Chapter 28

39.6K 1K 49
                                    


Clare's P.O.V.

Dalawang araw na rin ang nakalipas mula nang nangyari ang interview. Hanggang ngayon, wala akong balita kay Blue maging kay Kina.

Nandito kami ngayon ni Zach sa Mall upang samahan akong mamili ng bagong damit at iba pang mga gamit.

"Zach, bagay ba?" At pinakita ko sa kaniya ang isang dress na above the knee.

"Ay! bakit ganyan naman? Pangit... Tignan mo, walang sleeves. Lalamigin ka---" Sabi nito sa akin kaya inikot ko ang mga mata ko sakanya.

"Nasa Pilipinas tayo." I reminded him, "Ang init kaya sa Pilipinas. Bahala ka nga. I don't need your opinion, duh..." Sabi ko at nagtingin ng ibang damit at nang makakita ako ng purple na long sleeved dress, ipinakita ko ito sa kaniya.

"Oh, ito. Maganda ba?" Hindi siya nagsalita.

"Bakit 'di ka nagsasalita diyan, ah?" Tanong ko naman.

"Sabi mo hindi mo na ako tatanungin kung maganda ba or hindi? Baka magalit ka na naman sa sasabihin ko." Sabi nito kaya medyo natawa ako.

"Ewan ko sayo!" at humalakhak ako sa ka-cute-an niya.

"Pero maganda 'yan." Sabi nito habang kunwari ay tumitingin ng pambabaeng T-Shirt.

How cute...

"Ito kaya?" ipinakita ko ang spaghetti strap na crop top na may ka-partner na miniskirt na parang isang outfit ng isang K-Idol. Umiling ito, kaya agad ko namang binitawan.

When I'm with Zach, he doesn't feel like a professional doctor to me. Masyado siyang inosente kapag kasama ko siya. Para siyang baby, lalo na kapag ganitong magkasama kami. He can be mature and a baby at the same time and what surprises me more is I like it.

"Eh ito?" isa itong tube dress na may lace sa likod. Napakaganda nito. May mga maliliit na diamond na nagpapakinang dito.

"This is revealing." Sabi niya at pinakatignan ang dress atsaka binaling an gang tingin niya sa akin, "but you could wear this when you're with me so I could protect you sa lahat ng titingin sa'yo. Okay. Buy anything you'd love to wear, but make sure you have me by your side by the time na susuotin mo mga 'yon." Mahabang litanya nito, kaya napanganga ako.

Oh, gosh... Why do precious guys always fall for me. Una si Jaeo, ngayon naman si Zach? Ano bang ginawa ko sa past life ko para maging swerte ako sa mga taong nabibigay sa akin habang minamalas sa pagkakataon?

Natapos kaming mamili ng damit. Tatlong paper bags lang ang binili ko samantalang siya ay binili lang ang relong nakita niya na feeling niya raw ay babagay sa outfit niya ngayon. Nakasuot siya ng pantalong maong habang naka simpleng white oversized Tshirt lang na may minimal word design sa gitna. A typical hot boyfriend look na hindi mo akalaing isang doctor, dahil mukha siyang estudyanteng kasamang nagshashopping ang pinsan niya.

"Alam mo, ang gastos mo." Paninita ko sa kaniya kaya tinawanan niya ako.

"Wow, hiyang hiya ang 20k kong relo sa 40k mong pinamili. Wow!" sabi nito at tumawa habang ginulo naman niya ang buhok ko, "Kain tayo." Aya niya kaya napangiti ako.

"Ganiyan dapat..." at naglakad na kami para maghanap ng kakainan.

Nakahawak ang kamay ko sa kamay niya habang naglalakad kami ang isang kamay niya naman ay bitbit ang pinamili namin. Nagpasya nalang kaming kumain sa isang café, dahil bigla siyang nag-crave ng cake. Walang gaanong tao kaya nang bumukas ang pinto ay rinig na rinig ito.

I saw them. After that scene, here they are.

Si Kina at Blue magkahawak kamay na pumasok sa café. Bigla akong kinabahan at parang tinakasan ako ng dugo ang buong pagkatao ko, ngunit hinawakan ni Zach ang kamay ko. Nandito na pala siya sa harapan ko kasama ang order naming.

"Are you okay?" he asked while caressing my cheek.

"O-o-of course." Sinundan naman niya ang tingin ko at agad naman niya akong tiningnan ulit.

"Let's go. Doon nalang tayo sa iba. I suddenly don't like cake---"

"No way. Nauna tayo rito. Stay." tumango na lamang siya habang may pag-aalalang tingin. Nakita kong naghahanap sila ng puwesto at napadako naman ang mga mata ni Kina sa puwesto namin kaya naglakad siya papalapit sa amin.
At sa kamalas-malasan ay bakante ang puwesto sa side namin, kung saan napakalapit namin apat.

Shit.

"Oh! Look who's here, baby!" Sabi nito at nagpanggap na ngayon lang ang pagkakataong nakita niya ako.

Walang hiya.

"Kina Shin, right?" I smiled, "Your Mom phoned me to invite me on to your wedding that will happen really really soon..." nakaupo na sila ngayon.

"This month na, Hon... Few days from now." Sagot naman ni Kina sa akin, kaya nag-init ang ulo ko.

Hon? Honey-mal ka! Honliparot! Honwalang hiya!

"Ohh... I thought ilang months pa?" nakita ko naman si Zach na ini-slice ang cake ko atsaka ito ibinigay sa akin. Hindi ko naman na tinignan sila Kina at nagsimula ng kumain.

"Hinay hinay sa pagkain, babe. Baka di mo na masuot ang mga pinamili mo." Sabi nito at tumawa tinignan ko naman ito ng masama.

"So sinasabi mo na matakaw ako?" Pagsusungit ko rito. "Huwag mo akong kakausapin! Gigil mo'ko!" Sabi ko at humalakhak naman siya.


"Kahit naman tumaba ka, okay lang. My shirts will definitely fit you. It will suit you really really well." I smiled.

"Korni---" then he kissed my forehead.

"At least, sa'yo lang korni." Napangiti naman ako habang hindi ko naman alam ang sasabihin ko.


Napansin ko naman na nakatingin si Blue sa direksyon naming. I know him and by just seeing him, nakikita kong galit siya sa paraan ng pagtingin niya sa akin, sa amin ni Zach.

Blue's POV:

"Mom said we need to go to the mall. I need to buy something. Sagot niya mga expenses." Sabi nito habang naglalagay ng palamuti sa mukha niya.

"As if na man na may choice ako, 'no? Tara na ayokong tumagal tayo." Sabi ko at agad na lumabas para i-start ang kotse. Habang nagda-drive doon ay tahimik lang si Kina sa kotse habang nagtetext. Sa palagay ko, ang same-intensity of craziness niyang nanay ang kausap niya.

Mabilis kaming nakarating sa Mall. Hindi pa kami nag bi-breakfast nor tanghalian kaya nang nag-aya si Kina na kakain muna ay hindi na ako nagsalita pa, dahil nagugutom na ako. Dalawang araw na akong hindi nakakakain ng maayos, dahil dalawang araw ng hindi umaalis si Kina sa bahay. I feel suffocated. Gusto ko nang makalaya, pero walang paraan. I'm not making excuses. Wala lang talaga akong magawa para maka-alis sa impyernong pinasukan ko.

Hinawakan ni Kina ang kamay ko at sabay na pumasok kami sa pinto at kinaladkad niya lang ako kung saan niya gustong pumwesto. 

The Real Revenge (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz