Naningkit ang mata ko ng makita si Jacob na prenteng nakaupo habang ang kasama niya ay hirap sa pag aayos ng kanilang tent. May hawak rin itong dlsr na camera na nakasabit sa kan'yang leeg at panay ang picture nito sa mga taong dumaraan sa harapan niya.

Napailing ako dahil ang ganda talaga ng buhay ng lalaking ito. Napaiwas ako ng magtama ang tingin namin. Lumapit na ako kay Klea at tinulungan na siya.

Hindi rin kaming masyadong nahirapan sa pagpapatayo dahil tinulungan kami nila Raven at Gelo na katabi lang namin ng tent.

"Thank you," ani ko at ngumiti sa kanila.

Ngumiti din sila pabalik at nagpaalam na aayusin na rin nila ang mga dala nilang gamit.

"Finally! Bilisan na natin ayusin ang mga gamit natin para makapag picture picture na tayo."

Excited na sabi ni Angel at nauna ng ipasok ang kan'yang gamit sa tent.

Susunod sana ako ng marinig kung sinigaw ang pangalan ni Mateo, nang tignan ko iyon ay nakita ko siya na naglalakad papalayo habang may nakabuntot pa rin sa kan'yang mga babae na mukhang sa kabilang block.

'Continue flirting with her Jacob,' ginaya ko pa ang boses niya.

Ang lakas niyang sabihin yun samantalang siya mas marami pang kalandian. Alam ba to ng babaeng kasama niya sa mall na maraming lumalandi sa kanya? Magsama silang lahat. Hindi ako nagseselos!

Pumasok na ako sa loob ng tent at inayos na ang mga gamit ko. Buti nalang ay malaki laki rin ang tent namin, mga tatlong katao pa ang pwedeng magkasya.

"Klea, Samantha!" sabay kaming napalingon ni Klea ng sumitsit si Angel at itinaas ang dala niyang gamit.

Magsasalita sana ako ng agad niya akong inunahan.

"I know! Tinanong ko kasi kay kuya kung alam niya kung saan ang Acadia Camp at sinabi niyang nakapunta na siya dito at  may falls daw kaya nagdala ako nito," sabay ngiti niya.

Napasapo ako sa aking noo dahil sa dala nitong swimsuit. 'Wag sana siyang makita ni Ma'am Romero.

"Saka hindi naman ako maliligo ng umaga, kun'di gabi para wala masyadong makakapansin na nakaswimsuit ako."

"Goodluck nalang Angel at sana ay hindi ka mahuli ni Ma'am Romero," sabi ni Klea na saktong tapos niya ng ayusin ang kanyang gamit.

"I know! I know!" ismid niya at sumimangot.

Binilisan na namin ang pag aayos ng aming gamit at pagkatapos ay dumiretso sa breakfast area bago mapagpasyang maglibot libot na.

"Dito tayo dali!" agad na tumakbo si Angel ng makakita ng magandang spot para makapagpicture.

Inabot niya sa akin ang kan'yang camera at agad ko na siyang kinuhanan ng litrato.

"Tayo namang tatlo," matapos ang ilang shots.

Ngumiti ako at agad nagpose ng kung ano ano, isesend ko rin kasi ito kay Mommy para alam niya ang mga ginagawa namin ngayon sa Camping.

"Hindi ka ba napapagod ngumiti Angel, kanina pa tayo picture ng picture."

Pagod na sabi ni Klea ng muli niyang kinunahan ng picture si Angel na tumungtong naman sa malaking bato na nakita namin.

"Syempre kailangan kung sulitin itong camping trip natin," sabay kindat niya.

Hinding hindi talaga mawawala sa pagkakaibigan na ang isa ay mahilig magpicture.

"Masanay na tayo," mahina kung sabi kay Klea at sumunod narin sa kan'ya ng naghahanap ito ulit ng magandang spot.

I Wish It Was Me (Book 1)Where stories live. Discover now