"Alam ko bati na tayo," sabi niya. "Pero gusto ko lang makita 'yang ngiti mo."

Parang mapupunit na ang labi ko sa sobrang lawak ng ngiti ko. Una 'yung mga text niya kagabi tapos ngayon naman ito? Ginamit kong pantakip ng kinikilig kong ngiti 'yung Cloud 9. "Thank you."

"You're welcome," sagot niya bago i-pat ang ulo ko. "Mauna na ako ah? Paki pasok nalang 'tong bag ko."

"Saan ka pupunta?" tanong ko. Ibinulsa ko 'yung Cloud 9 bago kunin sakanya ang bag niya.

"Kay James lang saglit," sagot niya. "May.. chiks kasi dun sa classroom niya."

Napawi ang ngiti ko. "Chiks?"

"Savannah pangalan," sabi niya. "Nakita mo na 'yun? Tangkad. Maputi."

"H-Hindi pa."

"Tuturo ko sa'yo mamayang flag ceremony."

"Okay."

Ngumiti si Asher at muling pinat ang ulo ko. "Kita nalang tayo mamaya. Enjoy mo 'yang Cloud 9 mo."

Hindi ko na magawang sumagot dahil parang binibiyak ang puso ko. Umasa ka nanaman kasi, sabi ng isang boses sa isipan ko. Kala mo naman gusto ka na niya. Binigyan mo nanaman ng malisya ang mga kilos niya.

Hindi kaagad ako nakaalis sa pwesto ko kahit na umalis na si Asher. Nagawa ko lang gumalaw nang may humawak sa braso ko. "Adrianna, tulala ka jan?" tanong ng kaklase kong si Kei. Nakatayo siya sa harap ko ang nakakunot ang noo.

Ngumiti ako at mahinang tumawa. "M-May iniisip lang."

"Okay ka lang?" tanong niya at tumango lang ako. "Sure ka?" pangungulit niya.

"Oo naman," sagot ko sakanya. "Wag mo na akong pansinin."

"Para kang mulala jan eh."

"May iniisip nga lang ako," sabi ko.

"Sino? Si Asher?"

"Huy," sinundot ko siya sa tagiliran. "Wag ka ngang maingay. Hindi noh."

Binigyan niya ako ng isang nang aasar na ngiti. "Kunwari ka pa. Alam naman ng lahat na may HD ka sa bestfriend mo."

Kinabig ko ang braso niya. "Kei, 'wag ka ngang maingay!"

"Wala naman nakakarinig eh. Ang hina hina ng boses ko."

"Mamaya-" Natigilan ako at pati na din si Kei nang marinig namin ang pagkanta ni Angelo. Nagkukumpulan parin sila doon pero medyo nabawasan na dahil malapit ng mag-bell.

"Give me love like her... 'cause lately I've been waking up alone." Rinig kong pagkanta niya. Hindi ko nakikita ang mukha niya dahil sa dami ng nakaharang ngunit dahil sa pagkatahimik ng buong silid ay rinig na rinig ko ang boses niya. "Paint splattered teardrops on my shirt, told you i'd let them go."

"Si Angelo ba 'yun? 'Yung bago?" tanong ni Kei at sabay kaming lumapit sa kumpulan.

"Oo," sagot ko. "Ang ganda ng boses niya noh?"

"Nakaka inlove."

Tumango ako at nagpunta na sa upuan ni Asher para ibaba ang bag niya bago bumalik kina Angelo. "Give a little time to me or burn this out. We'll play hide and seek to turn this around. All I want is the taste that your lips allow." Umupo ako sa tabi niya at saglit niya akong tinignan bago ngitian. "My, my, my, my, oh give me love"


ASHER

Tinitigan ko ang magandang mukha ni Savannah. Napaka kinis ng mukha. Para siyang artista tapos ang haba ng pilik mata. Walang suot na kahit na anong make-up pero nakaka bighani parin. Ni hindi ko na magawang pakinggan ang mga sinasabi niya. Importante pa ba 'yon? Mukha niya palang sapat na.

"Akala ko may girlfriend ka na," narinig kong sabi niya kaya naman nabalik ako sa tamang pag-iisip.

"Ha?"

"Diba? Hindi mo ba girlfriend 'yung kasama mo yesterday?"

Nangunot ang noo ko at nagtataka akong napatingin kay James. Nagkibit balikat siya. Tinignan ko ulit si Savannah. "Sino?"

"I don't know her name," sagot niya. "Pero kahapon nung uwian-"

"Maitim?" tanong ko kasabay ng pagtanong ni James ng, "Yung maganda?" Sinimangutan ko siya.

"You were with her nung uwian," sabi ni Savannah.

"Hannah o Adrianna," sabi ko. "Kaibigan ko lang 'yung dalawang 'yon."

"Ah, really?" Parang nahihiya niyang tanong pero alam kong natutuwa 'to na malamang single ako. Kinamot niya 'yung ulo niya. "You were holding her hand kasi.."

Adrianna

Tumawa ako. "Wala 'yun. Parang nakababata ko na kasing kapatid 'yun."

"Oo," pag kumpirma ni James. "Magkaibigan lang sila."

"Ahh okay okay," mahina siyang tumawa. "Sige pala."

Ngumisi ako. "Ikaw single ka naman diba?"

"Single na single."

"Good," napatawa ako. May pag asa. Napaka laking pag asa. "Good."

Ibinuka ni Savannah ang bibig niya para magsalita ngunit biglang tumunog 'yung bell. Napatingin ako sa taas bago kay Savannah. "Sabay na tayo bumaba?" tanong ko.

"Sure," ngiting sagot niya.

Ang ganda talaga.

A & AWhere stories live. Discover now