Hindi ko namalayan na tuluyan na nga akong nakatulog at hanggang sa naramdaman na tila nakasandal ang ulo ko sa malabot na bagay. Napagalaw ako upang tignan iyon baka mamaya ay napasandal na ako kay Raven.

Inayos ko ang buhok kung nagulo at pikit ang isang mata para tignan si Raven pero nanlaki  na ang mata ko ng makita kung sino ang katabi ko ngayon.

Magsasalita sana ako pero agad niyang inilagay ang kan'yang daliri sa kan'yang labi at kung may itinuro sa harapan ng sinundan ko iyon ay lahat sila ay tulog maliban lamang sa aming dalawa na gising.

Pinalo ko ang kan'yang balikat at pinanlakihan ng mata. Ang buong akala ko ay si Raven ang katabi ko pero nagkakamali ako dahil si Jacob pala ito.

"Bakit dito ka umupo!" mahina kung sabi.

Hinawakan niya ang kan'yang balikat at inikot ikot ito.

"Nakakangalay," kumunot noo ako sa sinabi niya, "Lakas mo palang humilik." sabay ngisi niya kaya agad ko ulit siyang sinapak.

Ibig sabihin ay kanina pa pala ako nakasandal sa balikat niya, kaya pala komportable ako sa pagtulog.

"Ang lakas mo naman manapak. Wala man lang bang thank you?" mas lalong nilakihan ang ngisi.

Buti nalang ay tulog sila, sana ay walang nakakita nun.

"Tumigil ka nga, lumipat ka ng ibang upuan," inis na sabi ko.

"Can't you see na natutulog sila, ako rin ang matutulog."

Balik niyang sabi at pinagkrus ang kan'yang kamay at pinikit na ang mata.

Padabog akong umupo ng maayos
at napatingin sa earphone ko na natanggal na pala sa aking tenga, binalik ko na ito sa aking bag.

Napapadyak ako at muling tumingin sa kan'ya pero nakapapikit pa rin siya.

Muli kung isinandal ang aking ulo sa bintana at siniguradong hindi magdidikit ang aming katawan.

Hindi ko namalayan na muli akong dinalaw ng antok at nagising nalang dahil sa mahinang tapik sa aking balikat.

"Wake up, Samantha. We're almost here," rinig kung sabi ni Jacob.

Minulat ko na ang aking mata at nakitang nakasandal ulit ako sa kan'ya, agad akong napalayo. Nakakahiya!

Sinundan ko siya ng tingin ng tumayo siya at ginising ang natutulog na Raven.

May sinabi ito sa kan'ya na ikinatayo nito at dumiretso sa tabi ko.

"Hi Samantha, dito nalang daw ako umupo sabi ni Jacob," aniya ng makaupo.

Napasulyap akong muli kay Jacob na abala na sa pagtitipa ng kan'yang cellphone. Nag iwas na ako ng tingin at tinignan din ang iba kung kaklase na tulog pa rin.

Napatingin ako sa labas at puro naglalakihang puno na ang nakikita ko.

"Wake up everyone! Malapit na tayo," nawala ang tingin ko sa daan at tinignan si Ma'am Romero na ginigising na ang iba.

Napainat ako at nag ayos na rin ng biglang nagsitayuhan ang iba at kan'ya-kan'yang silip sa kanilang bintana.

"Kaninong sasakyan 'yan?"

Rinig kung bulungan nila kaya napakunot noo ako ng halos lahat sila ay isang direksyon lang ang tinitignan at saktong huminto na ang bus ay agad silang nagsiunahan tumayo para lumabas. Kita ko rin na nagmamadaling bumaba si Angel at iniwan si Klea.

Ngayon ay tatlo nalang kaming natira sa loob ng bus, ako, Klea at si Jacob.

Agad akong lumapit kay Klea na parang tulala.

"Klea," sabay tapik sa kan'yang balikat.

"Hah?" kita ko ang pagkataranta niya.

"Baba na tayo," sabi ko.

Inilibot nito ang kan'yang tingin at dali daling tumayo. Kita ko ang saglit na pagsulyap niya kay Jacob bago tuluyang bumaba. Bumaba na rin ako at at agad narinig ang mga sigawan.

Nanlaki ang mga mata ko ng marinig na sinisigaw nila ang pangalan ni Mateo. Andito siya?

Kita ko ang mga kaklase kung nagkukumpulan at ang ibang block na nagmamadali din na bumaba sa kanilang bus.

Bumaba na ito sa kan'yang sasakyan at ramdam ko ang singhapan nila ng makita kung sino ang sakay nito.

"Mateo!" muling sigawan nila.

"Akala ko ba hindi siya kasama," bulong bulungan nila.

Napatitig ako sa kan'ya at hindi ko alam pero may kakaiba sa kan'ya ngayon, mas lalong lumamig ang tingin nito.

"So, he bring his lambo," gulat akong napatingin kay Jacob na nasa tabi ko na pala.

Muli kung tinignan ang gilid ko pero wala na si Klea, napakunot noo ako at hinahanap siya at nakitang kinukuha na pala niya ang kan'yang gamit bago lumapit kay Angel na nakikipagsiksikan din.

Lumingon na ako kay Jacob na hindi pa rin umaalis sa tabi ko. "Bakit ikaw may sasakyan ka rin naman, bakit hindi mo dalhin para pagkaguluhan ka rin." sarkastikong sabi ko at lumayo ng kaunti sa kan'ya.

"I don't want to drive. I just want to sleep all day."

Napailing ako sa kan'ya.

Sana ay hindi nalang siya sumama at natulog nalang ng buong araw tulad ng gusto niya. Iniwan ko na siya para kunin ang gamit ko. Kukunin ko sana ito ng agad akong inunahan ni Jacob.

"Kaya ko naman kunin Jacob," sabi ko ng kinuha niya rin ang gamit nito bago tuluyang humarap sa akin.

"Bagal mo kasing kumilos," natanggal ang ngisi niya ng mapatingin sa likod ko.

Napakunot noo muli ako at kinuha na ang gamit ko sa kan'ya para dumiretso na kila Angel at Klea ng mapansin kung nawala ang ingay. Napakurap kurap ako ng lahat sila ay nakatingin na sa banda namin ni Jacob.

Nanlamig ako dahil mukhang alam ko na kung bakit sila nakatingin sa banda namin. Unti unti akong humarap at tumambad sa akin si Mateo.

"Mat---" hindi niya ako pinatapos magsalita ng sumingit siya.

"I just need to get something. Continue flirting with her, Jacob," may diin at galit niyang sabi bago ako nilagpasan.

I Wish It Was Me (Book 1)Where stories live. Discover now