Chapter 34

37.8K 1K 51
                                    

Blue's POV:

"Clare, I'm sorry. Hindi ko sinasadya na--- shit." Dahil sa ginawa kong pagmumura ay napatigil ang dalawang bata sa paghahabulan at napatulala sa akin.

"Why is he saying bad word, Mwamie?" Tanong ng babaeng bata at nakita ko ang paghila ni Clare sa mga bata tungo sa likod niya.

"Lewis, look! Your rare eyes is like his." Paninita ng batang babae. She's talking about my eyes and a baby boy beside her.

"Lewis?" wala sa sariling napabanggit ako sa pangalang binanggit niya. That's my second name.

"Mommy?" I repeated.

Anak ni Clare ang mga 'to? Pero paanong--- kailan?

Kanino?

Bakit?

"Is she you Mommy?" I asked.

"Yes, she is our prettiest, and kindest mom ever!" Masiglang sabi ulit ng batang babae. Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko, gusto kong sumaya dahil baka anak namin ang mga 'to. Ngunit impossible, dahil kambal sila. Pero things can happen. I was this guy who left her behind when she needed me the most.

I sucked and still sucks.

Naglakad ako papalapit sa mga bata, para makumpirma ang pakiramdam ko, Habang papalapit ako sa kanila ay parang tumatalon ang puso ko at hindi ako mapakali. Ang saya sa pakiramdam.

Ngunit bago pa ako makalapit nang tulutuyan, itinulak ako ni Clare palabas.

"Blue ano ba?! Trespassing ka ha?!" I didn't even blink. Instead, naglakad ako ulit at lumuhod upang makapantay ang dalawang bata.

"Baby girl, who's you Daddy?" I asked wishing for her to say it's me.

"My Daddy Zach, of course." Sabi nito at ngumiti. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, pati paghinga ko ay nakalimutan ko nang gawin. Ang sakit, hindi ko alam kung paano ako mag-react.

"Clare, si Z-zach ba?" Tanong ko samantalang hindi naman siya makapagsalita. Sana naman hindi niya ipagkait ang karapatan ko para makilala ang mga anak ko, sana naman wag niyang pagtakpan at sabihin na ang totoo.

"Clare sumagot ka naman p ut angina!" Sigaw ko dahilan para mapa pitlag siya. Kasunod naman 'yon ay naramdaman kong may sumipa sa paa ko. It was the little guy who has the same eyes as me.

"Don't you dare shout at my Mom again!" Sigaw nito.

"If you can't believe that Daddy Zach is our Dad, leave." Sabi nito kaya naramdaman ko ang luha ko na gusto nang mag-unahan sa pagpatak.

"What?" Hindi ako makapaniwalang ganito napalaki ni Clare ang mga anak niya. She did a job well done.

"Dad was the one who took care of us since day one." Sabi nito.

"Sinong tatay nila Clare? Magsabi ka ng totoo.."

Ginagawa ko ang lahat upang mapanatili ang sarili kong mahinahon, dahil baka hindi ko makontrol ang sarili ko.

"Umalis ka na, Blue bago pa ako tumawag ng security guard. Lumayas ka rito!" Sigaw nito sa kin habang pinupunasan ang luha niya na tumutulo mula kanina.

"Nanay! Paki pasok naman po sa kwarto si Lee and Matt, please?!" Agad naman kinuha ang mga bata at dinala nga sa kwarto.

"Hindi ako aalis rito hangga't hindi mo sinasabi sa akin ang totoo, Clare. I won't buy any more lies from you." I said and she sarcastically laugh.

"Nabuntis ako at nang araw na makita mo kami sa hospital sa Italy, I just gave birth to them. In short, lumandi ako sa iba pagkatapos kong mawalan ng anak!! Ano pa, Blue? Ano pa ang gusto mong malaman?!" she yelled, I didn't answer and just let her finish talking.

The Real Revenge (COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara