Swerte? Baka malas.

Nawala ang tingin ng lahat sa kanilang dalawa nang pumalakpak si Sir Fred para makuha ang attention namin.

"Okay, dahil nandito na ang lahat. You are going to play a volleyball and basketball. For girls, I'll divided you into two groups while for boys you will combined into other blocks since kukunti lang kayo. Understand?"

Sabay sabay kaming sumagot.

"For girls, here are the list of your groups," sabay taas sa papel at binigay Kay Clarise, ang Class President namin.

Siya ang naatasan na ayusin ang groups habang abala sila na pumunta sa ibang blocks para sa makipag combined sa basketball.

"Ano ba 'yan, bakit ako ang nahiwalay sa atin," maktol ni Angel nang binanggit na ang mga magkakagrupo.

"Doon ka na sa team mo," taboy ko habang natatawa.

Inirapan niya lang ako at pumunta na siya sa kabilang team.

Tumayo na kaming dalawa ni Klea at pumunta naman sa kagrupo namin. Kaming mga babae ang mauunang maglalaro at susunod ang mga lalaki.

Buti nalang at kahit papaano ay magaling ako sa volleyball. Pumito si Sir Fred, senyales na kailangan na naming pumwesto.

"Goodluck babe. I love you!" sigaw ng isang kaklase namin habang nakatingin ito kay Mia na kagrupo ko.

Natawa ang lahat dahil sumasayaw sayaw pa ito at tinuturo turo pa si Mia.

"Gelo tumigil ka nga! Ang daming tao!" sigaw naman ni Mia pero halatang kinikilig.

Napangiti ako dahil ang cute nilang tignan na dalawa.

Pero agad ding nawala ng pakiramdam kung may nakatitig sa akin. Nang tinignan ko iyon ay si Mateo pala.

His eyes darkened as he looked at me, and I saw him lick his lower lips.

Napalunok ako at napaiwas ng tingin.

"Goodluck everyone. Just enjoy this game, don't take it seriously," sigaw ni Sir Fred at muling pumito na hudyat ng umpisa na ang laro.

Habang naglalaro ay hindi ako makapagpokus dahil ramdam ko pa rin ang titig ni Mateo.

Kailan ba siya titigil kakatitig?

"Samantha! Focus!" napatingin ako sa leader ng group namin na si Miel.

Tumango ako at inisip na hindi nakatingin sa akin si Mateo.

Maganda ang daloy ng laro at ilang beses pa akong natumba sa sahig dahil palaging sa akin papunta ang direksyon ng bola.

Malalakas na hiyawan ang naririnig namin ng naging tabla ang score.

"Watch out Klea!" sigaw muli ni Miel.

Napatingin ako kay Klea na parang naging balisa. Saktong nagkaroon ng short break ay agad ko siyang nilapitan.

"Klea, are you okay?"

"Hah? Oo naman."

Naningkit ang mata ko at may tinitigan sa likod ko ng tinignan ko iyon ay gulat ako ng makita si Jacob na nakakatitig sa direksyon naming dalawa.

"Miel pwede bang si Vea muna ang pumalit sa akin?" nawala ang tingin ko kay Jacob ng kausap na ni Klea si Miel.

"Oh sige, pansin ko rin na medyo hindi ka makapagpokus sa laro. Umupo ka muna at sasabihin ko kay Vea," tumakbo si Miel papunta kay Vea na kasalukuyang umiinom ng tubig.

"Okay ka lang ba talaga Klea?" paninigurado ko.

Tumango siya at maliit na ngumiti. "Oo naman. Sige na at tinatawag na kayo ni Sir, doon na ako," turo niya sa bleachers.

Tinapik niya ang balikat ko at umalis na, napabuntong hininga ako at muling pumwesto.

Mabilis natapos ang laro at habol habol ko ang hininga habang umiinom ng tubig, matapos ay pinunasan ko ang pawisan kung noo.

"Congrats!" sabi ko kay Angel nang lumapit siya para kunin ang tubig sa kamay ko.

Ang team nila kasi ang nanalo.

"Congrats sa ating lahat," sagot niya pabalik at umupo sa tabi ni Klea.

Napatalon ako sa gulat ng biglang nagsihiyawan ang lahat.

"Go Jacob! Go Mateo!"

Inilibot ko ang tingin ko at napanganga ng makitang may dala dala ng banner ang iba at patuloy na sinisigaw ang pangalan nilang dalawa.

Napatingin ako kila Jacob at Mateo na nasa gitna na ng court kasama si Sir Fred at ang mga makakalaban nila.

"Samantha, tabi diko makita."

Biglang hila sa akin ni Angel paupo at sabay labas rin ng cellphone niya at kinunahanan ng picture ang dalawa.

Umikot ang tingin ko dahil hindi talaga namin siya mapipigilan na gustuhin ang dalawa.

Nasa gitna na ang dalawang grupo at hawak hawak na ni Sir Fred ang bola. Mas lalong lumakas ang hiyawan ng pinakawalan na sa ere ang bola at ang nakasalo nito ay si Mateo.

Sobrang seryoso ng mukha niya habang dinidrible ang bola papunta sa kabilang court gulat ako ng kahit malayo palang ay agad niya itong shinoot.

Magaling rin pala siyang magbasketball.

"Ahhhhhh! Go mateo!" hiyawan ng lahat ng makashoot siya.

Napangiti ako dahil sa galing niya at kahit gustuhin kung panoorin din ang iba pero tila nakapokus lang ang mata ko sa kaniya.

"Angel pahingi ng tubig," sabi ko pero ang tingin ay nasa court pa rin.

"Angel!"

Lumingon na ako at panay pa rin ang pagkukuha niya ng picture napatingin naman ako kay Klea na hindi mapakali ang mata habang nanonood. Iniwas ko na ang tingin ko sa kan'ya at inabot ang tubig sa hita ni Angel.

Ngayon naman ay hawak na ni Jacob ang bola at napansin kung isang direksyon lamang ang tinitignan niya, kay Mateo. Para bang may tensyon na namamagitan sa kanilang dalawa.

"Jacob ipasa mo na kay Mateo 'yung bola!" sigaw ng babae sa likudan namin.

Napasang ayon ako roon dahil si Mateo ang pinakamalapit sa ring at kapag pinasa ito ay makakapuntos sila.

Pero gulat ang lahat dahil imbis na ipasa niya ang bola ay dinribble niya ang bola papunta sa pwesto niya at siya mismo ang nagshoot nito na dahilan ng pagkatabig niya kay Mateo na mas lalong nagpalakas ng hiyawan.

Sabay kaming napatingin ni Angel kay Klea sa biglaang pagtayo niya, pati ako ay gulat sa nangyari dahil napaupo sa sahig si Mateo.

Napakuyom ang kamao ko dahil sa ginawa ni Jacob. Magkagrupo silang dalawa hindi niya dapat ginawa iyon.

Sinundan ko ng tingin si Jacob na papalapit sa kan'ya sabay lahad ng kan'yang kamay para tulungan siya sa pagtayo, pero binalewala ito ni Mateo at tumayo mag isa.

Kita ko rin ang pagkuyom ng kan'yang kamao bago tumingin sa banda namin at hindi ko mawari kung ako ba ang tinitignan niya o hindi.

"Mateo," mahinang sambit ni Klea na umabot pa sa pandinig ko.

Napatitig ako sa kan'ya sandali at lumipat ang tingin kay Mateo. Hindi ko alam pero may naramdaman akong kakaiba dun. Tila kilala nila ang isa't isa sa titig na iyon.

I Wish It Was Me (Book 1)Where stories live. Discover now