo at tumango.


"Kyaaaaaaaaah~", sigaw pa naman nilang tatlo at napabugtong hininga naman ako. -.-


"Uhmmm. Mamaya na 'to please. Maglinis muna tayo", pagsasalita ko at nanlaki yung mga mata nila sa sinabi ko, tila parang nagugulat sila sa sinabi ko.

Leam University : School for Mages | REVISINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon