"Oh?" Tumawa si Enrico.

Tumango ako. "Sundin nalang natin at baka mamaya ma flying kick tayo."

Nagpaalam na ako sakanila at ang huling narinig ko ay si James na pinagsasabihan sila na 'wag tawanan si Adrianna.

• ADRIANNA •

Gumalaw ang upuan sa tabi ko at naamoy ko ang pabango ni Asher. Nanatili akong nakayuko, inaantok parin dahil sa subject naming Math at Physics. 'Yung mga subject na 'yun dapat i-ban sa umaga! Sobrang nakaka antok. Unang araw ng klase, 'di ba dapat puro pagpapakilala at paghahanda lang ang ginagawa namin? Pero hindi. Naglesson kaagad si Ma'am Catacutan tungkol sa vector vector at scalar something something.

Nakakantok talaga.

Hindi ko pa seatmate si Asher. Ginawang alphabetical ang seatingg arrangement namin kaya magkalayo kami dahil M siya at G naman ako.

"Sprite mo oh," sabi ni Asher at naramdaman ko 'yung malamig na plastic ng sprite na dumikit sa balat ko.

Inilayo ko ang braso ko sakanya at nanatiling nakayuko. "Malamig," sabi ko.

"Kunin mo na," sabi niya. "Iinuman ko 'to."

"Wag." Dumiretso na ako at kinuha sakanya 'yung inumin. "Meron ka ng sa'yo eh."

Nginitian niya ako at wala ng sinabi. Nakatingin lang siya at nararamdaman ko nanaman ang puso ko na natutunaw kaya sinimangutan ko siya. "Anong tinitingin tingin mo dyan?"

"Wala lang," sagot niya bago alisin ang tingin niya para kumain.

Kinalma ko ang nagwawala kong puso at kinagat ang loob ng pisngi ko. "Ako walang chi-chirya?" tanong ko sakanya.

"Kulang pera ko e," sabi niya. "Gusto mo v-cut?"

"Ayoko 'yan," sagot ko. "Gusto ko ng matamis ngayon. Fudge bar ganon."

"Bumili ka."

Nangalumbaba ako, "Nakakatamad bumaba."

"Oh edi magutom ka."

Nag pout ako bago isandal ang ulo ko sa balikat niya. Tahimik lang kami, si Asher nagte-text habang ako naman ay pinapanood ang mga kaklase namin.

Nasa may teacher's table nakatambay ang mga dati ko pang kaklase. Mula first year kasama ko na sila pero kahit ganun ay hindi ko sila gaanong ka-close. Si Tris, Ethel, Kei at 'yung tatlong lalaki na si Kris, Henry at Jared. Masaya sila at maingay, parang ang sarap makisama.

"Maganda 'yun noh?" biglang tanong ni Asher.

"Sino?"

Ginalaw niya 'yung balikat niya kaya inalis ko 'yung ulo ko sa pagkakasandal dito. "Ayun oh, 'yung transferee. Anong pangalan niya?"

Sinundan ko 'yung direksyon ng mga mata niya at nakita 'yung isang transferee-ng babae na mahaba ang buhok. May itsura siya kahit na may ilang tigyawat siya sa noo tapos maputi.

"J something," sagot ko kay Asher kahit naninikip ang dibdib ko sa selos. "Jessa yata."

"Panira lang 'yung tigidig niya sa noo."

Kinagat ko 'yung ibabang labi ko para hindi matawa at isinangga ang balikat ko sa balikat niya. "Bad ka."

Umabante siya sa upuan niya at sinilip ang mukha ko. "Bakit?" tanong ko at medyo namilog ang mga mata nang haplusin niya 'yung pisngi ko.

Oh my shit, this guy. Hindi niya ba alam ang epekto niya sakin? "Makinis na mukha mo noh?" tanong niya. Nahihirapan akong huminga. Ang lapit ng mukha niya. "Dati may pimples ka din eh." Inalis niya 'yung kamay niya at inilipat 'to sa mukha niya. "Sakin ba makinis?" tanong niya bago kunin ang kamay ko para haplusin ko din 'yung mukha niya.

"Matagal ka ng makinis," sabi ko at inalis 'yung kamay ko sa mukha niya dahil baka maramdaman niya ang panginginig ko. "Kahit kelan yata hindi ka nagka tigyawat."

Ngumiti siya, "Kaya pogi ko 'di ba?"

"As if!"

"Sus, kung alam ko langー"

"Sher!" sigaw ng isang tao na nasa pintuan ng classroom namin. Sabay kaming napalingon ni Asher at nakita si James na nakatayo doon. "Eto na 'yung fudge bar mo oh," sabi niya habang pumapasok ng classroom. "Otso ko?"

"Bigay mo kay Adrianna," sabi ni Asher. "Siya may gusto nyan eh."

Gulat kong tinignan si Asher. "Nagpabili ka?"

"Oo," sagot niya. "Tinext ko siya. Nasa baba pa naman siya kanina kaya ayos lang. Otso daw, bigyan mo."

"Waaah thank you!" Nakangiting sabi ko kay James bago kapain 'yung bulsa ko para sa barya.

"Ah, 'wag na!" Sabi ni James kaya naman napatigil ako. "Para sa'yo pala. Libre nalang."

"Talaga?" tanong ko.

"Oo, otso lang naman eh."

"Hala, salamat."

Nginitian niya ako, "Wala 'yun. Sige na, punta na ako sa room ko."

Kinuha ko na 'yung fudge bar sakanya. "Thank you ulit!" sabi ko bago masayang sumandal sa balikat ni Asher. Tinanguan kami ni James bago maglakad palayo.

"Masaya ka na?" tanong ni Asher. "Naka libre ka pa."

"Oo, kanina pa ako nag c-crave dito."

Umalis ako sa pagkakasandal kay Asher at binuksan na 'yung fudge bar. Kumagat ako kaagad at feeling ko nasa heaven na ako sa sarap nito.

"Pahingi nga ako," sabi ni Asher kaya naman nilapit ko sakanya 'yung pagkain. Gamit mga daliri niya, kumuha siya ng konti. "May tanong ako."

"Ano?" tanong ko bago kumagat.

"Sino 'yung gusto mo?"

Sinimangutan ko siya. "Tigilan mo na nga ako jan," sabi ko kahit puno pa ng pagkain ang bibig ko.

"Ba't ba ayaw mong sabihin sakin?"

"Eh kasi ayoko."

Ayokong malaman mo na ikaw ang gusto ko dahil sigurado ako na kapag nalaman mo, lalayuan mo na ako. Ayoko. 'Di bale ng nasasaktan, atleast nandyan ka parin.

A & ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon