Chapter 7

51.8K 1.3K 174
                                    

Third Person's POV

Tulala si Clare habang nakatulala lamang sa pader ng kwarto niya. Iniisip nito kung kailan siya makakabangon sa lahat ng problemang dinaranas niya ngayon.

Oo. Marahil may mga taong gumagabay sa kaniya, pero hindi naman sa lahat ng oras, kaya nila itong gabayan si Clare. May kaniya-kaniya rin silang buhay, kaya hindi niya na kayang umabala sa kanila, para dagdagan ang mga iniisip nila.

Nang makita niya ang larawan ni Blue kahapon sa nakita niyang cellphone, nabuhay ang sakit, pagmamahal at galit sa puso ni Clare. Mixed emotions ika nga nila.

Nagdesisyon siya na bumaba, dahil nakaramdam siya ng matinding gutom. Kahit wala siyang gana sa pagkain, pinipilit niya kumain ng marami para sa kambal niya.

Pagbaba niya, nadatnan niya sa sala si Shannen na nanonood ng TV. Dadaluhan sana niya ang best friend niya, ngunit narinig niya ang pangalan ng mga taong gusto na niyang ilibing ng buhay.

Parang sinasakal ang puso niya sa mga narinig niya, pero nang tinanong siya ni Sha kung kanina pa siya roon ay itinanggi niya. Ayaw niyang mag-alala pa sa kaniya ang kaibigan niya, dahil grabe na ang abalang nadulot ni Clare.

Niyaya ni Shannen na kumain si Clare na talagang pakay nito. Sumama naman si Clare, dahil kailangan na niyang kumain para sa kambal niya.

"Clare, nagtext si Doc Zach. May schedule ka mamaya ng check-up." nabigla naman si Clare, dahil sa pagkaka-alam niya ay nasa Pilipinas ang doctor niya.

"Huh? Eh 'diba nasa Pilipinas siya? Paanong may naka-scheduled akong check-up? Akala ko pa naman magpapalit na naman ako ng doctor." Sabi ni Clare at napangiti naman si Shannen.

"He told me na may hospital sila dito and 'yung branch muna nila here ang ipapa-prioritize niya. 'Yung partner niya muna 'yung mag-aasikaso sa Pinas. Tsaka malaki ang nakukuha nila rito, I think that explains why he's here..." Shannen said. Napanganga si Clare, dahil hindi niya inaasahan na ganoon kahaba ang paliwanag ni Shannen.

"Oh, I see.." tumango nalang ito bilang pagsagot.

Sa ibang parte naman, nae-excite si Clare. Sino naman ang hindi matutuwa sa ugali at itsura ng doktor niya? Gosh.. He's almost perfect!

"Babaita ka, 'yung mukha mo kamatis na." Panunukso ni Shannen. Kaya, inirapan niya na lamang si Shannen at nagpatuloy sa pag-kain.
Hindi alam ni Clare kung bakit sumasaya ang puso niya kapag naiisip niya na mami-meet na niya ulit ang doktor niya.

"Anong oras ba?" Tanong ni Clare. Tinignan naman ni Shannen ang cellphone niya.


"Mamayang before or after lunch. Basta he'll text us nalang siguro." nagtaka naman ang dalaga, dahil bago ang number nito---

"I gave your number pala, 'cause hiningi niya, okay?" parang nabasa ni Shannen ang iniisip niya. Napatango na lamang siya.

Clare, may anak kana. Ang harot mo, ghorl!

Natapos sila sa pagkain ng alas-otso. Medyo malamig, kaya nagsuot si Clare ng makapal na jacket na hanggang ibabaw ng tuhod niya. Halata na rin ang umbok ng tiyan niya.

"Sha, next week lilipat na ako sa isa sa mga condo units niyo, ha? Ayaw ko naman na umasa lagi sa'yo, sa inyo nila tita." tinignan naman siya ni Shannen ng masama.

"Baliw ka ba? Sinong kasama mo doon? Buntis ka, Clare. You can't be alone. As if naman may kasama kang ibang tao na alam naming safe ka--" napatakip siya ng bibig at hindi natapos ang sasabihin niya.

"Alam ko na!" kinikilig na sabi ni Shannen atsaka humalakhak.

___

Nagtext nga si Zach kay Clare. It's already eleven o'clock. Agad siyang naka-ligo at nagbihis ng nude pink tube maternity dress at pinatungan ng denim jacket na pinarisan ng boots. Naglagay din siya ng light make up, para ma-ibsan ang kaputlaan ng mukha niya.

"Magpapa-check up ka lang naman, ah? Bakit bihis na bihis ka?" Pansin ni Shannen. Mapanuring tingin ang ibinigay sa kaniya ni Shannen.

"H-ha? Wala! Uy, hindi!" nag-deny siya, kahit wala namang paratang kaya nagmukha tuloy siyang guilty.

"Oh, ano ba'ng sinabi ko? Wala naman akong sinasabi diyan, tapos nagdi-deny ka!" natawa naman si Sha sa inasal niya.

"Tigilan mo nga ako, Sha. Hindi ba pwedeng maging blooming ang isang buntis? Wala na ba akong karapatang mag-ayos? So gusto niyo losyang ako palagi? Kapag naman nagmumukmok ako gusto niyo magsmile ako. Ano ba talagang gagawin ko?" Clare yelled. Tinaasan niya ng kilay si Shannen.

"Huwag ako, Clare. Don't me po." iniwan siya ni Sha, para pumunta sa garahe nila at paandarin ang sasakyang gagamitin nilang dalawa.

Wala nang nagawa si Clare, kung hindi sumunod nalang sa kan'ya. Maya-maya'y biglang tumunog ang cellphone nito, dahil nakatanggap siya ng mensahe. She immediately opened the two unknown messages.

From: Unknown

Hey, Clare! It's me Zach. I got your number from Shannen. Let's have a lunch first, before your check up. :)

Hindi alam ni Clare kung bakit napangiti siya. Aminin man niya at sa hindi, may galak na naramdaman siya sa puso niya. Kinilig siya kumbaga. Though this lunch is just a patient-doctor relationship lunch, kinikilig parin siya.

Siguro kumbaga sa isang teenager, si Doc Zach ang crush niya. Para siyang high school student na may crush na college student sa iisang campus. Naalala tuloy niya noong mga panahong niyaya siya ni Blue na maglunch at sinugurado noon ni Blue na aabot siya sa curfew niya..

She misses that---enough, Clare.

Clare saw another message from an unknown, so she opened it.

From: Unknown

I miss you like crazy...

'Yon lamang ang laman ng mensahe. Magkaiba rin ang number, kaya nalaman niyang hindi 'yon galing kay Doctor Zach.

May parte sa kaniya na umaasang si Blue 'yon, pero may parte din na sinasabing hindi naman siya nito ite-text. Hindi nga siya ang pinili, 'diba? So, no. Malayong malayo na si Blue 'yon. Maybe this is just a girl or a boy from here, Italy, na na-wrong sent.

Napabalikwas si Clare nang marinig niya ang tawag sa kaniya ni Shannen mula sa pinto, kaya agad siyang napatayo at lumabas na para maka-alis na sila. Nag-reply rin siya kay doc bago sumakay ng sasakyan. Tinanong niya kung saan sila magla-lunch. Plus Clare saved doc's contact with a heart emoji too.

Mabilis na nagreply si doc sa kaniya.

Meraviglioso returant. See you! ;)

She typed a reply.

On our way there. See you too, doc!

She told her doctor na see you, pero hindi naman talaga niya alam kung papaano puntahan ang meeting place nila.

"Uhm, Sha, alam mo ba kung saan 'yung Meraviglioso resto?" Tanong ni Clare kay Shannen na ngayon ay papuntang clinic, dahil wala siyang ideyang kakain muna sila. Napabaling naman si Shannen kay Clare.

"Yes. Masarap doon. Do you wanna go there?" Shannen asked and tumango naman si Clare.

"Actually, Doc is inviting us for lunch there, bago daw 'yung check up ko.. So.. Ayun." ngumiti naman ito atsaka nag-patuloy na sa pagmamaneho.

Clare's feeling is not bad right now. Gusto niya ang ganito. 'Yung hindi sobrang sakit, hindi sobrang saya. Nasa gitna lang. Naka-maintain kumbaga. 'Yung hindi naglalamangan 'yung mga emosyon niya.

Sana laging ganito 'yung nararamdaman niya.

---

The Real Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now