Chapter 36

35.9K 952 36
                                    

Clare's POV:

"Tigilan mo si Clare, Blue!" Sigaw ni Zach at sinuntok si Blue na naka-ilag naman .

Bakit ba ganito na naman ang nangyayari? Hindi ba sila nag-iisip? Ginagawa ko ang lahat ng pagtitimpi, para walang eskandalong kumalat ngayon, dahil kasama ko ang mga anak ko, pero bakit ganito?

"Who are you to tell me that?! I'm her husband. You're nothing. You mean nothing to her." agad namang nakabawi ng suntok si Blue.

"How sure you are? I was there the whole time you weren't. When she needed someone the most, I was there, Blue. At ikaw, nasaan ka noong mga panahong 'yon? You left her, remember? You're the one who hurt her!" Nakita ko ang pagtulo ng luha ni Blue, parang tinutusok ang puso ko sa nakita ko.

Apat na taon na rin mula nang nakita ko siyang umiyak, at 'yon ay noong kasal namin. Bigla kong naalala ang saya noong magkasama kami. It was the best feeling I could ever feel. Si Blue lang ang nakapag-bigay non sa akin. The satisfaction. Even the hardest moment with him was the best of all the bests...

From the bottom of my heart, I still...

I still...

"Huwag mong isumbat ang mga nagawa mo. Wala kang alam sa nangyayari... Don't talk like you know everything about us... No matter what you say, that won't change the fact that she loves—"

"She loves you? Dream on. The right moment you left her, you lost a precious gem that was too good for you." Nakita ko rin ang pag patak muli ng luha ni Blue.

Nang masulyapan ko ang kambal nakita kong nag-tatalo pa sila kung sino ang kakampihan nila.

"Go daddy, Zach!!" Sigaw ni Lianne at may pa cheer-cheer pa.

"No, Lee! Go, Drunken Manster!" Sigaw naman ni Matt at itinulak pa ng kaunti si Lianne.

I was about to walk para puntahan si Blue at pagsabihan nang maunhan ako ni Kina. It was okay, right? That was just okay and understood. She's his fiancée. I have no right to tell her na huwag lapitan si Blue, but why?

Bakit nababasag nang maraming beses ang puso ko? Bakit nasasaktan akong nakikita ko silang magkasama?

Magkakasunod na patak ng luha ang pumatak mula sa mga mata ko. Agad ko naman itong pinunasan at tinulungan si Zach. Niyakap naman niya ako, kaya niyakap ko siya pabalik. Nakakita ako ng maraming camera ang nakatutok sa amin. Kaya humiwalay ako sa yakapan naming dalawa ni Zach. Akmang susugod ulit si Blue, nang pigilan ko na siya.

"Blue, enough... Ayusin mo naman ang sarili mo. Please... nandito ang mga anak ko." Nagsimula nang umingay lalo ang paligid. Pinipigilan ko parin ang luha ko, dahil ayokong magmukhang kawawa.

"S-Sorry." He bowed his head down. He looks miserable.

Lonely.

Empty...

"Excuse me, Clare... huwag ka ngang mag-panggap na ayaw mo na pinag-aagawan ka?! Dahil ang totoo, gusting-gusto mo naman! Malandi ka kasi!" Pagkasabi nito isang malakas na sampal ang natamo ni Kina mula sa akin. Dahilan para mapahawak siya sa parteng nasampal ko.

"Pasalamat ka hindi alam ng mga anak ko ang ibig sabihin ng sinabi mo sa akin na ugali mo naman talaga! Huwag na huwag mong ipapasa ang ugali mo sa iba, walang hiya kang ahas!" Sabi ko at ngumisi naman siya.

"Ah? talaga ba? Edi sige! Babies," Hinarap niya ang anak ko at nginitian nang peke. "Your mom is a... slut. So pretty little girl, never listen to your Mom, okay? You'll end up just like her. Such a pity..." tinulak ko siya palayo sa anak ko.

The Real Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now