Chapter 23

38.3K 1.1K 89
                                    

Clare's P.O.V.

TAPOS na kaming kumain at nakaligpit na rin ang pinagkainan namin. Alas-syete na at bukas na ang schedule ng flight naming lahat kasama si Coach Haley, Shannen, Zach at ang dalawang kasama namin sa bahay.

"Good night Mwamie! I'll be waking up so early for tommorow! I'm so excited!" Masayang sabi ni Lianne.

"Me too Mowmie! I'm excited to see Tito Irvin. He's so cool!" Sabi nila at sabay na pumasok sa kanilang kwarto.

Bukas hindi ko alam kung ano ang mangyayari. Hindi ko alam kung sino o ano ang makikita ko sa Pilipinas, ang lugar kung saan ako nasaktan, at nawasak. Alam kong tama ang desisyon ko. Ang hindi tama ay ang hayaan ko lang si Kina sa mga balak niyang kademonyohan sa buhay ko. Mamamatay muna siya, bago ako.

Tandaan sana niya na kaya kong pumatay nang masamang damo.

"GOOD MORNING, TO OUR BEAUTIFUL MOWMIE!" hinalikan nila ako sa pisngi at niyakap atsaka naman sila lumipat kay Zach, "GOOD MORNING DADDY!" hinalikan nila ito sa pisngi atsaka pumunta kay Shannen, "GOOD MORNING, MOMMY SHA!" Sabay na sabay ang kambal na parang pinagusapan nila ang gagawin nila.


Malamang. They're excited. Ito ang araw kung saan lilisanin na nila ang lugar na kinalakihan nila. Uuwi na kami sa Pilipinas. May halong kaba, dahil baka mabunyag ang lahat. Saya dahil sa wakas makikita ko na ang pamilya ko, at excitement dahil malapit na malapit na ang plano ko.

"Babies, let's eat! Para hindi tayo masyadong gutumin papunta sa airport. Mamayang 10 o'clock na ang flight, bawal ma-late." Sabi ko at sinundan naman nila ako sa dining area.

"Mommy, are we finally seeing Dad?" Literal akong napanganga at napatingin kila Shannen at Zach. Lumapit naman si Zach sa kambal.

"Kids, 'diba I already told you that your Mom and Dad aren't in good terms?" Tumango naman sila ngunit sumimangot.

"But we want to see him. We want to hug him and kiss him on his cheek." Sabi ni Lianne na mas nangungulila sa ama kaysa kay Matthew.

"Lianne, look. I'm your Dad too, right? You can hug and kiss me all you want. You can treat me as your real Dad." At ngumiti si Zach sa kanila.

"But---" Pinigilan ko naman siya sa sasasabihin ni Lianne.

"Lianne, don't be like that. Come on let's eat.." Sabi ko at umupo na sa harap nang hapag kainan. Sumimangot naman siya sa akin.

"Nanay! Kain na po!" Tawag ni Shannen sa mga kasama namin sa bahay.

Natapos ang pagkain namin medyo nawala na ang pagkalukot ng mukha ng dalawa. Siguro'y nakalimutan na ang lungkot at natakpan ng saya.

Ito ang mahirap kapag nagtatanong sila. Wala akong masagot na dahilan. Hindi nila alam ang itsura ni Blue, dahil hindi ko pinaalam. Natatakot ako nab aka sila nalang ang meron ako, tapos mawawala pa sila sa akin.

It's almost time to go. Nakabihis ako ng high waist denim jeans at royal blue turtle neck longsleeves at pinatungan ko ng brown spring long jacket at nagsuot ng white rubber shoes. Inilugar ko ang buhok ko at naglagay ng simpleng make up.

"Let's go!" Sabi ko at nagtatalon ang kambal ko kaya napatawa kaming lima.

Sumakay kami sa van na pagmamay-ari ng kaibigan ni Zach. Mabilis lang ang naging biyahe. Kaagad kaming nakarating. Agad na lumabas ang kambal at nagpaikot-ikot habang sinisinghot ang hangin.

NAKASAKAY na kami sa eroplano. Isang oras na rin kami ditto mula nang m-take off ito. Mahaba habang biyahe ito. Napatingin ako sa gawi ko nang makiang natutulog na si Lianne samantalang si Matt ay nakayuko habang nilalaro ang mga kuko niya na parang nag-iisip.

The Real Revenge (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora