Chapter 35

37K 997 77
                                    

Chapter 35

Clare's POV:

"Mowmie, There's a new car collectible that I saw on the internet... Mowmie can you buy me one? Please..." Pagmamakaawa nito sa akin habang may pakurap-kurap pa.

"Oh, of course, anak ko. Ibibili kita." Sabi ko rito at hinalikan.

"How 'bout me, Mwamie?" nakabusangot na mukha ni Lianne.

"Of course, ibibili din kita, baby girl ko! What do you want?" Bigla naman siyang tumingin sa kisame upang mag-isip. "Hmm..."

"How about a bunch of daddy? I badly want to have—" Agad naman akong napangiti nang mapait.

"Aren't Zach and Tito Irvi enough, anak? They are here, as your dad." Sabi ko rito at hinalikan ang tuktok ng kaniyang ulo.

"They are enough, but I still need a real one, Mom... Our real daddy." Sabi nito at napayakap sa akin. Agad ko naman itong yinakap pabalik ay  binalingan si Matt na naglalaro.

"Baby boy, come here..." Sabi ko rito at inaya ko siya sa bisig ko.

"Soon anak. You'll be with your dad, soon. It's just that, things are complicated right now. Like what I've said, your dad and I is not in good terms, 'diba? I hope you understand, Mommy." Sabi ko at hinalikan sila pareho.

"Okay mwamie, just forget that! I just want to eat chicken joy and spaghetti." Sabi nito kaya napangiti ako.

Napaka swerte ko sa mga anak ko, they are thoughtful and best at making me happy. Alam nila kung kailan ako galit, masaya, malungkot o kung hindi man ako komportable sa isang sitwasyon.

Dalawang linggo na mula nang pumunta rito sa Blue at nang nahimatay ako. Bakit ba siya dumating pa rito? Nagpapasalamat na lamang ako na hindi sinabi ni Matt at Lianne ang totoo.

—-

Kinabukasan. Nandito na kaming lahat sa hapag kainan, nakahanda na ang lahat kaya nagsimula na kaming kumain ng agahan.

"Mommy, labas tayong lahat libre namin ni Zach." aya ko sa kanila at nakita ko namang namula ang mukha ni Zach.

Hindi kasi ito sana'y na biruin sa harap ng pamilya ko. Nahihiya parin siya, ang cute niya kaya kapag namumula siya! Para siyang taong kamatis.

"Namumula agad." Puno ko, kaya humalakhak sila.

"Kumpleto tayo ngayon. Ang tagal ko na kayong hindi nakakasamang lahat. Namiss ko kayo!" Sabi ko at sumandok ng kanin at ulam.

Nang nalaman nila na pumunta rito si Blue ay nagalit si Daddy, ngunit si Mommy aymahinahon lang na nakinig sa akin. Hindi ko alam kung bakit tiwalang tiwala siya kay Blue na parang hindi niya ako sinaktan.

"Oh sige, Clare, balak ko rin kasing ipamili yung mga apo ko. Hindi ko pa sila nabibilhan ng kahit na anong laruan—"

"Dad, wag niyong i-spoil baka pag hindi ka namin kasama, may ipabili, ayokong masanay sila sa gano'n." Sabi ko at tumawa.

"Ikaw naman Irvi, tatawa-tawa ka diyan, ni-hindi mo pa pinakilala sa amin yung dine-date mo." Sita ko rito, kaya napasama ang tingin niya sa akin.

"Ate naman, ipapakilala ko rin. Atat lang? Malelate ka?" Sabi nito at inikutan ko na lamang siya ng mata.

"About nga pala sa mga kambal, ready na ako na makita sila ng lahat. Including Blue, dahil alam na naman niya. But then, I won't ever admit the fact na siya ang ama ng mga anak ko." I said and continued eating.

"If that's your decision. We'll respect it." Sabi naman ni Shannen, kaya napangiti ako.

Sa gitna ng tahimik na pagkain namin ay binasag ni Lianne ang katahimikan sa tanong niya.

The Real Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now