Chapter 11

42.5K 1K 39
                                    

Clare's POV:

Pagkakita ko kay Blue, bago pa niya kami makita, hinila ko si Shannen patalikod at sininyalan na huwag lilingon. Sa loob ng ilang minuto, halos pigil-hininga akong nagdarasal na sana makarating na kami sa 15th floor. Minutes felt like years, kaya nang tumunog na ang elevator ay naramdaman kong agad lumabas si Blue. After his few steps,  hinila ko na rin si Shannen palabas at kinaladkad sa room 1207. Nang makapasok kami ay binigyan niya ako ng tingin na mukhang kakain ng buhay. 


Samantalang ang aking mukha ay puno na ng luhang nasa pisngi ko na patuloy parin sa pagtulo. This is so fcking wrong timing.
Bakit siya nandito? Ayokong lokohin ang sarili  ko at kumbinsihin na hindi totoo ang nakita ko, dahil baka mabaliw lang ako kahit na baliw na baliw na ako.

Naisip ko agad ang mga anghel sa tiyan ko nang tumigil na ako sa pagiyak. Tinatapangn ko lalo, kahit na alam kong sagad na ako sa lahat. Kahit na alam kong paubos na ako, kakayanin ko parin.

Pinunasan ko ang luha ko at sakto naman na bumukas ang pinto. Bumungad sa amin si Zach na may dalang dalawang maleta.

"Anong nangyari Clare?!" Nag-aalalang tanong niya sa akin at binitawan niya ang mga bagahe at dali daling lumapit sa pwesto ko.

"I'm near fine, but to be honest, not that okay." I've been told to tell the truth to my family, specially to my doctor.

Muli akong napahagulgol. Ikinulong niya ako sa mga bisig niya at pinatahan na parang isang bata. For a second, I felt relieved and secured to know that someone is here for me. I just freaking hate this side of me na bigla nalang nagbe-breakdown whenever someone asks "what's wrong?"


"Thank you for doing this, doc..." I said as I am sniffing on my stuffy nose.

"It's nothing, Clare. Always think of your babies. You can't be like this everytime." Sabi niya. He held my hand, kaya tinignan ko siya at tumango.

"Ehem..." It was Shannen, giving malice to everything about me and Zach. And here I am hating her doing the malice thing when I myself think of something too!

"D-doc, okay na ako." agad naman niyang binitawan ang mga kamay ko at patay malisya niyang kinuha ang mga maleta niya na malapit sa pinto.

"Clare, gusto mo lang pala ng shoulder to cry on, hinintay mo pa si Zachario!" Sabi ni Shannen at humalakhak. Palibhasa, hindi niya pa alam. At sa oras na malaman niya, mabilis pa sa alas kwatro ay alam kong susugurin niya si Blue.

Nang makarating ako sa kwarto ko ay inayos ko ang gamit ko at inilagay sa kanya kanyang lalagyan. Kumpleto ang gamit dito at wala nang mahihingi pa. This unit is just so perfect.

"This floor is just for the VIPs that's why. In case you're wondering." Sabi ni Shannen na sumulpot sa pinto nang kwarto.

I am wondering.

Tumango na lamang ako at humiga sa kama nang bigla nalang tumulo ang luha ko nang hindi ko man lang namamalayan. Kaya palihim ko itong pinunasan, dahil nasa likod ko naman si Shannen.

"Clare, don't me." Sabi niya kaya napaharap ako, kaya napa-harap ako at kumunot-nuo kay Shannen.

"Ha? Anong don't you?" Nagma-maang- maangan kong tanong.

"Alam ko na may problema ka. We're bestfriends. Wanna talk about it?" Sabi niya at nag indian sit sa king sized bed at hinuli ang mga kamay kong basa pa ng luha.

"Sha, he's here." Sabi ko at naluha ulit. Wala akong mabasang emosiyon sa mukha ni Shannen ngayon. She only gave me a poker face.

"Joking, Clare?" Tumawa siya nang bahagya ngunit peke yon. Umiling ako kaya umigting ang panga niya.

The Real Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now