Chapter 21

40K 1K 167
                                    


Shannen's POV:

Nadatnan ko si Clare na humahagulgol, umiiyak at nasasaktan sa bisig ni Zach, kaya alam kong ligtas siya sa pagkasawi at sakit na dulot ni Blue sa kaniya. Sa buhay niya.

Alam ko na hindi siya sasaktan ni Zach. Pero kung ako ang tatanungin kung sino parin ba ang karapat dapat kay Clare, hindi ako magda-dalawang isip na si Blue ang isasagot ko.

Bakit?

Kasi minahal niya si Clare nang sobra pa sa nakikita nang lahat. Mahal na mahal niya si Clare na kaya niyang ibuwis ang buhay niya para sa kaibigan ko, may paninindigan siya, mahal siya ni Clare at ganun din naman siya ngunit sinayang ni Blue ang tiwala ko sa kaniya, tiwala namin. Kung hindi lang sana umeksena ang punyetang Kina hindi sana nagka-gulo gulo ang lahat.

Isinara ko na lamang ng tahimik ang pinto at nag punta sa sala nang makakita ako ng take-out na pagkain na nakapatong sa maliit na mesa sa harapan ng TV. Kinuha ko 'yon at nagpunta sa kusina upang isalin sa plato. Maya maya'y biglang nagring ang cellphone ko nang tignan ko 'to si Irvin ang tumatawag, pang labing-dalawang tawag na pala ito. Kaya sinagot ko 'to.

"H-hello, Ate?" nauutal na tawag sa'kin ni Irvin sa kabilang linya. Alam na siguro nila na expect ko naman. I just hope hindi sila grabeng nabigla, kahit na alam ko na nasindak sila sa nalaman nila. Alam kong magagalit ang Daddy ni Clare sa nalaman nilang 'to.

"Uh yes, Irvin?" Mahinahon kong tanong.

I'm trying my best not to cry and to stay calm, para hindi sila masyadong mabigla sa reaction ko.

"Ate, Mommy is asking kasi kung ano ba talagang nangyayari diyan?" Medyo may pagtataka sa boses nito, "Uh, okay lang naman, Irvs. Actually, heto. Kumakain kami. Agad ko namang binuksan ang sink, para makagawa ng ingay at hindi mahalata na nagsisinungaling ako." Narinig ko na nagsasalita ang Mommy ni Clare sa kabilang linya.

I lied to them and I know they're aware of it.

Shannen, magsabi ka nga ng totoo. Kung hindi, magagalit talaga ako sa'yo." Tama nga ako ang mama nga 'yon ni Clare.

"Tita Tin, totoo po ang sinasabi ko. Ayos lang po ang lahat." huminga naman siya ng malalim, "Pero anong nalaman ko na wala na ang mga apo ko?! For good sake, Shannen! Sa TV ko pa nalaman at kay Kina pa?! Apo ko ang pinag-uusapan dito and you guys hide everything to me, to us!" At mukhang umiiyak na siya sa kabilang linya.

"I'm sorry, Tita Mommy. Hindi po totoo na wala na ang kambal. They're alive and kicking..." Mahinahon na sabi ko para huminahon din siya.

"Pero why---"

"She's insane, Tita. Baliw siya and sobrang obsessed na kay Blue. Sinisira niya si Clare sa lahat." Kapag nakaharap ko ulit ang walang hiyang iyon, kakalbuhin ko talaga siya at hihilahin lahat ng balahibo niya sa katawan. Wala akong ititira.

"Okay, so buhay ang mga apo ako... But this, sabihin mo. I-explain mo kung paano nangyaring annulled si Clare at Blue?! At malalaman pa namin na ikakasal na sila ni Kin? They even kissed, huh?" I heard her cussed.

"Tita, nagfile ng annulment si Clare---"

"Ano?! Bakit siya nagfile?!"

"Ah kasi po---"

"Hayaan mo na, anak. Soon, Clare will tell me everything. I trust her. Just take care of her, okay? Thank you for telling me laha nang ito. Take care. Always." Napansin kong lumabas na si Zach at Clare sa kwarto dala ang dalawang bata na kaninang tulog, ngayo'y gising na.

Sinalubong ko sila na parang walang nangyari. Let's pretend that all is well until we don't have to pretend...

Clare's POV:

The Real Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now