Nanlaki ang mata ko ng video namin iyon ni Jacob nung nakaraang araw.

"Anong nangyari? Bakit hindi mo sinabi sa amin? At sinabi pa dito na sabay kayong pumasok?"

Napalunok ako at titig na titig silang dalawa sa akin. Kalat na nga talaga ang video na iyon.

"Nagkataon lang na sabay kaming pumasok dahil nagcommute ako. Akala ko ay walang makakapansin dahil sinabi ko naman sa kan'ya na mauuna akong pumasok bago siya. At saka yang video na 'yan wala lang 'yan, siguro ay nakonsensya siya dahil sa sinabi niya kaya pinagbantaan niya yung mga babaeng 'yun."

Kita ko ang pag iwas ng tingin ni Klea pero titig na titig pa rin sa akin si Angel.

"Don't tell me may gusto si Jacob sayo kaya ginawa niya 'yun? You know me Samantha, matagal na nila akong Fan pero hindi ko siya nakitang ganito kaseryoso."

Natawa ako dahil sa sinabi niya. "Ako gusto ni Jacob?" sabay turo pa sa aking sarili. "Ikaw na mismo ang nagsabi Angel na mahal pa ni Jacob ang babaeng kaibigan nila ni Mateo kaya imposible 'yang sinasabi mo."

"Malakas ang pakiramdam ko Samantha, 'wag mo siyang aagawin sa akin pati na rin si Mateo."

Umikot ang mata ko.

"Sayong sayo na sila, maubos man ang lalaki sa mundo hinding hindi ako magkakagusto sakanila. Period!"

"Good," ngumisi pa siya at umayos nang upo.

Muli akong napairap at napailing sa kan'ya. Imbes na sumandal ako sa bintana ay sumandal nalang ako sa balikat ni Klea na tahimik pa rin ngayon.

Mabilis ang naging biyahe at ako ang inunang inihatid dahil ako ang may pinakamalapit na bahay.

"Thank you, Klea."

Sabay kaway sa kanilang dalawa pero tanging si Angel lamang ang kumaway sa akin pabalik at diretso lang ang tingin ni Klea sa daan.

"See you tomorrow," sabi naman ni Angel bago umandar ang sasakyan.

Pinagmasdan ko ang sasakyan nila hanggang sa makalayo na ito, napabuntong hininga ako dahil pansin ko na may problema talaga si Klea. Minsan ay lagi nalang siyang tatahimik na dating hindi naman niya ginagawa.

Pumasok na ako ng loob at nadatnan si Mommy na nanood sa sala.

"Good evening, Mommy."

"Ginabi ka ata ngayon anak, kumain ka na ba?" saglit nila akong sinulyapan.

"Nagkayayaan lang po kami na gumala nila Klea at Angel, Mommy, saka busog pa po ako."

"Oh siya sige, umakyat ka na at magpahinga."

Tumango ako at umakyat na. Hindi ko namalayan na nakatulog agad ako dahil sa pagod. Nagising lamang ako dahil sa katok ni Mommy.

"Anak gising na, baka malate ka sa school," rinig kung sabi nila at nang sinilip ko ang orasan ay alasyete na pala.

Hirap pa akong bumangon bago pumasok ng banyo para maligo. Buti nalang at biyernes ngayon at alas otso pa umpisa ng klase ko.

Matapos ay bumaba na para kumain.

"Tumawag sa akin si Tita Belle mo, hindi daw sinasagot ni Mateo ang tawag niya. Okay lang daw ba siya school?"

Sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya ay bigla nalang kumakabog ang dibdib ko, hindi na ito tama.

"Opo Mommy," maikling sagot ko.

"Minsan yayaain mo siya na dito na kumain para hindi siya palaging nag iisa sa bahay nila."

"Sa condo niya na po siya nagsstay Mommy."

Napaangat sila ng tingin sa akin at doon nanlaki ang mata ko dahil sa sagot ko.

Peke akong umubo.

"Bakit pumunta ka na ba ng condo niya?" agad akong umiling.

"N..no Mommy, narinig ko lang po na sinabi niya," kabado kung sabi. "Alam niyo naman Mommy na kaklase ko po siya."

Tumitig sa akin si Mommy bago unti unting tumango. Binilisan kung kumain para makaalis na at makaiwas sa tanong nila.

"Nga pala wala si Nald ngayon anak para maghahatid sayo, humingi kasi siya sa akin ng isang linggong leave."

"Bakit daw po, Mommy?"

"May sakit kasi ang anak niya at walang mag aalaga. Ako nalang maghahatid sa'yo."

Agad akong umiling.

"Wag na po Mommy, saka miss ko din pong maglakad papuntang school."

Hindi naman kasi talaga kalayuan ang school mula sa bahay namin. Gusto lang talaga ni Mommy na hatid sundo ako para sa kaligtasan ko.

"Matagal tagal na rin na hindi kita hinahatid anak," pilit ni Mommy.

"Next time nalang po Mommy."

Tumingin ako sa relo na nasa pulsuhan ko at may tatlumpong minuto pa ako bago mag umpisa ang klase.

"Ganito nalang anak, sa tuwing pag uwi mo nalang kita susunduin?"

Ngumiti ako at tumango. "Okay po."

Matapos kumain ay nagpaalam na ako. Kinuha ko ang cellphone at earphone ko sa bag saka inilagay sa tenga bago inumpisahan maglakad.

Gustong gusto ko talagang naglalakad ako papuntang school dahil paborito kung daanan ang park at tumigil para pagmasdan ang mga batang naglalaro.

Sinipa sipa ko ang batong maliliit na nadadaanan ko at hindi ko alam pero malawak ang ngiti ko habang ginagawa iyon at minsan naman ay napapasabay pa ako sa kanta.

Napatingin ako sa mga taong nagbibisikleta at biglang pumasok sa isipan ko na todo ang iyak ko noon dahil nahulog ako sa bike habang tinuturuan ni Mommy.

Hindi ko namalayan na napatigil na ako sa paglalakad at nagulat ng may gumuyod sa aking pulsuhan.

Napakurap kurap ako at tila nagslow mo ang lahat ng maramdaman ang kamay na pumalibot sa aking baywang.

Ramdam ang mabilis na kabog ng dibdib ko na tila nakikipagkarera sa sobrang bilis nito ng hinawakan niya ang balikat ko at iniharap.

Unti unti akong nag angat ng tingin at napasinghap ng makita kung sino ang gumawa nun. Napaatras ako ng tinanggal ni Mateo ang earphone sa tenga ko at galit na tumitig sa akin.

"You almost get hit by a bike," at tinignan ang bisikleta na nakalagpas na sa amin.

Paano niya nalaman na andito ako?

Hindi ko siya pinansin at nag umpisa ulit maglakad. Nasaan ang babaeng kasama niya? Bakit hindi niya kasama ngayon? Ano bang pake ko, magsama silang dalawa.

Napapikit ako ng mariin dahil sa mga pinag iisip ko.

"Where are you going?" hinarang niya ang dinadaanan ko at mas lalong sumeryoso ang kanyang mukha.

"Ano bang pake mo kung saan ako pupunta. Umalis ka nga!" sabi ko at nilagpasan siya pero hinila niya ang pulsuhan ko at muling napaharap sa kan'ya.

"Why are you avoiding me?"

"Talagang iiwasan kita dahil wala ng rason para lumapit sa'yo."

At muling nagpatuloy sa paglalakad.

"Samatha!" tawag niya.

Kinagat ko ang labi ko at muling humarap sa kan'ya para tantanan niya na ako.

"Please lang Mateo, 'wag mo na ako kausapin dahil tahimik na ang buhay ko."

Kita ko ang pagsarado ng kan'yang kamao.

Magsasalita sana ulit siya ng saktong may dumaan na taxi sa harap ko ay agad ko itong pinara kahit malapit na ako sa school. Pagkapasok ko ay agad akong tumingin sa bintana  at nakitang nakatingin din siya sa sasakyang sinakyan ko ngayon.

Napabuntong hininga ako at umayos ng upo at tinakpan  ang aking mukha gamit ang kamay ng may nagsalita.

Napaangat ako ng tingin dahil sa boses na iyon.

"LQ?" sabay ngisi pa nito.

Napanganga ako ng makita kung hindi lang pala ako ang sakay ng sasakyan.

Sa dami ba naman ng makakasakayan ko ngayon ay si Jacob pa.

I Wish It Was Me (Book 1)Onde histórias criam vida. Descubra agora