Chapter 2

72.2K 1.8K 178
                                    


Eviana Clare Yane

Ang akala ng iba, masarap mabuhay ng may kaibigan at naghahangad ng marami nila, pero nagkakamali sila.


Nakasisiguro ba sila na lahat ng mga 'yon ay totoo? Lahat ba sila ay maaasahan mo pagdating sa madilim na parte ng buhay mo? Lahat ba ng 'yon naging totoo sa 'yo?

Totoo nga ba silang kaibigan o habang masaya ka lang at maliwanag ang buhay mo, kaya lang sila nandiyan?

Oo nga't kasama mo silang nagsasaya, pero kasama mo pa rin ba sila sa hanggang sa parte ng pagluluksa ng buhay mo? Kapag dumating 'yon, dadamayan kaba nila?

Ang pamilya mo lang ang tutulong sa'yo kapag walang wala ka na. Kaya lang, minsan, pati pamilya mo pwede ka ring itatakwil. Kaya ang sarili mo lang talaga ang kasangga mo sa lahat-lahat sa huli. Wala nang iba.

"Clare, kumain ka para hindi ka gutumin mamaya sa ultra-sound mo, okay?" paalala ni Mommy habang nasa kusina siya at ako nama'y nasa sala habang nagbabasa ng mga pregnancy books.

"Opo." ayoko na ang masyadong madaming sinasabi. Naiirita ako kapag lagi akong gumagalaw o nagsasalita. Isa pa, nahihiya parin ako sa kaniya. Kagabi nang dinalhan niya ako ng pagkain ay hindi ko man siya napasalamatan.

"Ate, sasama ako mamaya, ah? Gusto kong makita ang pamangkin ko." Excited na sabi niya.

Kagigising lang ni Irvin at naglalakad siya papunta sa amin at umupo sa tabi ko. Ako naman ay tumango, ngunit nakatingin parin sa librong binabasa ko.

"Ate? Why do you always respond dryly? O kung hindi dry, wala. When would you finally try to talk more than this..." He said seriously and I just stared at him. Ayokong mag-away kami. Hindi ko alam kung hindi niya alam ang pinagdadaanan ko, bakit natanong niya pa 'yon.

Hindi pa ako nakakasagot ay bumukas ang pinto at iniluwa non ay si Shannen na naka floral blue dress.

Blue...

Naalala ko na naman siya. Napansin niyang nakatingin ako sa kaniya gamit ang naglalagablab kong mga mata, kaya nagtaka siya.

Tinaas ni Shannen ang isa niyang kilay na parang nagtatanong kung anong meron sa tingin ko sa kaniya at inirapan ko nalang siya. Ayokong magsalita, kaya ako na lamang ang iiwas.

"Hoy, Clare.. Inaano kita? Nakakatakot kang tumingin." Sabi ni Shannen. Umiling nalang ako habang nakatingin sa binabasa kong libro habang kunwari'y nagbabasa, ngunit ang totoo ay iniisip ko naman talaga si Blue.

Kumusta na kaya siya?

Ang rupok rupok ko pagdating sa kaniya p*tangina.

"'Wag ka na ngang magpanggap diyan, Clare. Baliktad ang librong binabasa mo. Shunga!" sabay-sabay silang tatlong humalakhak, pero wala akong makitang nakakatawa kaya ibinagsak ko ang libro sa sofa

"Tumigil kayo!" natahimik naman sila sa sigaw ko. Akala nila'y nagbibiro ako, ngunit hindi. Gusto ko na lang umiyak, dahil na naman sa nagbabalik na sakit.

Ang kaninang masaya at natatawang mukha nila ay napalitan ng awa, pangamba at pag-aalala sa akin. Ayokong kinaka-awaan.

"Clare, please... 'Wag kang umiyak---" hindi pa siya tapos sa kanyang sasabihin ay nagsalita na ako. Gusto ko nalang ibuhos 'to nang isahan nalang.

"You are always asking me why am I like this, why am I being like that and many more! Can't you see? Nahihirapan ako! Hindi ko kaya na palakihin ang anak ko na wala siya. Anong sasabihin ko sa anak ko kapag nagtanong siya tungkol sa punyetang ama niya? Namatay siya? Oo, tama! Sana namatay nalang siya, kasi sa bawat minuto at segundong iniisip ko na hindi naman siya patay at sa totoo nga ay pinapili ko pa siya between me and that bitch, ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya ako pinili ay unti-unting nadudurog 'to, kahit durog na duron na 'ko! And now, if you'll ask me why?! I myself don't freaking know!" sigaw ko atsaka itinuro ang dibdib ko habang humahagulgol.

The Real Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now