Chapter 15

41.6K 1.1K 46
                                    

Clare's POV

"Anong kaya pala?" tanong ko ka Blue habang pinupunasan ang mga luhang nakatakas sa mga mata ko. Nakita kong umigting ang panga ni Blue.

"Kaya pala nakipag hiwalay ka sa'kin, dahil may bago ka na. Nakahanap ka na pala ng papalit sa'kin." Hindi ako makapaniwala na ganito siya kababaw mag-isip.

"Blue, ang babaw mo---"

"Mababaw? I'm not! We lost our kid, tapos ngayon malalaman ko na may bago ka na? Huwag mong sabihing naging pabaya ka, dahil busy ka sa kalalandi---" sa sinabi niyang iyon agad akong lumapit sakanya at binigyan siya ng isang malakas na sampal.

"How dare you to judge me that easily after you left me and when you don't even know the truth?!" hinawakan niya ang parte nang pisngi niya kung saan dumapo ang kamay ko.

"I now know, Clare. I don't need to hear more. So what more about the truth are you talkin' about?" Kalmado, ngunit alam kong galit na tanong niya sa akin.

Maya maya'y biglang bumukas ang pinto ng ER at lumabas ang isang doctor habang nagtatanggal ng hospital mask niya.

"Who's the guardian of Ms.Shin? She's now okay." Napangiti ako ng mapait at agad natumulo ang luha ko. Kaya pala siya nandito nang dahil kay Kina? Napakasakit lang kasi ako na asawa niya na may dalawang anak sakanya hindi man lang niya kinamusta. Nagsisisi ako na tinago ko ang katotohang buhay ang kambal, pero paninindigan ko 'to hanggang kamatayan lalo na ngayong ganito kakitid ang utak ni Blue.

"Kaya pala pinirmahan mo lang ng isang segundo ang annulment paper nang dahil sa mahal mo na pala ang lumalandi sa'yo. Fck, Blue. Shit ka. Ang sakit mong manakit.." pinunasan ko ang luha ko.

"Huwag kang umasta na parang ako ang may kasalanan dito Ms. Kampuchea, dahil in the first place naging pabaya ka. Hinayaan mong mamatay sa sinapupunan mo ang anak ko at nag pa-file ka ng annulment, dahil may bago ka na. Kaya don't you ever act like I'm the only one to blame here." Sinampal ko ulit siya. Walang hiya siya.

"Ang kapal mo..." pabulong ngunit masakit na sabi ko.

"Clare, ano bang meron 'yang lalaking 'yan na wala ako? Sabihin mo nga! May pera naman ako, gwapo rin naman ako, magaling naman akong humalikat lahat lahat na at higit sa lahat, mahal naman kita. So ano pa, Clare?!" Walang patid na sabi niya.

"Tiwala, Blue." I said and he cussed under his breath.

"Tiwala ang mayroon siya na wala ka. Kung nagtiwala ka sana noon sa akin--- or should I say sa relasyon natin, masaya, nagmamahalan at buo parin sana tayo ngayon. But no, Blue! Hinayaan mong makain 'yang tiwala mo sa takot na baka mawala kami sa'yo. Takot na takot ka kasing sumugal. Ang akala mong magliligtas sa atin ang sumira sa kung anong meron tayo. Bumitaw ka, kaya huwag na huwag mong isusumbat sa akin na naging pabaya ako!" matapos kong sabihin lahat nang iyon, biglang humilab ang tahi ko.

"Wala akong pakialam, Clare! Kakawala lang ng anak ko sa tiyan mo, may boyfriend ka na agad? Hindi ka man lang nahiya..." May pandidiri sa kaniyang mukha.

As much as I wanna say that Zach Butterfield is not my boyfriend, huwag nalang.

Kung alam mo lang ni Blue kung gaano kahirap ang dinanas ko. Darating ang araw na malalaman rin niya at mararamdaman kung gaano kasakit ang maiwan na walang matitira sa'yo, kahit pa ang sarili mo.

----

Hanggang ngayon ay nanginginig parin ako sa galit, sakit at hinagpis. Hindi parin tuluyan na ma-absorb ng utak ko ang mga salitang binitawan ni Blue. Sobrang sakit ng mga iyon na parang ako na ang pinaka marumi at basurang babaeng nakita't nakilala niya. Napakasama niya.

The Real Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon