Chapter 6

50.3K 1.4K 295
                                    

Third Person's POV

Nandito ngayon ni Shannen at Clare sa isang food chain. Tumitingin sila nang makakainan, but sadly, hanggang ngayon ay wala parin silang mahagilap. Bukod sa crowded, hindi masyadong pasok sa paglilihi ni Clare ang italian food. She's looking for any matcha flavored food she can eat, but she can't see one here.

"Clare, bakit ngayon lang pala kita nakitang nagsuot ng damit na may yellow simula nung naging magkaibigan tayo?" Shannen asked and Clare smiled a bit.

"I don't know either." she replied and shrugged.

Hindi rin alam sa sarili niya kung bakit ayaw na ayaw niya sa color yellow magmula pa noon. Siguro ay dahil mahal na mahal niya lang talaga ang kulay na asul, kaya naaasiwa siya kapag nakakakita siya ng matingkad na kulay gaya ng yellow.

Hindi niya rin alam.

"Ayun, Clare! Doon tayo!" excited niyang itinuro ang Alfonsi's.

"Kanina pa natin 'to dinadaan-daanan, Sha. Grabe. Nagpaka-pagod pa tayo, dito rin pala bagsak natin." Reklamo ni Clare. Inirapan niya ang best friend niya, dahil inis siya rito. Heto na naman ang kasungitan niya.

Paano ba naman ay naglibot pa sila ng malayo, eh kanina pa nila ito dinaanan.

Pumasok sila sa restaurant at nakakita ng bakanteng pwesto. Pagkaupo ni Clare, naramdaman niyang may naupuan siyang isang bagay. Nang kunin niya ito mula sa puwitan niya ay nakita nitong isa itong cellphone. He turned on the screen and her blood automatically ran down.

The lockscreen wallpaper gives shivers down her spine. It was the most amazing smile she has seen in this whole wide world.

Her husband..

Blue..

Parang biglang bumalik ang mga alaala niya kung gaano kasarap mahalin at magmahal--- pero hindi na mangyayari 'yon. Sinaktan niya ito, so she'll stick to the plan. She'll get a revenge. 'Yun ang plano, hindi itong naiisip niya.

Kahibangan!


Binigyan sila ng menu at si Shannen na ang nag-order para sa kanilang dalawa. Ang matcha cake niya ay pinalitan na lamang niya ng rum baba. Isa itong pastry dito sa Italy.

Buong kain nila ni Shannen ay nagugulo ang utak niya. Sinubukan niya itong buksan, ngunit may passcode ito. Itinago ni Clare ang cellphone sa bag niya. Ayaw ni Clare na malaman ni Shannen na nakakita siya ng cellphone at ang lockcreen wallpaper nito ay ang pagmumukha ni Blue. Gusto niyang sarilinin ang hiwaga. Ang iniisip niyang dahilan kung bakit baka nandito rin si Blue.

"Hey, Clare. Kanina pa kita napapansin. Tulala ka na naman. Always remember your twins na nasa tiyan mo kapag nalulungkot ka. You can't be sad, 'cause they're gonna feel the same too." tumango si Clare sa paalala ni Shannen sa kaniya.

Tama si Shannen. Sa palagay ni Clare, mali naman ang iniisip niya na kay Blue nga 'to. Baka pagma-may ari lamang ito ng isa sa mga nagkaka-gusto sa asawa nito. Her husband is famous. She doesn't want to assume anything. She's afraid to be hurt--- well, she almost forgot that she's already numb.


Matapos nilang kumain ay pinauna niya na sa labas si Shannen at iniwan ang cellphone sa costumer service slash lost and found ng resturant. Agad naman silang dumiretso sa bahay nila, dahil dala naman ni Shannen ang kotse nito. Pagka-uwi nila ay nanood sila ng TV at hindi namalayan ni Clare na nakatulog siya habang napahinga ang ulo niya sa hita ni Shannen.

____

Tatawagan sana ni Blue ang Daddy niya nang wala siyang makapang cellphone sa bulsa nito. Agad siyang nagmadaling pumunta sa parking lot at hinalughog ang kotse niya, ngunit wala din ito roon. Nagpasya siyang bumalik sa resto at iniwan si Kina na mag-isa sa dining area na naguguluhan sa kaniya.

The Real Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now