"Ano bang pinagsasabi mo dyan Miles?!", sigaw naman ni Emy kay Miles at sinuklian lamang siya ng binata ng ngiti at binelatan siya nito.

"Ahihi. A deal is a deal, Emy. You will have a date with me after this!", sigaw ni Miles at napatakbo.

"What the?! Wag ka ngang magdesisyon ng magdesisyon dyan! Hindi ako pumayag tanga!", dagdag na sigaw ni Emy at sinundan si Miles.

Napatawa lang kaming lahat sa mga sinabi nila. Kahit papaano, gumaan yung pakiramdam ko.

"Hey, Camille is acting suspicious.", nabigla ako nung biglang nagsalita si Bryl sa aking isipan. Napalingon naman ako agad kay Camille at nakita kong nakakunot noo siya habang nakahawak sa kanyang ulo. Nakita ko din ang pagtulo ng pawis sa kanyang mukha at nag-alala naman ako.

"Camille? Okay ka lang?", tanong ko sa kanya nung nakalapit ako sa kanya. Hinawakan ko yung braso niya ngunit initaksil niya ito habang rinig na rinig ko ang pagbigat ng kanyang hininga.

"Don't touch me!", sigaw niya at napaluhod siya. Napatingin naman silang lahat kay Camille at hinawakan ko muli yung balikat niya.

Muli niya akong tinulak at mas lalong bumigat yung paghinga niya. "I told you don't touch me! Stay away from me!", sigaw niya muli at napalapit naman silang lahat sa amin.

"C-Camille.", nag-alala kong pagsasalita sa kanya at napaluhod siya. Lalapitan na sana siya ni Dranreb ngunit sinigawan niya ito.

"Don't touch me! I told you, don't touch me!", pag-uulit niya at biglang mas bumilis yung paghinga niya tila parang humihingal siya at nahihirapan siyang huminga. I can see all her agony in her eyes. Napapikit siya at napahawak siya sa kanyang dibdib tila parang nasasaktan siya.

"Miss Rielle!", sigaw ni Ma'am Michi at lalapitan siya ngunit may borg na nakaprotekta sa kanya. "Miss Rielle, what are you doing?! Undo this borg upang matulungan ka namin.", sigaw ni Ma'am ngunit hindi nakinig si Camille sa sinabi ni Ma'am.

Kinakabahan ako at hindi ako makapali. Parang may bumuhos na malamig na tubig sa aking katawan at parang ang sama ng kutob ko.

"Miss Rielle!", muling sigaw ni Ma'am Michi habang hinahampas niya ang borg na nakaprotekta kay Camille.

"Camille, makinig ka sa amin. Undo this borg, please", pagmamakaawa ni Mai habang sinusuntok niya yung borg.

Umiling-iling lamang si Camille habang mas lalo siyang naghirap huminga at sinusuntok niya yung dibdib niya. "D-Damn it!", pagmumura ni Camille at biglang lumutang yung borg sa hangin kaya napatingin kami sa itaas.

Ano ba ang nangyayari sa kanya?

"E-Everyone, please stay away. P-Patayin niyo na ako. Ahhhhhhhhhhhhhhhh!", pagsasalita ni Camille at napaungol siya sa sakit ng kanyang nararamdaman. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Gusto ko siyang tulungan pero paano?

"Patayin ka? Anong pinagsasabi mo Camille? How can we kill a friend of ours?!", sigaw naman ni Emy at lumipad siya patungo kay Camille. Lalapitan sana niya si Camille ngunit biglang may nagspark at naitulak si Emy palayo kay Camille.

"Just please. Patayin niyo na ako.", pagmamakaawa ni Camille kaya napakunot ang noo ko. Ano ang ibig niyang sabihin? Anong patayin na siya? "A-Ahh. H-He's coming", pagsasalita niya at napatingin ako sa kalangitan.

Muli akong tumingin kay Camille na walang tigil sa pag-ungol at paghingal. Kitang kita namin ang mga luha na tumutulo sa kanyang mga pisngi.

Leam University : School for Mages | REVISINGWhere stories live. Discover now