Chapter 16

41.8K 1.1K 145
                                    

Blue's P.O.V. 

My days are dark, my nights are cold, my weeks are hell, and my year is broken. 

Tanging 'yan lang ang nararamdaman ko sa araw-araw ma nabubuhay ako dito sa mundong ibabaw.

Isang gabi na ang lumipas ngunit hindi ko parin talaga matanggap na ipinagpalit niya ako at pagkatapos nakipag hiwalay pa si Clare sa akin. Napakasakit, mas masakit pa nung sinabi niyang nawala na ang anak namin. Para na akong mamamatay sa sobrang wasak na nang puso ko, sana nga madaanan nalang ako nang truck mamaya kase wala nang dahilan para mabuhay pa ako, wala na...

"God, bakit sakin mo binigay sakin lahat 'to?" Tanong ko habang nandito sa waiting area malapit sa mga bagong silang na sanggol, "You've said that, lahat ng pagsubok na binibigay mo, kakayanin ko, pero bakit ganito? Parang mamamatay na ako sa sakit ng puso ko, wala parin nangyayari.." Isa akong parang ligaw na batang kinu-kwestyon ang Diyos sa mga bagay na kasalanan ko naman kung bakit nangyayari. Muli at pinunasan ang luhang patuloy na dumaloy sa aking pisngi.

"Diyos ko, ayokong sisihin ka pero bakit ganito? Dapat binalaan mo naman ako ganito ang mangyayari, para una pa lang sana hindi ko na ginawa kung ano sa tingin ko ang makakabuti. I should have chosen what would make me happy. I should've just became selfish..." I cried. Hindi maubos-ubos ang luha ko.

"Akala ko ang lahat ng sa tingin ko tama, magiging masaya ako o kahit isa lang sa amin ng mahal ko, ngunit mas maganda rin palang bumaligtad sa akala natin para sumaya. Mas maganda rin pala na lumaban lang nang lumaban sa isang larong umpisa palang talo ka na, dahil baka nga naman magtagumpay ka..." Suminghot ako at nakitang may dalawang sanggol na inilabas mula sa nursery ng hospital, "...Hindi ko naman alam na sa proseso ng paglaban ko, mawawala ang mga taong mahal ko na pinoprotaktahan ko." Napabuntong hininga ako sa kaguluhan ng buhay ko.

Kng alam ko lang, sana hindi ko na pinakawalan si Clare. Sana masaya kaming magkakasama ngayon na isang pamilya.

Putangina. Nakaka-gago.

Nang makalabas ang mga bata may nalaglag sa mga papel na hawak ng isang nurse, ngunit nang mapulot ko ito ay wala na sila. Nang makita ko ang nakasulat sa papel, pangalan ang mga ito na in-assume ko na pangalan ito ng mga bata.

Baby Matthew Lewis and Lianne Estelle Kampuchea

Kampuchea?!

Isa lang ang alam kong Kampuchea ang apelyido. Isa lang ang alam ko at alam ng Diyos kung sino ang tinutukoy ko...

Agad kong tinignan kung nasaan ang tatlong nurse na 'yon na may hawak sa mga bata, ngunit nawala na sila sa pangingin ko. Kumilos ako agad para hanapin sila sa loob nang hospital na 'to.

Malakas ang kutob ko na may kinalaman ang mga bata kay Clare...

Makalipas ang ilang pasikut-sikot na daang nadaanan ko ay nakita ko ang tatlong nurses na papasok sa isang office ng isang Doctor, kaya tumakbo ako ng mabili upang mahabol ko sila, "Excuse me..." Hingal na hingal na sabi ko bago niya mabuksan ang pinto nang clinic.

"Yes, sir?" Magalang na tanong nito habang may bitbit na folder na may lamang mga papeles.

"May I know who's the mother of those children?" lumungkot ang mukha niya. I don't feel she'd say anything good at this point, but I'm still hoping she would... at least.

"Sorry, but it's our job to keep our patients identities hidden. We're sorry, Sir." I wasn't planning to stop asking her, just because of their job. This is too important for me to know.

The Real Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon