Epilogue

40.7K 1K 49
                                    

Kung hindi niyo pa napag-aaralan ang periodic table, bawal basahin. Char.


Clare's POV:

"Tita Ninang, when will be your day off? Mag-papasama po sana akong mag-mall kay Ate Lianne." agad akong napatingin sa kanya.

"Why naman? You can always go to the mall with her, kahit na wala ako." I told her and she just shrugged.

"Wala po. Baka po kasi gusto niyong sumama nila Mommy. You know...  Shopping." natawa naman ako sa sinabi niya, dahil kapag sinabi nila ang 'shopping' dapat ko nang ihanda ang wallet ko.

"Ay sus! Oh sige. Wala akong duty sa Saturday or Sunday. Nasa dalawang araw na 'yon. We'll see nalang." sabi ko kaya agad naman siyang humalik at umalis na para umuwi sa kanila na katapat lamang ng bahay namin.

It's been a decade and three since Blue and I re-married each other. I enjoyed every bit of it. I was so happy to have him in my life. To have my twins, my friends and my whole family.

I'm spacing out when my phone rang. Sinagot ko ito at napag-alamang si Keith, ang secretary ko ang tumatawag.

"Doctora, may appointment po kayo today." I checked the calendar at napag-alaman kong Thursday na pala ngayon. It's been two days since natapos ang Christmas.

"Oh, okay. Gonna be there later. Magp-prepare na'ko." paalam ko at ibinaba na ang tawag.

Agad kong isinara ang librong binabasa ko mula kanina bago dumating si Andra. Agad akong um-akyat sa kwarto at pumasok. Agad kong narinig ang laguslog ng tubig sa bathroom.

It's my husband.

Normally, mas maaga siyang nagigising. Hindi ko alam ngayon, bakit. Baka napagod kagabi.

Agad na akong namili nang susuotin ko, pagkatapos ay ilang minuto pa, lumabas na ang asawa ko mula sa banyo na tanging twalya lamang ang nakapulupot sa bewang nito.

Hot.

It's been thirteen years, but here I am... Still enjoying and savoring my favorite view. Hindi nabawasan, lalong nadagdagan ang pagmamahal, admiration... Lahat.

Ang bilis ng panahon. Hindi ko namamalayan, mas matangkad na sa'kin ang mga anak ko. Sobrang laki na ng pinagbago nila, pero they still remain as my sweet babies.

Hindi pa nasusundan sina Lianne at Matthew for an acceptable reason. I studied medicine. In my whole life, never kong na-imagine na magd-Doctor ako. Hindi sumagi sa isip ko.

But here I am now, advising patients...

"Good morning there, my sunshine." agad naman akong ngumiti at sinunggaban siya ng halik.

Bago pa lumayo ang nangyayari ay ako na ang unang lumayo. May trabaho siya, ganun din ako. There's always a time for us to do this, and we both know that. We both know our limitations. Pero minsan talaga, nakakagigil.

"Bakit hindi mo'ko ginising? Para sana sabay tayo, kahit sana sa pag-ligo man lang..." he teased.

"Oh gosh. You really really are upgrading everyday. Ang dami mo nang nalalaman." sabi ko saka umiling habang napapangiti.

"Kung maka-tanggi ka akala mo naman hindi pa natin na-experience." namula naman ako na parang teenager.

Clare, duh...

"Kailan ba ako tumanggi? Just so you know, you're irresistible--- ops, inunahan lang kita bago mo sabihin na hindi lang kita matiis." sabi ko dahil alam na alam ko na ang mga bukam-bibig niya.

The Real Revenge (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant